Chapter 5
Waterfalls
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naisip ko lang, siguro by this time, nakarating na kay Lolo ang tungkol sa inanunsiyo kong party party. Hindi naman ako nababahala roon eh. Alam kong hindi magagalit si Lolo sa akin. Ako pa. Spoiled ako kay Lolo eh – na siyang ikinigagalit rin ni Mommy. Kunsitidor daw si Lolo kaya ako lumalaking matigas ang ulo.
Parang twenty minutes na akong naglalakad mula sa sinasabi nilang kuwadra ng mga kabayo ay wala pa rin akong nakikitang talon. Puro puno pa lang nakikita ko magmula pa kanina.
May talon nga ba talaga?
Nasagot tanong ko ng ilang sandali lang ay narinig ko ang bagsak ng tubig– tanda na malapit na ako sa patutunguhan.
Bumungad sa akin ang isang napakagandang waterfalls. Maliit lang iyon pero halos mapugto hininga ko sa ganda. Ang sarap picture-an at ipost sa facebook or sa instagram.
Nakita ko ang isang malaking bato sa gilid ng talon. Malaki iyon. Siguro lampas tao ang laki at ang luwang ay lampas tao rin. Nang puntahan ko iyon ay nalaman kong hindi pala talaga siya as in sa gilid ng talon. May space pa in between ng bato, lupa at tubig. Kaya may space pa akong umupo roon. Nang subukan ko ay napangiti ako dahil parang sakto pang puwede kong istretch ang paa habang nakasandal sa bato. Ang sarap pang sumandal dahil nakakalma ang tunog ng pagbagsak ng tubig mula sa talon.
Iginala ko paningin sa paligid. Ang ganda talaga. Napakaserene umupo roon. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng tubig at huni ng mga ibon. Hindi rin gaanong mainit dahil maraming punong nakapalibot lang. Lalo tuloy naging presko ang tumambay lang doon.
Yow! I found my hiding place! Simula ngayon, I declare this place as mine. Hihingin ko itong lugar na ito kay Lolo. Kahit huwag na nitong ipamana sa akin ang buong hacienda basta akin lang itong place na ito, solve na ako.
Pero teka lang. Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa waterfalls na ito? Bakit walang nagsasabi? At wala rin akong naririnig na nababanggit man lang ni Lolo. Or ni Mommy. Even Daddy. Sa mga tauhan pa ng hacienda ko nalaman.
It’s a big mystery.
Dahil ayokong mastress, ipinawalang bahala ko na lang iyon.
Hindi ko mapigilang ipikit ang mga mata. Nag-aanyaya kasi ang preskong hanging ipikit ang mga iyon. Inayos ko ang pagkakasandal ng likod sa bato at mabilis pa sa alas kuwatrong binalot na ako ng antok at tuluyang nakatulog.
*******
“Vincent, may gusto akong sabihin sa iyo.”
“What is it Lyka, tell me.”
Naalimpungatan ako dahil sa naririnig na mga boses.
Shet! Kung sino man mga hinayupak na ito kahit mga diwata’t enkanto pa sila, makakatikim sila sa akin!
Yamot na kinusot ko ang mga mata at inayos pagkakaupo. Patuloy pa rin sa pag-uusap ang kung sino man ang mga iyon.
“H-huwag na lang nating ituloy ang kasal.”
Kasal? Napakunot-noo ako sa narinig. She’s calling off a wedding? Ganda mo lang gurl?
Nacurious tuloy ako lalo na ng mabanaag ko tinig ng lalaki.
“What do you mean Lyka? You mean you want to suspend the wedding?”
Sus! In denial si mister. Kailan pa naging synonyms ang call off at suspend?
Di ko na kinaya at umandar na talaga ang pagkatsimosa ko. Sumilip ako mula sa pinagtataguan kong bato. Nakatalikod sa akin yung guy, si girl lang nakikita ko tuloy.
![](https://img.wattpad.com/cover/7491998-288-k98862.jpg)
BINABASA MO ANG
The Almost 10 Years Gap (Slow update)
Romans"Age is only a number when it comes to love."