CHAPTER 3 (Audition)

518 20 3
                                    

CHAPTER 3 (Audition)

(Polly's POV)

Bakit kasi ang layo ng IT building sa Education building! Nakakaiyak! Hindi ko tuloy madalas masilayan si crush. Kainis. Tapos hindi pa nagpapanagpo ang vacant and break time namin! Nakaka broken heart naman. Pero buti na lang may lunch break. Pasalamat pa rin ako kasi nakikita ko sya sa may canteen. Hindi naman sya kumakain. Madalas nyang kasama yung mga classmates nya tapos kwentuhan lang sila ng kwentuhan. Maya-maya magtatawanan tapos tugtugan. Pero hindi ko sya naririnig kumanta.  

Haaay, ano kayang boses ni crush kapag kumakanta? Kakakilig naman. Hehehe. Sana dumating ang araw na haranahin ako ni crush! Ayeeee! Tungunu kinikilig ako kahit iniimagine ko lang-- 

Punyeta may pumektus sa ulo ko! At pag lingon ko.. 

"Mukha kang kambing na naka ngisi 'dyan. Ang pangit mo." 

Aww. Tagos hanggang buto. Punyeta 'tong baklitang ito. No other than, e di si Anastacio! I mean, si Anastacia. 

"Pakelam mo bang bakla ka?! Mind your own business nga." 

"Ang ganda kasi ng paligid, ayokong pumangit dahil sa ngisi mo." 

"Problema mo na 'yan!" 

"Pero in fairness ha, napapansin ko this past few days na gumaganda ang porma mo. Hindi ka na mukhang jeje. Nasaan na ang manang na si Pollyana?" 

Maka manang wagas! Ganoon ba talaga ako kapanget pumorma dati? Aba, ang laki talaga ng pasasalamat ko kay Tanya dahil tinuruan nya akong manamit ng maganda. 

"Ganyan talaga ang mga magaganda, Anastacio--este Anastacia. Nag i-improve pa lalo." 

"Kapal mo girl. Kasing kapal ng salamin sa mata mo." 

Ang galing talaga mangbwisit ng araw 'tong baklitang ito. Ano ba kasing ginagawa nito dito? Nananahimik ako dito e. 

Oh. Alam ko na. Hehehe. May kaylangan sya sakin. Tss. John Michael din 'yang baklitang 'yan e. NanJohn lang pag Michaelangan. Pero hindi naman ako papayag ng walang kapalit. May tax ako 'no. Hahaha. 

"Ano bang kaylangan mo sakin bakla ka ha?" 

Nanulis ang mata nya sakin pero after a while naging mala anghel na ang mukha niya. Anyare? Nasasaniban ba itong baklitang ito? 

Kumapit siya sa braso ko tapos ngumal-ngal siya ng malakas. Nagulat ako sa ginawa niya. Ano bang problema ng baklitang ito? Nababaliw na ba sya?! 

"Hoy! Nakakahiya kang bakla ka! Ano bang ginagawa mo?!" 

"Polly, I need your help! Alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin. I mean, sa amin." 

Whuuut?! First time ever ata'ng humingi ng tulong sakin si Anastacia? Ano'ng klaseng tulong naman kaya? Okay lang naman sakin basta may kapalit. 

"H-ha? Anong klaseng tulong naman 'yan?" 

Sa pagkakaalam ko wala naman akong kinagalingang bagay e. 

"Pwede ka bang.." 

Nag puppy eyes sya. Nyeta. Pabitin epek pa. Nakakainis sa bangs! 

"Pwedeng ano?!" 

"Pwede ka ba namin kunin bilang witch sa drama club namin?" 

Anak ng kamatis na pinangat sa galunggong na isda oh! Napanga-nga ako sa sinabi niya. 

"NOOOOOO! Ayoko! Hindi ako papayag! No! No! No!" 

Lumayo ako ng konti kay bakla. Pero lumapit ulit sya sakin at hinawakan nya ulit ang braso ko para magpa awa. Anak ng toknene naman oh! Ano ba naman kasing klaseng favor 'yan?! Bakit witch pa yung role?! Kung isang princess pa papayag ako! O-okay. Kahit bilang props na lang papayag ako. Pero witch?! Parang nakaka discriminate naman 'yan! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Kidnappin si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon