6

8.5K 40 1
                                    

AQI'S POV

kung meron mang isang bagay na dapat hindi niyo paniniwalaan, yun eh ang weather forcast.

sasabihing maaraw ngayon,

pero hindi kayo babalaan na uulan ng hapon.

gaya ngayon.

hindi pa naman uso sa akin ang payong.

at kanina ko pa kinokontak si Axl pero babae ang sumasagot.

*the number you have dialed is either unattended or out of coverage area...*

sasamain sa akin yang babaeng yan eh,

paano ako pupunta ng barracks ngayon?

tenen!

oo nga pala, nasa akin pa yung susi ng motor ni Shin!

ang swerte ko talaga.

eh ano naman kung umuulan?

kaya heto ako ngayon, imbis na mainis kasi umuulan, inienjoy.

sumakay ako sa motor nya, saka nagtungo papuntang barracks.

--------

"Anong gimmick nanaman yan Aqi?" pang aasar ni Hiro sa akin.

nasa harapan kasi nila ako ngayon at basa ang damit ko.

"Bakit hindi ka na lang sumabay sa akin?" naiinis namang tanong ni Soul.

psh, malay ko ba? akala ko kasi may maghahatid sa akin eh.

basa din pati yung extra kong damit.

swerteng malas talaga.

"Tara na, tugtog na tayo. Dami nyong alam eh."

niyaya ko sila sa pwesto namin.

pronto, nandun si Kurt at yung girlfriend nya.

agad namang napatayo si Kurt at lumapit sa akin.

"Problema mo?" bati ko sa kanya.

hinubad lang nya yung jacket nya saka nya binigay sa akin.

"Dami mong alam." sabi pa nya bago siya tumalikod.

kaya sinuot ko na lang yung jacket na yun.

kahit papaano, hindi bumabakat yung suot ko.

or hindi maeexpose.

kaya habang tumutugtog kami, para akong may astronaut suit.

ang laki kasi ng jacket, banas.

at kahit na malakas ang buhos ng ulan, napainit namin ang buong the barracks.

"kampai!" hiyaw ni Hiro habang nakatingin kay Harley.

bumalik na kami sa mesa namin pagtapos namin tumugtog.

at hindi miminsan ako kung magcheck ng phone ko.

wala pa din.

ni text oh tawag.

lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kanya.

saglit kong sinandal yung ulo ko sa sandalan.

tinamaan na yata ako ng iniinom namin,

nakakaramdam ako ng nakakairitang pagpintig sa ulo ko,

sabay hilo.

wag naman sana,

wag sanang matuloy itong nagbabadya na ito.

Unplayed MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon