CHAPTER 2 (Getting To Know Him)

607 24 7
                                    

CHAPTER 2

(Getting To Know Him)

(Polly's POV)

Ako na yata ang estudyanteng gustong gusto nang mag Monday dahil sa pag pasok. Yung iba, hate na hate ang Monday. Ako, I really really love Monday! 

Bakit ba kasi Saturday pa lang ngayon?! Gustong gusto ko nang mag Monday para..makita si Crush also known as Armando Caruso. Hahaha.

Sa paghihintay ko sa pag dating ng Lunes parang bumabagal ang oras. Kainis naman oh. Gustong gusto ko na kaya makita si Armando Caruso. At hindi lang iyon, gusto ko na rin malaman ang pangalan niya. Pati na rin ang course niya, year level, age, address, religion, date of birth, place of birth, nationality, weight, height, name of parents, their occupations, brand ng brief na sinusuot niya, deodorant na gamit niya, kung amoy paa ba sya o ano? Kung mabango ba ang hininga niya at higit sa lahat..ang status niya. Hehehe. Married? It's complicated? In a relationship? Single? O double? Choss lang yung double. Sana SINGLE sya 'no? Para havey na havey ang buhay!

Gusto ko talagang malaman ang tungkol sa kanya! Lahat lahat. Wala akong palalampasing impormasyon about sa kanya. Kung magmukha man akong stalker e di stalker na kung stalker. Tse!

Isa nya akong SECRET ADMIRER 'no. Isang magandang Secret Admirer..hehehe.

Gustong gusto ko na talaga malaman ang pangalan ni Crush. At isa pa, na-a-aduwa daw si Tania sa tuwing babanggitin ko ang pangalang Armando Caruso. Tinanong ko naman sya kung bakit. Basta lang daw. Hay ewan ko dun. Basta Armando Caruso muna ang itatawag ko kay Crush pansamantala. Hehe.

Tsaka, cute naman yung Armando Caruso e. Ang brusko kayang pakinggan. Parang tigasin na lalaki, gwapo ang dating at yung tipong pang model ng bench ang mailalarawan sa pangalang Armando Caruso. Di ba?

Ganun kasi si Crush e. Kahit na saglit ko lang sya nakita, syet pare! Tinamaan talaga ako sa kanya. Kinikilig pa nga ako hanggang ngayon pati na rin ang mga split ends ko sa tuwing naaalala ko yung unang pagkikita namin ni Armando Caruso.

Haay. Minsan ang sarap din ng buhay..

At last! Monday na rin! Makikita ko na si Armando Caruso. OMG! Magpapaganda to the max and to the highest level talaga ako. At syempre, kaylangan kong suotin yung pinaka bonggacious na damit ko. Haha. Sana naman makita ko si Armando Caruso tapos mabibighani sya sa kagandahan ko tapos ma-i-in-love sya sakin tapos sasabihin nya sakin na gusto nya ako tapos tatanungin niya ako kung pwede ba nya ako ligawan tapos hindi na ako magpapatumpik tumpik pa! Boom kara-karaka na! Woops kiri woops kiri woops na ito. Sasagutin ko na kaagad sya at wala nang pakipot effect pa!

Choss lang. Dalagang Filipina ako 'no kaya magpapaka desente ako kahit hindi halata. Tehehe.

"Aba, Polly. Hindi mo manlang nabanggit sakin na may hahawakan kang binyag. Ayos ah, monday na monday ang pupuntahan mong binyagan."

Ano daw? Binyagan? Ano bang sinasabi ni Tania?

"Binyagan na sinasabi mo dyan? May pasok kaya tayo."

Biglang tumawa si Tania. Ay mali, humagalpak ng tawa at walang poise. Aba, kung nasa public kami nakakahiya. Buti na lang dito lang sya sa apartment tumatawa ng ganyan. At syempre, ako pa lang ang nakakakita ng tawa niyang yan.

"Ano'ng nakakatawa? Ang sakit mo sa split ends, huh."

Tawa pa rin sya ng tawa na halos nakikita ko na yung lalamunan niya.

"E pano ba naman kasi, bakit ganyan ang suot mo? Nako, delikado ka pag nakita ka ni Anastacia," si Anastacia yung classmate namin na beki. Ang real name niya ay Anastacio. Oh di ba? Bongga. "Tiyak na ma-o-okray ka nun!"

Nag alala naman ako. Grabe din kasing mang okray yung baklang yun. Talagang mapapaiyak ka sa pang o-okray. Ahuhu. Madalas nga na na-o-okray ako ng demonyitang beki na yun. Pero minsan nakakatuwa sya.

"Tania. Ahuhu." nagtatanong ang expression ng muka ni Tania. "Panget ba ang suot ko?"

"Actually, hindi naman sya panget e. Pero ang pananamit, dapat inilulugar yan."

Napanga-nga ako sa sinabi ni Tania. Kaylan pa sya naging fashion expert? Kahit simple lang si Tania malakas ang dating niyan. Unlike me. Wag nyo nang itanong ang hitsura ko. Hindi ako maganda. Tapos.

"Yang formal white blouse mo na yan, hindi yan bagay for school. Di bale na kung may thesis defense ka e ordinary school day lang naman ngayon. Naka slacks ka pa. So formal mo naman." nagbulat-lat sya sa cabinet ko kung saan nakalagay ang mga damit ko. Grabe, pinaghahagis niya kung saan ang mga damit ko na sa palagay niya'y hindi bagay sakin ngayon.

At sa wakas may napili din siya. Yung fited black sleeveless blouse ko na bihira ko lang suotin tapos patungan ko daw ng pink na tsaleko. Hmm. Mukang maganda. Tapos pinasuot niya sakin yung skinny jeans ko na kupas yung pagka maong. Yung mga uso ba ngayon. At ang nakakaloka pa, pinasuot nya sakin yung vans na black shoes ko.

"See? Mas cute kang tingnan at perfect for this ordinary day. What can you say, Polly?"

"Wew. Ang cute ko nga, Tania. Ang galing mo ah!"

"Syempre. Uso kasi ang ganyang fashion sa school e. At hindi lang yun, matatalbugan mo si Anastacio. Hahaha."

Napatawa naman ako. Well, ang ganda ko. Choss.

Bale magkahiwalay kami ng klase ngayon ni Tania. First subject ko kasi Filipino. Medyo nakaka antok for first period. Kulang pa naman din yung tulog ko dahil sa sobrang kakaisip kay Armando Caruso. Hehe.

Feel na feel ko tuloy yung paglalakad ko sa hallway ng biglang..

"Si Armando Caruso!"

Naisigaw ko talaga ang pangalan nya noong makita ko sya. OMG! At last nasilayan ko na rin ang aking sinta. Hindi ako nagkakamali, siya ang Armando Caruso ng buhay ko. Yung way pa lang ng pagtindig niya at yung paglalakad niya, siya talaga yun!

Kaso noong pagkasigaw ko may lumingon sakin na isang nerd na lalaki.

"May kaylangan ka ba, Miss?"

Ngiting-ngiti sakin si Koya Nerd tapos parang nag a-assume na type ko sya?

Kaloka. Hindi ko naman akalain na may Armando palang pangalan dito sa hallway. Ang mas nakakaloka pa, kabaligtaran kay Koya Nerd yung definition ko sa pangalang Armando Caruso.

Hayan tuloy! Pahara-hara si Koya Nerd sa dinadaanan ko. Nawala tuloy sa paningin ko si Armando Caruso.

Hayun! Papunta sya sa IT Building. Kung ganoon? BSIT ang course niya? Pwedeng BSComSci o ComProg? Pwede rin ComEd, ComTech, ComEng, Com-- ano pa bang related sa Computer? Basta yun. Computer course ang kinukuha niya. Well, one down. Pero marami pa akong kaylangan malaman sa kanya.

Sayang, hindi manlang ako nakita ni Armando Caruso. Bawal naman kasi ako pumunta sa IT building kung wala naman akong saradyain dun. Huhu.

Sana naman malaman ko na ang pangalan ni..CRUSH.

Operation: Kidnappin si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon