09/17/16
Damn that was close. Too darn close.
I almost lost the chance. Akala ko wala. Pero yun pala, naglolokohan kami ng anino ko. LOL.
Una't sapul, ayun na. Unang chat, may kaonting pull na. Pero binalewala ko kasi hindi pwede. Wala dapat seryosohin kasi masakit magseryoso.
Ang risky.
Nakakatakot hindi ba?
Yung papatigilin ko na, tsaka naman nag malfunction ang lintek na puso. Sabi preno daw muna. Teka lang.
Tas sabay bagsak ng mataas na pader. Parang domino sa bilis ng pagkatumba. Sinubukan kong apakan yung break, pero walang preno. Ayun na ang hudyat.
Wala na. Ganun ganun nalang.
Nakaramdam na din ako. Pumitik na siya. Go na raw siya. Pakers kang puso ka ayun na eh. Bumigay ka pa?
TANGA. BOBO. STUPID.
Pero ngumisi at pumitik ng tuluyan ang tangang puso.
Nandun na sana. Bibitaw na sana. Tama na sana kasi walang patutunguhan.
PERO HINDI NAGTAGUMPAY.
It was at the tip of the tongue. Hindi natuloy dahil sa prenong iyon.
Sige na. Oo na. Nahuhulog na.
BINABASA MO ANG
Poems Of Different Kinds
PoetryPoems written in tagalog and english pero hindi na talaga poems lahat xD. Random thoughts of an author. Baka maka relate rin kayo kamo. hahaha