Part 4

21 5 5
                                    

Naumid ang dila ko parang hindi ako makapag-salita. Pinilit kong  ibukas ang bibig ko, at sumigaw, pero either way hindi siya nagwo-work. Nakatitig lang ako sa mga tao habang nakikiasayaw sila dun sa lalaking hubad na pugot ang ulo, may dugo pang umaagas mula sa putol na leeg nito at kitang-kita ang  kanyang mga ugat at lamang loob.

"Nae," Narinig kong may bumulong sa likuran ko. Shet na malagkit, di ako makagalaw. Ayaw kong lumingon o gumalaw. Natatakot ako kasi baka mapansin nila na hindi ako happy sa mga nasasaksihan ko ngayon. Grabe ang mga tao, masyadong naging wild sila sa paningin ko na kung ano-ano ang pinaggagawa nila na para silang mga baliw. Siguro hindi nila nakikita ang mga nakikita ko? 

Bigla namang may kumalabit sa likod ko. Paglingon ko, si Jay pala. Nangangayayat sa sobrang pagod, gayundin si Mich. Sisingit pa sana si Jay sa crowd, pero hinila ko sila agad at mabilis na naglakad papalayo. Nakasunod naman si Mich, halatang takot at nalilito. Alam ni Mich na ganito ang kilos ko every time na may nakikita akong kakaiba. Binilisan na lang namin ang paglalakad palay, pero wala akong sinabi tungkol sa mga nakita ko.

Nang nasa kabilang kanto na kami, nagreklamo si Jay. Nagpatuloy kami sa paglalakad, ngunit hinang-hina na kami. Mga malapit na mag-eleven nun. Gutom kami at inaantok na kinakabahan at the same time.

"Naeca, this is sobra na. My gosh, I need to go home na talaga. Gutom na talaga ako." sabi niya habang himas-himas ang tiyan niya.

"Akala ko bumili kayo ng food?" Nagtataka kong sabi. Napansin ko na wala silang dalang paperbag, supot or something.  

"Ewan ko, sarado lahat ng food chains at tindahan ngayon. Ang weird talaga, nakakaloka," sabi ni Mich habang inaayos ang bangs niya.

" Pati McDonalds at Jollibee sarado din?" Gulat kong tanong. Imposible naman ata iyon.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad buhat buhat ang mga bags namin. Sa aming lahat, ako ang may pinakamabigat dahil nag-backpack pa ako. Nagdala ako ng books and notes kaya ayun, nag-backpack ako.

Mula sa di kalayuan,we saw a little girl na naglalakad. Naka-white dress siya tapos shoulder length yung hair. Mga around six years old yung girl. May dala siyang paper bag ng McDo at isang paperbag ng ibang  brand ng burger. 

Madilim yung street na dinadaanan namin, parang kami lang ata tao dito eh. Pero bakit may batang naglalakad mag-isa? Delikado kasi siyempre gabi na, and also, andame niyang bitbit.

Nilapitan naming tatlo yung little girl, nakatitig lang siya sa amin, blank expression ang mukha niya.

"Hi, " bati ko, "Alam mo ba kung saan makakahanap ng bus or traysikel?" tanong ko.

Alam kong nonsense na bata ang pinagtatanungan ko, pero siya palang matinong nakasalubong namin, so wala talagang choice.

Umiling  lang yung girl, nakayuko siya habang nakatingin sa baba. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang dalawang puting bola, about the size of a pingpong ball. May hawak siyang tig-isa kada kamay niya. 

"Saan ka pala bumili niyan?" tanong ni Mich habang ningunguso yung mga paperbags ng food na sapnay nung girl. 

"Dun po, " sabay turo ng bata sa Mcdonalds. 

"Ha, eh sarado sa Mcdo ah?" sabi ni Mich, "Kaya nga wala kaming nabili kahit tubig man  lang," dagdag pa niya.

Sa totoo lang, kinabahan ako sa batang to, kung ano pinagsasasabi. Sarado nga naman ang Mcdo, tsaka literally, walang bukas na tindahan.

"Gutom na talaga ako, pramis," sabi ni Jay.

Tiningnan lang siya ng batang babae. Cute  naman yung bata, maputi tsaka matangos din yung ilong.

"Kung gusto niyo po sa inyo nalang to," sabay abot niya nung isang paper bag.

Di naman makapaniwala sina Jay at Mich, pati na rin ako.

"Ss-s-Sigurado ka?" tanong ko. Tinanggap naman ni Mich yung inabot nung bata at nagsmile yung little girl. 

Nag-nod lang yung little girl at saka nag-smile. Nagsimula na siyang maglakad palayo, dala-dala pa rin yung dalawang maliliit na bola at pinaglaruan ito. 

"Jay naman, mamaya na muna!" paghinto ni Mich kay Jay. Kanina pa kasi pilit binubuksan ni Jay yung paperbag. Excited na atang kumain.

"Akin na nga muna yan,"   Inagaw ko yung paperbag para tumigil na sila.


Naglalakad padin yung girl palayo, jinu-juggle niya yung dalawang bola. Biglang nalaglag yung isa sa mga bola, at gumulong papunta sa amin.  Naapakan iyon ni Mich.

" Ay, sorry!" sambit ni Mich nang maramdaman niyang may naapakan siya.

Dahil ako ang may hawak ng paperbag, si Mich na ang pumulot. 

"Ano yan?" tanong ni Jay.

Dahan-dahan namang pinulot ito ni Mich. Biglang nag-iba ang ekspresyon niya.

Umusog naman kami ni Jay palapit at tinitigan yung hawak- hawak ni Mich na bola~~~ este-- 

"Shet! Mata?!" 

Sabay sabay kaming sumigaw.


The UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon