Kaibigan

598 12 2
                                    

"KAIBIGAN"

Kaibigan ko

Sadyang ikaw ay natatangi

Walang katumbas sa kahit kaninuman

Dila mo ma'y matalas minsan

Sige lang, ako ma'y ganyan rin

Ikaw nga'y brutal pa sa araw-araw na samahan

Wag kang mag-alala kaibigan

Kaya kitang tumbasan 

Sa natural na kabrutalan

Pero ang totoo'y harutan lang naman

Madalas magbigayan,

Sa pagkain nama'y nagdadamutan 

Problemang dumarating, 

Ikaw kaibigan ay nandiyan

Pag si crush nasa malapitan

Mabilis ang laglagan

Pero kaibigan, wag ulit mabahala

Pag crush mo'y dadaan, 

Nasa akin na naman ang huling halakhak.

Sa lahat ng pinagsamahan, 

Lagi mo lang tatandaan na mahal kita Kaibigan.

:)))

Remember:
Kahit anong klaseng kaibigan pa ang meron tayo, lahat dapat bigyan ng importansya.

Poems Of Different KindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon