The Unusual Feeling

97 6 0
                                    

JEROME

"Eto, medyo madugo. Never Have I Ever... killed someone?" nagulat kaming lahat sa tanong ni Devon.

"Char!!! Alam ko namang wala, jusq." ulit ni Devon.

"Grabe akala ko for real na eh." sabi ni Maine.

"Akala ko nga may hindi kami nalalaman." sabi ni Kamille.

"Ay grabe ha. Hindi pa ko nakakapatay." takot na sabi ni Devon.

"Char lang, Devs! Oh game." sabi ni Kamille.

"Never Have I Ever, got a crush on me." sabi ni James.

"Pogi mo na sana, ang hangin mo lang." asar ni Julia.

"It's impossible na wala." sabi ni Daniel.

"See? I know meron yan. Come on girls." sabi ni James.

"Hay nako, James. Lasing ka na. Inom kasi ng inom kahit hindi naman siya guilty." sabi ni Nadine.

"So ano na girls?" tanong ni Quen.

"Fine." then uminom si Devon, si Julia at si Nadz.

"Sabi ko na nga ba, you're in love with me." asar ni James kay Nadine.

"Asa ka. Alam mo noon lang yun. Wag feeler okay?" sabay irap ni Nadine.

The game continued, ang daming ka-tripan and whatsoever hanggang naubos na yung beer.

Tumambay muna kami sa may sala sa loob na ng house. Sina Julia, Devon, James at Quen ay natutulog na sa taas. Si Maine nasa taas, may kinukuha lang. Kami naman ay kung ano ano na lang ang ginagawa dito sa baba.

"Kenzo, ano ba. Tigil tigilan mo na nga ako." sabi ni Kamille.

"Nagtatanong lang naman ulit ako ah. Bat kasi ayaw mo pa kong sagutin?" tanong ni Kenzo.

"Ewan ko sayo." sabi ni Kamille at umakyat pataas.

"Kamille!!" at sinundan ni Kenzo si Kamille.

Hay nako, ewan ko ba sa dalawang yun. Bahala na sila. Napailing na lang ako then biglang napansin ko si Nadine.

"Uy, Nadz. Okay ka lang?" tanong ko.

"May ibang feeling ako eh. Ewan ko ba. Feel ko may something ngayong gabi." sabi ni Nadine na parang kinakabahan.

"Ano naman yang iniisip mo? Nako kung ako sayo, positive lang. Wala naman sigurong mangyayare, tayo tayo lang din naman ang nandito." sabi ko.

"Pero alam mo yun, hindi ko alam talaga ang nararamdaman ko ngayon eh. May iba talaga. You can't blame me kung hindi agad ako makampante." sabi niya.

"Siguro pagod ka lang sa kung ano anong nangyare ngayon. Well, kahit ako pagod na pagod din. Antok na nga ako eh." sabi ko sa kanya.

"Sus. Ikaw pa ba. Eh sobrang hyper mo kaya buong araw. Sa byahe pa lang ang ingay ingay mo na. Lahat nga kami bagsak na kanina ikaw ang ingay ingay pa... pero siguro nga. Pagod lang to siguro." sabi ni Nadz.

"Oh kitams. Pero ako di naman nakakaramdam ng ganyan." loko ko sa kanya.

"Hay, ewan ko ba bahala na. Itutulog ko na lang 'to. Tutal matutulog na rin naman tayong lahat." sabi ni Nadine.

"Guys, wrong room ata natulugan ni Julia. Andun siya sa first room eh. Bagsak sila ni Devon." sabi ni Maine na kakababa lang.

"What? Edi 6 na kami sa room. Omg, ang sikip ha." arte ni Chie.

"Palipatin na lang natin siya later." sabi ni Maine.

"Guys, nacontact na ba yung parents na magsusundo satin next week?" tanong ni Kath.

"Ay oo nga pala. Sige tawagan ko na lang si Dad para mapick up tayo next week." sabi ni Alden.

"Sige, pero paano yung way papunta dito?" tanung ni Nadine.

"Let's just tell them the name of the resort." sabi ni Liza.

"And sila na bahala magtanung tanong. For sure, kilala naman tong resort nato." sabi ni Alex.

"Ay shit, teka lowbatt ang phone ko eh. Charge ko la--" hindi na natuloy ni Alden ang sinabi niya dahil biglang nag brown-out.

"What the hell?" react ni Chie.

"Uhm, dito mo na lang siya itext sa phone ko, Alden." sabi ko.

"May problema bro eh." sabi ni Alden.

"Huh? Ano?" tanong namin.

"Di ko saulo number ni Dad." nagulat kami sa sagot ni Alden.

"Patay tayo dyan." sabi ni Daniel.

Aba nakapagsalita pa siya kahit kanina pa siyang bagsak dito sa sala sa sobrang lasing.

"Don't worry, i-charge mo na lang yan bukas, Alden. Baka naman nagka-power interruption lang. Bukas meron na din." sabi ni Maine.

"Ugh, paano na yan? Ang init init sa room kasi walang power!! Di ako makakatulog." arte ni Chie.

"Sus, wag ka na ngang mag inarte pa dyan." lasing na sabi ni Daniel.

"Whatever, Daniel. Matulog ka na lang dyan." sabi ni Chie.

"Sa pagkakaalam ko, may emergency light naman sa bawat rooms. Buksan na lang natin yung windows since malamig naman sa labas. Bukas na lang natin itanong sa pinagrentahan natin dito pag balik nila." sabi ni Kath.

"Ugh. Fine. Omg. Please, God help me." sabi ni Chie.

"Babe, wag ka ng mag inarte dyan. Tabi naman tayo eh." sabi ni Alex.

"Ugh, ewan ko sayo." sabi ni Chie pero hinabol siya ni Alex at nagkilitian silang dalawa.

"Ano ba, Alex. Hahahaha. Alex, stop! Hahaha. Ahhhh---"

"Aaahhhhhhhhhh!"

Kasabay ng maikling pagsigaw ni Chie dahil sa kiliti ni Alex sa kanya ang sigaw ng takot na takot na dalawang babae galing sa taas.

Sa gulat namin ay lahat kami napasugod sa taas.

"What's happening?" Natatarantang tanong ni Liza.

"We don't know either." sagot ko.

Laking gulat namin ng makita namin sina Julia at Devon na nasa gilid ng Room 1 at nakatingin sila na takot na takot sa dalawang bangkay na nakahiga sa isang kama.

Lahat kami ay napanganga at hindi makapaniwala sa aming nakikita ngayon.

Ang duguan at puro saksak pero nakamulat na bangkay nina...

Kamille at Kenzo.

•END•

Bloody Trip (JaDine, KathNiel, AlDub, etc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon