The Almost 10 Years Gap
(Chapter excerpt only)
MARCH 2013....
"1985 siya. 1995 ako."
"Ten years! Ten years gap niyo?!"
Nilayo ko ang cellphone mula sa tenga. Kahit ang layo-layo ni Alex, parang kaharap ko lang ito dahil sa lakas ng boses nito.
"Bru, i beg to disagree. Hindi ten years. Nine years and three hundred sixty four days and.... hmmmm.... ilang hours lang siguro," explained ko rito.
"Gagi! Nagreserach ka pa. Ano yan, pumunta ka NSO at tinignan birth certificate niya?"
Naiimagine ko tuloy ang pag-roll ng eyes ni Alex dahil sa tono ng boses nito.
Napahagikgik ako sa tanong nito.
"Di uy ah," tanggi ko. "Over naman."
"Paano mo naman nalaman kung ganoon aber?"
"Tinanong ko," kaswal kong sagot. "I asked him about his birthdate. Isang araw lang pagitan ng birthday namin eh. July 30 ako. July 31 siya. So, nine years and three hundred sixty four days lang gap namin."
"Inulit mo pa talaga. But it's still ten years Andi," exasperated nitong wika.
"Not ten years.... but nine years and three-"
"Okay okay Andi. I get it. Almost ten years gap," putol nito sa sasabihin ko.
Inulit ko sa isip sinabi nito. Almost ten years gap. Napangiti ako. "Yup. Mas maganda nga yan pakinggan."
Narinig ko malakas na pagbuga ng hangin ni Alex.
"I can't believe it. Magkakagusto ka na nga lang Andi, sa gurang pa," puno ng disgusto boses nito.
"Anong gurang! Hindi gurang si Vincent ano!"
"Eh kasi naman... ten...er- almost ten years gap nyo di ba? Ang layo Andi. A decade er- almost a decade na gap niyo. Baka hindi kayo magkaintindihan. You know, the generation gap na sinasabi nila."
"Wala iyan sa edad-edad. Ang pag-ibig, walang pinipiling edad."
"Ewww--- naexile ka lang diyan sa probinsya, naging baduy ka na. Kahit ano pang sabihin mo, hindi pa rin ako sang-ayon! Hindi kayo pwede! Hindi kayo bagay!" OA nitong wika with emotions pa. Parang nagdedeclame lang. Kaya vibes si Mommy at si Alex eh. Pareho silang drama queens.
This time, ako ang nagroll ng eyes. "As if naman may magagawa ka ano. Ano ka si Mommy?"
"Joke lang," sabay tawa. "Ako pa, kakampi mo ako. Basta ba guwapo yan Andi, go na go ako!"
"Hahaha... Ikaw talaga mahilig sa guwapo." Tumaas sulok ng labi ko saka hinigpitan ng maigi ang pagkakahawak ng cellphone. "Pero Alex, hindi lang siya guwapo ngunit..." binitin ko kunwari para may suspense effect.
"Ngunit?"
"Yummy pa!!" kinikilig na sagot ko.
"Yummy? As in yummy? Yung definition ko ng yummy?"
"Oo nga ang kulit mo ha."
Wala akong narinig kay Alex.
"Alex? Nadeds ka na ba?"
Muntik ko na itapos ang cellphone ng bigla na lang itong tumili ng pagkalakas-lakas, yung makabasag eardrums.
"Kyaaaaaaaaaaaahhhh! Shet! Ang landi mo friend! Sa wakas lumandi ka na rin! Nahawa ka na rin sa akin ever! Sa wakas!"
Natawa ako sa mga narinig.
"Gagi ka!"
"Hmmm...kung yummy naman pala, eh ano pang ginagawa mo Andi?"
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
"Duh! Syempre akitin mo na! Gawin mo ng dyowa. Pakasalan mo na. Bilis! Pronto!"
"Mukhang mahihirapan nga ako diyan eh," himutok ko rito.
"At baket aber?!"
"Ikakasal na kasi ito."
*SOON*
*************************************************
Kailan ang soon? Hindi ko masabi. Basta magpopost na lang ako kung may time ulit. May draft na ako ng story na ito. Time na lang to write. Hopefully, after first sem mastart ko na ito.
Comments? Violent reactions? Hohoho... ^^

BINABASA MO ANG
The Almost 10 Years Gap (Slow update)
Romance"Age is only a number when it comes to love."