[37]

5.5K 66 5
                                    

    AQI'S POV

   Nagising ako sa sunud-sunod na door bell na narinig ko.

    Alas dose pa lang ng hating gabi, sino naman kaya ang pupunta sa apartment ko ng ganitong oras?

     Nqapaisip ako ng bahagya.

   sino pa ba ang pupunta sa bahay ko ng ganitong oras?

    I was half awake when I opened my door, at hindi nga ako nagkamali ng hinala.

    Axl stood before me, halata mong lasing, halata mong pagod.

    damn, how can he still look so hot despite the fact the haggard na sya sa lagay na ito?

     "Where's my kid?"

tanong nya, hindi na nya ako hinintay pang sumagot, pumasok na agad sya ng bahay ko pero saglit natigilan.

    nakita ko kung saan, or rather, kanino nakapako ang tingin nya.

    Kay Andrew na topless ngayon.

    Napahugot sya ng hininga,

    "Can you please not show your body to the mother of my child?!"

naiiritang sabi ni axl kay Andrew, pero nag tanggal din sya ng shirt nya.

    okay, anong meron? bakit nagtipon tipon ata ang mga ulam dito sa iisang bubong? kanin na lang, lalarga na. Pengeng kanin.

     tinignan ko si Andrew ng masama, pero nakangisi pa din sya. he held his hands up in the air, tanda ng pagsuko, saka sya muling pumasok sa kwarto ko.

    naupo ako sa tabi ni axl na nakaprenteng upo na sa couch ko,

   "Kumain ka na ba?"

Tanong ko sa kanya, still not looking at his eyes, kasi baka may makita syang kung ano dun.

   Hindi nya ako pinansin at humiga na ng tuluyan sa couch ko. Ang dami kong gustong itanong sa kanya, kung bakit sya nandito sa bahay ko ng ganitong oras, pero narealize ko na kung ano man ang dahilan nya, malamang hindi nya sasagutin ngayon, dahil unang una, lasing sya.

   pangalawa, pagod.

   so imbes na magtanong, kumuha ako ng unan at kumot mula sa closet ko. Inayos ko yung unan, sa ulo nya, at nilagay na din ang kumot.

   I'll just talk to him first thing in the morning.

   I turned around and walked papunta sa kwarto ko, when I suddenly felt a hand grabbed mine.

     hindi ako baliw para hindi malaman kung sino yun. Nilingon ko sya.

     pero wala pa rin syang malay, tulog pa din sya.

   I sigh in disappointment. Marahan kong hinatak ang kamay ko upang makawala sa kanya.

    "Stay"

napahinto ako nung narinig ko yun. Ang daming bagay ang nasa isip ko ngayon. Like kung paano ko ipapaliwanag kay Axl ang lahat, at sa tingin ko, hindi ko pa sya handang harapin ngayon. Kaya binaliwala ko ang narinig ko at patuloy na naglakad papasok ng kwarto, kung saan natutulog si Andrew sa kama ko, at si Senrii, nasa crib nya.

     marahan akong humiga sa tabi ni Andrew. It was a looong time before I finally doze off to sleep.

    when I woke up the following morning, meron na akong weirdo at kakaibang naramdaman.

   Bukod sa nakayakap sa akin na ubod ng bigat na kaya or whatsoever, naririnig ko na din ang tawa ng anak ko.

agad naman akong napabalikwas ng marealize kong anak ko nga yung kanina pa tawa ng tawa.

Unplayed MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon