Chapter 2
Wais ba?
“Are you ready Andi?”
“Yes, Mommy,” malungkot kong sagot. Syempre, acting lang na malungkot ako. Mukha ko tuloy parang namatayan at napipilitan lang. Pero sa loob-loob ko ay nagsusumigaw ako sa saya at ang ngiti ay ubod ng lapad. Piyesta ba.
“Don’t worry hija. Mabilis lang ang dalawang buwan,” pampalubag loob ni Daddy sa akin sabay tapik sa balikat ko.
“Sana nga Dad.”
Sana nga mas mahaba pa sa two months!
“Before the summer ends, susundin ka namin ng Mom mo personally. But for now, sorry hija at hindi ka na namin maihahatid doon,” ani Dad.
“Andi, alam mo namang may nakaset na kaming pupuntahan for today. Because of your unexpected circumstances again, napilitan tuloy kami ng Dad mo na ipadala ka sa Lolo mo ng wala sa oras para magtanda,” explained ni Mommy.
“My, wag na po kasi niyo akong ipadala kay Lolo…” ungot ko. Chos lang!
“No Andi,” stern na wika ni Mommy. “Sumusobra ka na. It’s time na pag-isipan mo yang mga actions mo. Hija, your actions reflects yourself. Ano na lang sasabihin ng iba? Na barumbada ka at mahilig makipag-away?” hindik na monologue ni Mommy.
“Eh, ano naman paki ko sa sasabihin ng iba Mommy. I’m living for myself and not for others,” wala sa loob na sagot ko.
Tumaas kilay ni Mommy. “Yan, yan na nga ba sinasabi ko. Hija, you should also think about others too. Hindi na lang all the time na sarili mo na lang iniisip mo. You should also think about how your actions would affect other people.”
“Mommy, you know that –”
“I think you better go already Andi. Baka gabihin kayo sa daan,” putol ni Dad sa sasabihin kong argument pa sana. Nang tignan ko si Dad ay nasa mukha nitong nakikiusap na stop ko na ang usapan.
Dahil ayoko na rin ng mahabang usapan ay di ko na nga tinuloy pa gusto ko pa sanang sabihin.
Nilapitan ako ni Dad saka niyakap at hinalikan sa pisngi. “Be good Andi. Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo ang Lolo mo,” bilin nito.
“Si Dad naman!”
Tumawa ito. “I’ll miss you hija.”
“I’m gonna miss you too Dad.”
Bumaling ako kay Mommy.
“Bye Mommy,” sabi ko sabay beso at yakap. “Mamimiss ko sermon mo,” biro ko rito.
“Bye Andi. I’m gonna miss you too. Pakabait ka ha.”
“Kung makapagsalita kayo ni Daddy parang ang haba ng sungay ko. Bait ko kaya,” tawa-tawang wika ko.
Pasakay na ako sa loob ng kotse ng biglang nagsalita ulit si Mommy kaya naudlot pagpasok ko.
“Andi…”
“Bakit Mommy?”
“Give me your phone, tablet, and your laptop," diretshang order nito.
“My w-what?”
“Your phone, tablet, and your laptop.”
“Mommy naman eh!” reklamo ko ng marealized hinihingi nito.
“Akin na hija.”
“Eh, pag kinuha mo ang phone, tablet at laptop ko, ano na lang gagawin ko dun?” kunot-noong tanong ko.
“Marami hija. Explore the place. Alam kong pag dinala mo yang mga gadgets mo ay baka wala kang atupagin doon kundi magbabad lang sa tab or laptop.”
“Ba’t pati phone ko? Paano niyo ako makocontact?”
“My landline ang Lolo mo roon di ba?”paalala nito.
Sumimangot ako. “What if may magtext sa akin sa phone ko na importanteng replyan ko My?” argue ko pa rin.
“Don’t worry about that hija. I’ll call you if that happens.”
“Mommyyyyyy!” padyak effect pa ako.
“Give me all your gadgets now.”
Bumaling ako kay Daddy para humingi ng tulong.
“Dad! Tulungan mo ako from Mommy oh.”
Umiwas lang ng tingin si Daddy.
Walang magawang binigay ko kay mother dearest ang aking cellphone, tablet at laptop. Kinuha nito iyon sabay pasa kay Daddy. Si Daddy pinaghawak nito ng mga iyon.
“Where’s the other one?” tanong ni Mommy sabay lahad ng kamay.
“Huh? Anong other one?” patay malisya kong tanong kahit alam kong tinutumbok nito.
“Your other phone. I know may isa ka pang phone."
“Wala kaya My.”
“Don’t fool me hija. Akin na yung isa mo pang phone.”
Sumusukong binigay ko rito yung isa ko pa ngang phone.
“Oh sige My, Dy, ang kakausapin ko na lang doon ay yung mga baka, kalabaw, kambing, manok at mga baboy kung sakali,” parinig ko sa kanila. "Pagbalik ko rito, wag na kayo magtaka kung hindi na human language marinig niyo sa akin. Magiging expert na rin ako sa animal language."
Sabay na tumawa ang dalawa.
“Stop exaggerating Andi. Try to mingle with the locals there,” encourage ni Daddy.
“That’s right hija. Makipagkaibigan ka sa mga tao run para hindi ka mabore.”
Ngumiti na rin lang ako. “I thought I am being sent there as a punishment?”
“We are sending you there hija for you to have a time for yourself to assess your actions.”
“Sige na Andi, sakay na. Baka gabihin pa kayo.” Tumingin si Dad kay Manong Caloy, driver namin. “Manong, ingat po sa biyahe ha. Bahala na po kayo kay Andi.”
“Opo Sir, Ma’am,” magalang naman na sagot ni Manong.
Sumakay na nga ako sa loob ng kotse after kong bigyan for the second time ng yakap ang mga magulang. Pagkalayo ng sasakyan mula sa bahay namin ay nilabas ko na ang tinatagong ngiti sa mga labi. Tumawa rin ako ng pagkalakas-lakas. Napatingin pa tuloy si Manong sa salamin sa harap para icheck kung anong nangyayari sa akin.
“Okay ka lang hija?” paniniyak nito. Alam kong nababahala ito at baka may kasama pala itong nasisiraan na ng ulo.
“Oks na oks Manong. Naku, hayaan niyo lang po ako. Masaya lang po ko.”
“Masayang pumunta sa probinsya?” kunot-noong tanong nito. Aware kasi ito sa dahilan ng pagpapadala sa akin roon. Actually, aware lahat ng kasama namin sa bahay. Pero sad nga sila dahil mawawala ako ng dalawang buwan sa bahay eh. Ako kasi entertainer nila sa bahay. Pasimuno ng kalokohan.
“Opo,” abot-tainga ang ngiting sagot ko.
Nag-huhum na kinuha ko ang aking backpack at naghalungkat.
I grinned when I found what I’m looking for.
My third cellphone.
Tama. May isa pa akong phone. Mwahaha. Naanticipate ko na yung gagawin ni Mommy eh.
Kung wise si Mommy, mas wise yata ako.
********
Thanks again for reading :) ComVo
BINABASA MO ANG
The Almost 10 Years Gap (Slow update)
Romance"Age is only a number when it comes to love."