Part 8

15 2 4
                                    


Pagbasa ko ang nakita ko ay isang mahabang listahan.... ng mga kailangan kong hanapin para makalabas na kami dito.

While binabasa ko yung listahan, napalunok ako sa mga nakita ko.

May nakaguhit  na parang anatomy ng isang tao. Then may mga parts ng katawan niya na kinukulangan ng laman.

Napagtanto ko na baka hung mga iyon ang dapat kong hanapin sa room.

Hinanap ko yung pen ko sa backpack at inilista yung mga missing parts ng katawan sa drawing.
......

Mata
Tenga
Kidneys
Daliri...

At kung ano-ano pang mga lamang loob na hindi ako pamilyar.

Basta sinulat ko nalang lahat ng alam ko.

Sa hulihan nung note, pag nahanap ko na daw ang lahat ng nasa listahan, kailangan kong mabuksan ang ataul at gawin ang nakasulat doon.

Wala na akong sinayang na panahon. Umiiyak na ako dahil di ko na alam ang gagawin ko. Para akong mababaliw...

Naghanap ako sa loob ng kwarto. Habang iniikot ko yung room. Steady lang sina Mich at Jay. Walang kibo.

Gustong gusto ko silang hambalusin that time dahil sobra na akong napipikon. Pero wala, eh. Wala ding silbi.

Una Kong nakita yung isang pair ng mga binti.  Duguan ito habang nasa ilalim ng kama. Hindi na ako nag-doubt o nag inarte that time, wala ako choice.

Habang unti-unti ay natatagpuan ko ang mga bahaging yon ng katawan ng tao, patuloy lang ang pag-agas ng mga luha ko at Hindi ko ma-control.

Patuloy akomg nag-hanap pati sa ibang sulok ng kwarto. Ngayon ko lang napansin na sobrang laki pala ng space sa room na ito.

May maliit na cubicle din na may mga musical instruments. Doon ko nakita yung mga daliri, nakayungyong  at kita pa yung ugat. Tsaka doon ko rin nakita yung dalawang tenga. Nakaipit din sa may bunganga nung lumang piano.

Nagpatuloy ako sa ginagawa kong nagmistulang scavenger hunt. Nakakatakot dahil mag-isa lang ako, well kahit may mga kasama ako parang dumagdag pa sila sa pasanin ko.

Every item na matagpuan ko ay ikina-crash out ko sa listahan at tinatambak ko  malapit doon sa ataul.
( Yung wooden box na tinutukoy ko earlier)

Yung mata ko para nang namamaga sa kakaiyak ko. I thanked God kase isa nalang kulang sa list ko na di ko pa natatagpuan. Isang pair ng mga mata.

Nilibot ko ulit yung place then nung bumalik ako doon sa bedroom, biglang may nalaglag na something mula sa ceiling.

Sabay naming nilingon pataas at napansin namin na nag-blink pa ng dalawang beses yung mga mata, kanina pa pala yung nakabitay diyan ngunit hindi ko lang napansin.

Kahit creepy at yucky masyado, tiniis ko. Well, if ikukumpara to sa mga nahawakan at nakita namin kanina, sasabihin kong mas di ko kayang sikmurain ito.

Kinuha ko nalang ang mga ito at bumalik na doon sa main bedroom, tiniis ko nalang and masangsang na amoy sa surroundings ko.

Inilapag ko ang mga nakuha ko beside the wooden box. Now an kumpleto na ang nasa listahan, I read the note again.

Binuksan ko yung wooden box ng dahan dahan. I'm so shocked to see a dead person's body sa loob.

Napaatras ako ng onti at na outbalance ngunit mabuti nalang natamaan ko sina Mich kaya hindi ako nauntog  sa floor.

Lumapit ako ulit sa kahon, and this time in examine ko na ito ng malapitan at di na nagpadala sa takot ko.

Napansin ko na may mga missing parts din ang bangkay sa box. Inangat ko ulit yung sketch na nasa paper. Napatitig ako sa mga natipon ko sa gilid ng kahon.

Hindi kaya....

The UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon