[9]

8.4K 39 1
                                    

SOUL'S POV

"Ate, pakitawagan nga si Kuya Axl.. may isasaoli ako." utos sa akin ni Sushi boy.

kasalukuyan siyang naglalaro sa laptop nya. at ang hula ko, wala pa yang tulog.

alas syete pa lang pero makautos na ito wagas.

"Tinawag mo pa akong ate kung uutusan mo din lang naman ako. tsaka ikaw may kailangan, ikaw lumapit." pinagpatuloy ko ang pag gawa ng almusal ko.

omelette with ground beef and cheese.

yun lang alam kong lutuin eh, kaya nga sabi ni Shin, dapat daw mapangasawa ko magaling magluto.

agreed.

"bakit yung mga nalulunod, sila may kailangan, sila ba lumalapit?"

nilapag nya ang isang bag sa lamesa.

naka boxer lang siya ngayon.

and I can't help but wonder..

"Sushi boy, when did you become so... manly?"

tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

my brother will make women cry, I assure you.

parang kelan lang baby pa sya.

naiiyak tuloy ako.

ngayon, hindi man lang ako umabot ng balikat nya.

"Gaano ka katangkad?" tanong ko sa kanya, saka ko hinain ang niluto kong pagkain sa harap nya.

"6 foot, banas nga eh, sana kasing tangkad ako ni kuya Axl. ideal height ko kaya sila ni kuya Ace." then he started eating.

lalakeng may ideal?

weird.

"Anyway, ate.. maganda na ba katawan ko?" tumayo siya at nag pose na parang sasali sa isang contest.

oo na,

ako na may kapatid na conceited.

"oo, maganda na. itigil mo na yan, ayoko mawalan ng gana." umupo siya at ngumiti.

ngiti?

"anong nginingiti-ngiti mo jan?" tanong ko sa kanya.

I sat in front of him at nag umpisa na ding kumain.

"Wala," pero nakangiti pa din sya niyan.

tahimik kaming kumakain ng almusal ng may maisip ako.

speaking of Axl, matagal na akong di nakakapunta sa bahay nun.

"Shin, ako na lang maghahatid nyang isosoli mo."

tinignan nya ako na para bang may binabalak akong masama.

"tae mo, namimiss ko lang bahay ni Kuya. Tsaka, tata,bay ako ng library nya ng hindi naman palaging sinasabi ni Aqi na libre magbasa."

tae nun ni Aqi eh,

pinaka brutal, sarcastic, lahat na.

nung nagsabog yata ng katarayan sinalo nya lahat, di man lang nagtira.

"Speaking of Aqi, ate.." ngumiti sa akin si Shin.

tuwing si Aqi na lang ang usapan, ngumingiti si Shin ng ganyan.

ewan ko ba kung anong nakita ni Shin kay Aqi.

sabagay, maganda naman si Aqi, kaya lang, dahil nga sa bestfriend ko si Aqi, alam kong mas masasaktan lang si Shin pag sya ang girlfriend nito.

Unplayed MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon