Ngayon Alam Ko Na

229 5 0
                                    

March 2016. I forgot the exact day I wrote this
----------

Kailangan ko lang isulat 'to talaga. Hindi siya poem. Ewan para lang. Haha basta freestyle lang 'to. 

  ------------------------------------------------------------------------------------------  

"Ngayon Alam Ko Na"

Ngayon nalaman ko na kung ano ang pakiramdam.

Alam ko na. Nararamdaman ko na. 

Iyong tipo na nasa pinakatuktok ka ng mataas na gusali, na kapag ika'y dumungaw sa ibaba, nakakakaba at nakakapanlambot ng katauhan.

Takot na mahulog dahil iniisip mo pa lang, lumalakas na ang pusong walang tigil sa pagtibok ng mabilis sa iyong kaloob-looban.

Nakakatakot pala talagang mahulog lalo na't walang daan pabalik.

Iyong ayaw mong bumigay, pinipigilan mo sa abot ng makakaya, pero hindi mo magawa.

Masayang-masaya ka pero tila hindi rin nawawala ang kaba at takot na nadarama. 

Hindi mo maiiwasang isipin siya palagi. 

Nakakainis. Delikado pa man raw ang lahat ng sobra.

Mag busy-busyhan ka man, biglaan pa rin siyang susulpot sa utak mo. Sarap niya tuloy sapakin.

Nakakainis. Nakakatakot. Nakakakaba.

Ngunit, bali-baliktarin man, gusto mo nga siya talaga.

Ngayon alam ko na, ang pakiramdam ng unti-unting pagkakalubog.

Ayaw ko sana, pero gusto ko rin. Gusto ko rin siya. 

Ngayon alam ko na, 

Na kahit ilang palabas sa telebisyon ang aking nakita,

Ilang daang libro na nabasa't nasulat tungkol sa romansa, 

Ilang taong nasaksihang umagos ang luha sa mga mata,

Kahit anong iwas at pag-iingat na baka maging katulad lang sila lahat sa aking ama, 

Kapag IKAW na ang siyang tinamaan, walang-wala ka na.

Tinamaan talaga ako tang*na. Pasensya sa mura.

Nakakatakot, ganito pala. 

Ang mahulog ng di mo inakala.

Sa oras, na tila mali pa. 

NGAYON. ALAM KO NA. 

------------------------------------------------------------------------------------------

Poems Of Different KindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon