Chapter 38: ...

138 7 2
                                        

Hindi ko alam pero automatic na nag panic ako agad nang sabihin ni Khun na may emergency. Nag aalala ako kasi feeling ko may kinalaman dito si Cherreen. Ano nanaman kayang ginawa nun?

Nasa sasakyan kami ngayon at papunta sa airport. Nag paalam kami ni Khun sa tropa na mauuna na kaming umuwi sa Seoul dahil nga sa emergency. Grabe na din ang pag aalala ni Jessica lalo na't naiwan si Krystal sa Seoul.

"Damn it, Krystal! Answer your phone!" Inis na sabi ni Jessica na katabi ko dito sa backseat. Parehong tulog ang mga anak namin.

"Jess, calm down honey. Everything will be fine." Pagpapa kalma sa kaniya ni Tyrone na agad nagpa singhap kay Jessica.

"You want me to calm down? How can I if my sister is freaking stuck in Seoul with this man's insane sister!" Inis niyang sabi at dinuro pa si Khun. Okay. Hindi ko nagustuhan yung sinabi niya ah. Tahimik lang si Khun pero alam kong nainis siya sa sinabi ni Jessica.

"Jess, you better watch your mouth, our children are here. But if you wont, I'll shut you my self." Natahimik siya bigla at iritang tumingin sa kabilang side ng sasakyan.

If there is one person that could shut her mouth, ako lang yun. Vice versa dahil ganun din siya sa akin.

Walang kahirap hirap na na reach namin ang airport dito sa Vancouver. Sa bilis ba naman magpa takbo ni Khun.

Wala na kaming dinaanang immigration at mahabang pila. Diretso na agad kami sa runway dahil nag iintay na dun ang private jet na pinadala ni Kuya Leo from Korea.

Pumasok na kami at agad nilagay ang mga bata sa kwarto para makapag pahinga sila.

"Tell me, what's happening in Seoul?" Ang tanong ni Khun sa kay Jarvis. Ang secretary ko at isa sa mga heads ng Agency.

"Sir, nag pakita po si Ms. Cherreen sa Blanc and Eclare pati na din sa HK Brands. Hindi po siya gumawa ng gulo sa HK Building dahil feeling niya sa kaniya pa din ang brand. Plus, hindi naman alam ng mga employees na may ginawa nga siyang masama. Pero Sir, Madame, something happened in Blanc." Frustrated na hinarap sa amin ni Jarvis ang laptop at nag simulang mag play ang video.
"Kuha po ito sa CCTV ng office niyo, Ms. Jess." Humarap si Jessica sa monitor at pinanuod ang nangyayari.

"Oh my gosh, Krystal!" Napa hawak siya bigla sa bibig niya nang makita ang kapatid.

Una, hinila ni Cherreen si Krystal patayo sa swivel chair at itinali ito sa upuan sa gitna. Cherreen looked like she was talking to someone else dahil may camera sa harap ni Krystal.

Kitang kita mula sa position ng cctv camera kung pano pinahirapan ni Cherreen si Krystal. Hindi nalang ako nag sasalita dahil baka kung anong masabi ko.

"What happened?!" Ang tanong ko nang biglang mag black out ang computer.

"Signal interrupted." Ang sabi ni Jarvis. He tried to fix the laptop pero huli na ang lahat.

May kakapasok lang na email. And it's from Cherreen.

"Hi guys!" Mukha niya agad ang bumungad sa amin.

"Damn it, Cherreen! I'm gonna find you and kill you myself." Inis na sabi ni Jessica. Napa tawa nalang tuloy si Cherreen.

"Alam kong yan ang sasabihin mo, but go on. I'm not scared. *evil laugh* I prefer you guys here. You know, so that we can all die and go to hell together." She laughed once again. Habang ako naman, patuloy lang sa pag iyak dito sa kinauupuan ko.

Nilipat ni Cherreen ang camera at nakita namin ang walang malay na si Ace at Krystal.

"Pst. Gising. Pst." Ang sabi niya sa dalawa. Maya maya pa nang magising yung dalawa.
"Say hello to your unnie and oppa." ang sabi ni Cherreen kay Krystal. My cousin looked pitiful. She's hurt.

Our Family's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon