[31]

6K 38 3
                                    


AXL'S POV

     Hindi ko na talaga mapigilan pa ang nararamdaman ko. Parang sa bawat oras na hindi ko nasasabi kay aqi kung ano ang nararamdaman ko, para akong sasabog.

   Gustung gusto ko na syang kausapin, Yakapin, makita sa araw-araw. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula.

    I was so scared na aminin sa sarili ko na after all those efforts, after all those years, isang kembot lang ni Aqi, tunaw agad ako.

   Isang ngiti lang nya, tunaw nanaman ako.

    At isang I love you lang nya, bumigay na agad ako. Masyado kong isiniksik sa kokote ko na ayokong masaktan si dee kasi she was always there.

   Pero sa bawat pagkakataon, ako ang nasasaktan. Sa bawat pag gising ko na wala pa din si Aqi sa tabi ko.

     Tinignan ko ang portrait namin dito sa kwarto ko. Ito yung pinagawa namin nung sinabi nyang last day na. Ako na ang kumuha, siguro, nakalimutan nyang kunin. Pero okay lang, kasi sa bawat pag mulat ko na wala sya sa tabi ko, nakikita ko yung portrait na yan.

    And that always reminds me of us.

   Yung sinabi nya na kasabay ng paglubog ng araw, mawawala kami.

   Naakalimutan nya ata, na sa bawat paglubog ng araw, may panibagong pag sikat. And at the end of every sunset, surely the sun will rise again and will bring new hope.

      Bumaba ako ng bahay ko, only to find Dee there. Nakahanda na ang almusal sa. hapag. I just looked at her, lumapit sya sa akin at ngumiti.

    "breakfast is ready."

Hinila nya ako sa upuan at pinaupo. Sya na din ang naglagay ng pagkain ko. I just looked at her.

 

Inasikaso nya ako na para bang walang nangyari. And I can't do this anymore.

    I can't stand doing this anymore. Every moment spent doing this, is a moment wasted. Habang hindi ako kumikilos, lalong naiisip ni aqi na wala na talaga.

    "Dee."

Tawag ko sa kanya. Tuluyan ko syang pinigil sa kung ano man ang ginagawa nya.

     "Axl, please, just... just let me do this, okay?"

Iniwas nya ang kamay nya at tuluyang ibinalik ito sa paglalagay ng pagkain ko.

    Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito. kasalanan ko kasi umasa sya na dadating yung time na makakarating ako.

     Pinaasa ko sya na dadating yung time na mamahalin ko sya.

    "Dee, I don't think I will ever get there."

amin ko sa kanya. She has been a good friend throughout these years. ayoko man syang saktan ng ganito, magpapakaselfish na muna ako.

       "She let you go already, akin ka na."

Dumapo ang kamay nya sa kamay ko, hinawakan nya iyon ng mahigpit at tila ba nakikiusap ang kanyang mga mata.

    "No, Dee. I'm sorry, pero sya lang talaga."

saka ko tuluyang iniwas ang kamay ko. Hindi ko alam kung paano tatapusin itong sa amin ni Dee, kung meron man. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

   ang tanging alam ko lang ay kailangan ko si Aqi. I need her back in my life badly.

     At tatanggapin ko ang lahat ng paliwanag nya. Lahat ng sasabihin nya, kahit hinanakit nya. kung kinakailangang lumunhod ako sa harapan nya, gagawin ko.

Unplayed MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon