Part 2

30 5 5
                                    


Nauna nang umuwi si Tita Edel nung mga 6 pm kaya kami nalang tatlo naiwan dito. Paglabas namin nanibago kami kasi walang tao sa labas. Kahit sa highway walang dumadaang sasakyan kahit isa. Binalewala ko lang yun kasi mga 9 pm na din yun, malamang maagang natulog mga tao dito.

"Punta kaya tayo dun sa isang paradahan ng mga traysikel? Kasi ang alam ko mga 10 pa yun nagsasara eh, " sambit ni Mich.

I decided na baka nga bukas pa, eh pinuntahan namin. Nagulat naman sa nakita namin.

"Hala, anyare dito? " sabi ko.

" Mukha namang walang tao, Nae."  sabi ni Jay habang nasa likuran ko siya. Mas sanay siyang tawagin  ako in my nickname.

Weird kasi yung arrangement ng mga traysikel, paiba-iba ng direksyon sa pagka-parking. Ang alam ko kasi, talagang maayos ang pagkakahanay ng mga traysikel dito. 

Napa-iling naman si Mich at kitang-kita sa mukha ni Jay ang takot. Pano ba naman ang creepy talaga ng lugar ngayon.  Pag sa normal na araw naman, kahit maghahating-gabi na, madami paring vehicles ang dumadaan especially sa highway. Sobrang nakakapagtaka.

" Wala din atang babiyahe ngayon Jay, kapagod naman." Nag-complain si Mich.

" Wait, may isa pa ata tayong madadaanan." Sabi ko habang hila-hila silang dalawa sa braso.

 Nang makarating kami sa huling paradahan, napabuntunghinina kami kasi wala na talagang traysikel. May nakaupong matandang lalaki sa isang bench, based sa suot niya, mukhang tagatawag ata ng pasahero. Nakatulala lang siya sa hangin.

"Uhm, hello po. Wala po bang pedicab na babiyahe ngayon? Ano po bang meron?" Sabi ni Jay habang kagat kagat niya ang panyo niya. 

Hinigpitan ko naman ang hawak ko sa backpack ko na sobrang bigat. Girl scout kasi ako masyado, laging maraming dala. Alam mo na, in case of emergency.

Nakatunganga pa din yung old guy sa bench. 

"Walang babiyahe ngayon. Wala ng tao." sabi nung guy habang nakatingin sa malayo.

Wala kaming choice kundi maglakad ulit. Nung nasa dulo na kami ng highway, may mabilis na humarurot sa daan. Naka-motor siya, normal na jeans tsaka shirt. Kinalabit ko si Mich pero hindi niya napansin yung nakita ko.

 Paparahin ko na sana yung guy kaso may napansin ako ...... putol yung huling daliri niya.

The UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon