Different Battles

73 1 0
                                    

06/07/17 


Sa pahinang ito, gusto kong gawing paksa ang iba't-ibang laban ng bawat tao. Sa labing-siyam na taong nabubuhay ako sa mundong ito, iilang kwento narin ng buhay ng tao ang narinig ko.

Nabasa ko ang isang quote at ang sabi, na kung alam lang natin lahat ang storya ng bawat isa, siguro balanse ang mundo at puso. Pero bakit may iba pa ring nakakapaghusga at gustong punmatunay na MAS mahirap ang pinagdaanan niyang mga pagsubok kaya pinagyayabang na niya ito? At iyong mga taong sa tingin niya ay mababaw lang ang pagsubok kumpara sa kanya, ay tingin niya ay mas mataas na siya dito?

Hindi ako impokrita. Oo. Sa punto ng buhay ko, naranasan ko din maging ganito. Pero hindi ko pinangangalandakan sa bawat taong nakilala ko ang storya ng buhay ko. 

Nagtaka ako, oo. 

Kung bakit siya nahihirapang lampasan ang problemang iyon samantalang mas mabigat ang sitwasyon ko? Bakit sa tingin ko madali lang ang problema niya kung magkapalit kami ng sitwasyon? At bakit parang pinapaburan siya palagi ng mas magaang problema? 

Naisip kong hindi patas. Pero. 

Pero ngayon, naunawaan ko na. 

Na ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang laban. 

Wag mong sabihing mas madali ang kanya dahil hindi mo alam ang nasa isip at damdamin niya. 

Doon sa taong pinintasan ang babaeng winakasan ang sarili niyang buhay, 

Huwag na huwag mong nilalang ang MUMUNTING problema niya ayon sa iyo, 

Dahil kahit isang segundo ay hindi mo naranasan ang naramdaman niya kung bakit niya tinapos ang kaisa-isang buhay na mayroon siya. 

May kilala rin ako. 

Ang pinakamalalang kalaban niya, ay ang sarili niyang emosyon. Ang sarili niya mismo. 

May mga araw na tila hindi niya maisip kung ano ang rason kung bakit nabubuhay siya sa mundong ito.

Mga araw na tila wala siyang nararamdaman. 

Hindi niya alam kung bakit ganoon. Isipin man, ay hindi pa din maintindihan. 

Minsan napapatunganga nalang siya ng walang kahit anong emosyon sa mukha. 

Minsan habang kausap ang iba, nakakapagtype siya ng maraming beses ng katagang 'hahaha' ng walang kahit anong emosyon sa mukha.

Minsan napapatanong siya ng 'masaya ba ako?

Ang minsan na ito ay napapadalas kaya kung dumadating man ang araw na normal na nakakaramdam siya. 

Napapaisip siya na ayaw niyang maramdaman ng iba ang nararamdaman niya.

Gusto niyang tumulong pero minsan ulit, nasa isip niya ang tumulong sa isang tao, pero hindi niya maramdaman ang simpatiya. 

Tumatakbo ang kanyang isip kung ano ang DAPAT sabihin at hindi dahil DAPAT itong sabihin dahil iyon ang nararamdaman ng kanyang mumunting puso.

Gusto niyang tumulong, sumubok, na umalis sa lungga niyang ito.

Pero kung siya nama'y sumusubok, hindi nila naiintindihan at napagsasabihan pa siyang mapagkunwari.

Hindi. Sinusubukan niya at ayaw niyang lumalabas na napipilitan lang siya. 

Sinusubukan niya pero hindi nila maintindihan dahil iba ang pagkakilala sa kanya.

Hindi ba parang nakakulong siya sa kanyang sarili?

Paano nga ba ang ganito? 

Siguro ikaw na isa sa nagbabasa nito ngayon, maiisip mo na ang babaw ng problema niya o ng kahit sinong kakilala mo.

Pero ito nalang ang isipin mo. 

Paano kung ako mismo ang magsabi sa iyo na ang laki mong talunan dahil hindi mo malampas-lampasan ang sarili mong laban? 

Hindi madali ang lahat ng laban ng bawat tao tandaan mo iyan. 

Imbes na makipagkumpetensya ka na kung sino ang tinuturi mong mas mababaw ang pinagdaanan kesa sa iyo, mag-isip ka ulit.


Because we fight our own battles with different weapons. 


Poems Of Different KindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon