[39]

5.2K 72 11
                                    

AQI'S POV

     "Dalian mo, ang bagal mong kumilos."

halos ipagtulakan na ako ni Soul makalabas lang kami ng apartment ko, Alas tres pa lang, pumunta na sya sa bahay ko at nag umpisang paartehin ako.

    Sabi nya, may party daw kaming pupunthan at wag na daw akong maarte, kasi libre to. Si Alden na din daw ang bahala pa sa kung anong gagawin kay Senrii. Ng makapaglaro naman daw ang magpipinsan.

    Kaya hindi na ako tumanggi pa. Simula kasi ng dumating dito si Senrii, hindi na din ako lumabas. Kaya siguro, this is also my way of treating myself.

     Makawala man lang ba kahit papaano.

    Halos mag aalas syete na nung umalis kami ng bahay ko, medyo malalate pa nga kami, kasi alas syete daw ang party. Bumubulong bulong na nga yung katabi ko sa akin, mapapagalitan daw sya.

   hindi ko naman alam kung bakit.

   kaya pzagdating namin ng venue ng party, nag uumpisa na nga ito. Narinig ko pang nagsasalita ang isang babae na nasa harap ng stage.

     palinga linga ako, nandito ang lahat ng kaibigan ko pero iisang tao ang wala dito.

    Yung pinakaimportanteng tao.

   "Si Axl?"

tanong ko sa magaling nyang pinsan. Aba, nasaan na ba yung lalake na yun?

   Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng lugar, nasa isang parang garden kami. Halos hindi ko kilala lahat ng tao.

    Puro ngayon ko lang nakita. Hindi din miminsang huminto si Soul para makipagbatian.

     Tho, walang matatanda dito.

   Parang party na formal, pero puro mga kasing edad namin.

   Napaka romantic din ng ambiance na ito.

   So romantic, it's fishy. Kinakabahan ako.

   ganito yung mga napapanood ko sa movies diba?

     romantic ambiance, happy people.

   nawawala yung lalakeng hinahanap mo.

      "Please don't tell me Axl going to propose to me, in this crowd."

sabi ko kay Soul. Panic is in my eyes.

   no.

   he can't do this.

   hindi sya pwedeng magpropose sa harap ng madaming tao. Ayoko.

   hindi pa ako ready.

    and Soul giving me the sweetest smile is really not helping.

    Konti na lang talaga, magfrefreak out na ako.

    Eh kung umalis na lang kaya ako?

     tatakbo palayo?

     "Relax, birthday lang to ng kaibigan ng barkada ng utol ng kapitbahay ng daga sa kanto."

sagot sa akin ni Soul sabay wink.

   FVCK!

  Huminto kami sa isang table kung nasaan ang barkada ni Axl, nginingitian din nila ako ng weirdo.

  kinakabahan na talaga ako, hindi ko alam ang gagawin ko pagsakalaing nagpropose si Axl sa akin ngayon.

   nagtatalo ang isip ko.

Unplayed MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon