[11]

8.2K 48 1
                                    

AQI'S POV

"GOOD MORNING..."

minulat ko ang mata ko only to find a dark room, pero nakaamoy pa din ako ng masarap na pagkain.

tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang lalake na may hawak ng tray, naka boxers lang pero napatungan ng apron.

nananaginip ba ako?

muli kong pinikit ang mga mata ko. gandang panaginip naman nito.

"Hoy.. gising na.."

naramdaman kong lumubog ang isang part ng kama, then somebody planted little kisses on my face.

muli kong minulat ang mata ko. siya ulit nakita ko. napangiti ako.

"gandang panaginip naman nito. nagagagutom."

nakita kong nagblush siya sa sinabi ko, saka ko ulit pinikit yung mata ko.

sana hindi na ako magising sa panaginip na ito.

lol

"hindi ito panaginip babe, gumising ka na.. pinagluto kita ng breakfast." malambing nyang sabi.

breakfast? hmmm...

"anong oras na ba?" tanong ko sa kanya.

"alas singko ng madaling araw." sabi pa nya with great joy.

"UTANG NA LOOB, AXL. pinagod mo na ako kagabi, anong oras mo pa ako pinatulog. alas nuebe pa pasok ko.. huhu" pagmamaktol ko sa kanya.

ang adik kasi eh,

okay na sanang panaginip.

kung hindi lang sana ang aga mambwisit.

"eto naman eh," narinig kong nilapag nya yung tray sa kung saan tsaka ako niyakap.

"kaya nga kita nilutuan ng breakfast eh, para may lakas ka."

minulat ko ang mata ko, at tinignan siya.

nakangiti sya sa akin ngayon.

ayan ba ang mahihindian ko? yang ngiting yan?

bumangon ako at inabot nya sa akin yung pagkain.

bacon plus cheese omelette. tapos oj.

yum..

"marunong ka naman pala magluto eh.." tinignan ko sya ng masama.

ever since kasi na nilutuan ko sya, ako na palagi ang nagluluto.

ayaw pa nyan ng prito lang.

gusto nya totoong ulam. Ayaw din nya ng bumibili lang, gusto nya, made from scratch.

tapos malalaman kong marunong pala syang magluto?

"eh diba nga mas romantic pag pinagluto ka ng lalake? narinig kong sabi ng isang ipis yun eh, epektib ba? may 'doki doki' bang nangungulit jan?" then nginuso nya yung dibdib ko.

napatingin tuloy ako sa dibdib ko.

"anong doki doki?" tanong ko sa kanya.

napailing lang naman sya.

"anyway, alis tayo mamaya ah?"

kumuha siya ng isang bacon at sinubo nya sa akin.

yum yum..

"shaan tayo pupunta?" tanong ko habang puno pa din ang bibig ko.

"diba.. sabi ko, magdedate tayo ngayon?" nilapitan nya ako lalo at niyakap.

Unplayed MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon