CHAPTER 1 (Armando Caruso)

864 44 7
                                    

CHAPTER 1

(Armando Caruso)

(Gab's Note: Dedic? Just comment below. :)

(Polly's POV)

Nagsimula ang lahat..noong una ko syang makita sa labas ng campus namin.

"Ale, magkano po itong isaw?" tanong ko sa magtitinda ng street foods, katapat lang ng university na pinapasukan ko. Paborito kong kumain ng street foods. Gawain namin ni Tanya ang kumain ng street foods tuwing hapon after class. Si Tanya nga pala ang bestfriend ko, since high school.

"Tres lang ineng." Ang mahal. Bituka lang naman ng manok.

"Polly! Gusto ko tong adidas. Adidas na lang din ang bilhin mo." sabi ni Tanya sakin. Pumayag na rin ako kasi paborito ko rin ang paa ng manok.

"Hayan! Maiinit na."

Kumakain na kami ng manok nang biglang may magsalita sa likod ko.

"Uhh, excuse me."

Humarap ako sa nagsalita. Kagat kagat ko pa yung adidas sa bibig ko and..

Halos mahulog yung paa ng manok na kagat kagat ko dahil sa gwapong nilalang na nasa harapan ko.

"Panyo mo miss, nahulog."

Nakatitig lang ako sa kanya. Nanlalaki kasi yung mata ko. Grabe, alam nyo ba yung nakatitig ka sa isang gwapong lalaki ng malapitan? Ang gwapo ng singkit nyang mata..ang pointed ng nose nya..nakakaakit ang lips niya..at higit sa lahat..nakakalaglag panty ang dimples nya though hindi naman sya masyadong nakangiti.

Feeling ko lumulutang ako sa kalangitan..

Hanggang sa, marinig ko na lang ang kakaibang tunog na ito sa loob ng katawan ko. Thag-thug-thag-thug! Paulit ulit lang sya. Ayaw nyang tumigil.

"Ahh, miss. Okay ka lang ba?"

Haaaay! Pati boses ang gwapo! Second year college na ako sa Education pero bakit ngayon ko lang sya nakita sa school? Ang gwapo pre!

"Ahh, miss. Just take this nagmamadali kasi ako e."

Nabigla ako kasi hinawakan nya yung kamay ko, may pinatong syang kung anong bagay at umalis na. Hanggang sa pag alis nya naka kagat pa rin ako sa adidas na kinakain ko. Tiningnan ko naman kung ano yung nasa palad ko. Yung panyo ko pala.

Tiningnan ko ulit sya kahit medyo malayo na sya.

Kahit nakatalikod, ang gwapo nyang tingnan. Ang tangkad nya, ang athlete gumalaw at ang lakas ng dating! Sheet!

"Tanya, ang gwapo nya. CRUSH ko na sya.."

At doon na nagsimula..ang lahat.

Morning.

"Hoy Polly. Anyare sa mata mo? Natulog ka ba? Tsaka, palitan mo nga yang facial expression mo, nangingilabot ako e. Muka ka dyang may masamang gagawin sa ngisi mong yan."

Imbes na gawin ko yung sinabi ni Tanya, lumapit ako sa kanya at nilapit ang muka ko sa muka niya. Napa poker face naman siya.

Nagsusulat sya ng report nya para bukas. Wala kaming pasok ngayon kaya nasa apartment lang kami.

"Tanya, ano kayang pangalan ni Crush?"

"Sinong crush?" Walang lingon nyang tanong sakin. Busy sya masyado sa pag gagawa ng report.

"Yung gwapings na nagsoli ng panyo ko kahapon!" sigaw ko sa kanya.

"Aruuy, Polly! Parang ang layo natin sa isa't-isa ah. Makasigaw lang e." Tinakpan niya ang tenga niya. "Hindi ka pa rin maka move on sa kanya? Imba ka, Polly! Haha. Halos kahapon siya lagi ang bukang bibig mo! Hahaha."

"E ang gwapo niya e. Hihihi."

Napa-poker face ulit si Tanya. "Hayan na naman ang ngisi mo. Nakakangilabot. Siguro kaya ang laki-laki ng eyebags mo inisip mo ng buong gabi yang crush mo no? Kaloka ka, Polly!"

Tama sya. Si crush ang laman ng isip at puso ko kagabi. Ehmegesh. Excited na tuloy ako pumasok bukas. bakit ngayon pa kasi nawalan ng pasok. E di sana, hina-hunting ko na si crush ngayo sa buong campus. Hihihi.

"Ano kayang pangalan nya? Gustong gusto ko talagang malaman.." humalumbaba ako habang nakatitig sa ginagawa niyang report.

Napansin ko naman na parang nag-iisip tong si Tanya. "E kung.."

"Kung ano?"

"Tutal, hindi mo pa alam ang pangalan ng crush mo, bakit hindi mo muna sya bigyan ng pet name?"

Napangiti ako sa naisip ni Tanya. Tama! Magandang idea yun!

"Lels. You're so talino talaga, Tanya!"

True. Matalino yang si Tanya. Isa sa mga Dean's lister. Education din ang kinukuha niya pero Math ang kinukuha niyang major. "Kaso, ano'ng ipe-pet name ko sa kanya?"

Nag isip ulit siya. "Noong, nakita mo sya kahapon.. di ba kumakain ka ng paa ng manok?"

Tumango ako. Syet lang e. Pagkatapos nung nangyari kahapon, tinawanan ako ng tinawanan ni Tanya. E kasi ba naman, na-star struck daw ako sa isang gwapo kahapon habang ngata-ngata ko yung paa ng manok. Palagay daw niya baka na turn-off sakin si crush. Ajuju. Medyo masakit yun.

"E kung..adidas na lang kaya ang i-pet name mo sa kanya?" tapos tumawa pa si Tanya. I'm sure naalala nya yung pagtawa nya sakin kahapon. Letse. Napakabait din nyang si Tanya e.

"Eww. Adidas? Wag naman yun no! Naalala ko lang yung nakakahiyang part kahapon. Huhu."

Ayoko. Ang pangit pag adidas. Nakakahiya naman talaga ang hitsura ko kahapon. Ngata-ngata ba naman ang paa ng manok? Kaloka.

"Alam mo, Polly. Pasalamat ka talaga sa panyo mo kahapon. Kung hindi yun nagpatak, e di sana hindi mo sya makikilala di ba?"

Tama. Teka..may naisip ako.

Tumakbo ako papunta sa laundry basket ko. Kinuha ko doon yung panyo ko. "Tanya! May naisip ako!"

"What?"

"E kung pangalan ng panyo ko na lang kaya ang i-pet name ko sa kanya?"

"Ano bang tatak ng panyo mo?"

"Armando Caruso!"

Natigilan kaming dalawa ni Tanya tapos napangiti kami. "ARMANDO CARUSO!" sabay pa naming sigaw.

Yes! I-pe-pet name ko na lang kay Crush ay "Armando Caruso". Hihi. Medyo cute.

"Hahaha. Armandow Carusow! Hahaha. Hay ewan, nakakaloka ka, Polly!" bumalik na si Tanya sa pagsusulat niya ng report.

"Tanya, hindi ko muna lalabhan tong panyo ko. Feeling ko nandito pa yung kamay ni crush e. Hihi."

"Ibang level na yan, Polly! First time mong magka crush tapos ganyan ka. Nakakaloka ka pala mag ka crush ano?"

(Gab's Note: Pasensya na po sa humihingi ng dedic, dapat po pala connected tayo. :( or naka follow ka sakin.)

Operation: Kidnappin si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon