JAMES
Ang hirap talaga pag isa ka sa pinaghihinalaan na pumapatay. Aaminin ko, siguro nga kasalanan ko din. Pero may magagawa pa ba ako? Tapos na eh, nangyare na. Hindi ko rin naman sinasadya.
"Ano tutunganga na lang tayo dito?" bumalik ako sa realidad nung nagsalita si Chie.
"We all heard it. Isa daw sa atin. Sabihin na nating hindi apat. Pero still naman diba? Lahat tayo dito iniisip na isa lang din sa kanilang apat na nasa taas kanina yung pumapatay." Pagpapatuloy niya.
See? Sinabi na ni Chie, kasali talaga ako sa pinaghihinalaan. Hindi ko lang maintindihan, bakit nga ba umabot kami sa puntong ito? Na sa katunayan, masaya naman kami lahat, di naman kami malungkot, at isa pa wala kaming sikretong tinatago sa isa't isa.
Pero siguro nga mali ako. Why would a person kill someone or somebody very close to them? Totoo nga ang sabi ng iba, the smaller the circle, the better. Dahil pag madami kayo, hindi niyo maiiwasan na may maiiwan at magkakaroon ng hinanakit sa isa't isa.
Ewan ko ba, ako nga ba ang pumapatay?
"Ano magpipipi-han lang kayo dyan?"
Bumalik ako sa katinuan nung nagsalita ulit si Chie. But I was more shocked when I heard Nadine's voice and to what she said.
"Hindi naman natin mapagkakaila na maaaring si Maine din."
Si Maine...
Nung narinig ko iyon ay napatingin ako kay Maine at kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"A-ako?" gulat na tanong ni Maine.
"It's not possible, Maine. May chansa kasi isa ka sa nasa taas nung panahong umakyat si Kenzo at Kamille."
Base pa lamang sa pagsasalita ni Nadine at nararamdaman ko na ang tensyon. At nararamdaman ko din ang pagiging dedicated niya sa kanyang sinabi na para bang may gusto siyang iparating.
"Dahil lang don? Ako agad?"
Nakita ko rin si Maine kanina... she was upstairs when I went out of our room.
"Bakit kami? Nasa taas lang kami, kami rin agad?" biglang salita ni Devon.
Sa kanyang pagkakasabi ay may naalala na naman ako. Ugh. Why James? What have you done...
"Iba yung inyo, Devon. Kasama kayo sa room. Mas mataas ang probability na kayo." Sagot ni Jerome.
"Kung ganun, bakit ako Nadine?" Nakita ko na lalo ang tension nina Maine at Nadz.
"Come on, Maine. Nasa taas ka rin nung time na yun. Kagaya nga namin, nasa taas rin kami, tapos kaiba pa ng room." sabi ni Quen.
"Oo alam ko yun. Pero saglit lang ako. Nakita ko silang umakyat pero after 5 minutes ng pag akyat nila ay bumaba na rin ako." sabi ni Maine.
"Cut it out, Maine. Kamalayan ba namin na hokage ka na sa sobrang bilis mo, hindi kami nagising ni Devon habang pinapatay mo sina Kenzo at Kamille in less than 5 minutes." si Julia...
Ugh, hindi ko na alam ang nararamdaman ko.
"This is unbelievable." sabi ni Maine.
"Oh shut up, Julia. So you're trying to blame Maine para mawala yung blame sa inyo?" and there goes Chie from being quiet for a while.
"Don't start again, Chie. Kahit anong gawin mo, may point naman yung sinabi ko. Unlike you, pointless ang life." sagot ni Julia.
Eto na naman ang away. Bakit sila ganito? They don't know, maybe while they are arguing bigla na lang someone will stab their backs dahil wala sila sa focus.
"How dare you!" sagot ni Chie.
Hindi ko na napansin yung pagbabangayan nilang dalawa dahil tiningnan ko ang pag-akyat ni Maine sa taas.
"You know what guys, madami tayo sa isang room. Siguro naman sa dami natin hindi makakapatay ang kahit sino man. We are all tired. Let's just figure this things out tomorrow. Let's sleep na." narinig kong sagot ni Alex pero nakatingin pa rin ako sa taas kahit nakapasok na sa room si Maine.
Hindi ko talaga matanggal sa aking isipan ang lahat ng ito. Sobrang gulo.
"James, di ka pa tutulog?" i heard Nadz pero di ko siya pinansin.
I want some time to think, pero hindi ko na rin ito natuloy after ilang minutes na nakaakyat na sila lahat dahil nakatulog na rin ako. Lasing pa nga siguro ako...
DANIEL
"Nasaan si Kath?"
Mula sa gulat, lakas ng kabog ng aking dibdib ang naramdaman ko nung marinig ko iyon.
Si Kath. Nasaan siya? Bakit wala siya dito? Ligtas ba siya? Nasaan na siya? Pesteng killer! Mas naging desperado siya. Bakit kasi naging kampante kami. Kath, nasaan ka na ba?
"Guys, I'm so scared na talaga. Paano tayo makakauwi nyan? Lowbat tayo lahat, wala pang power. Gusto ko na umuwi. I don't wanna die yet."
Habang nagmamaktol si Liza ay di pa rin mawala sa aking isip si Kath. Nasaan ka na ba? Pinapakaba mo ako.
Nandito kami ngayon sa terrace ng lugar na ito. Wala kaming mapapala kung paglalamayan lamang namin ang mga bangkay ng mga kaibigan namin. Kailangan na namin gumawa ng paraan kahit na alam naming isa naman sa amin ang stupidong killer. Kaya naman sinarado na namin yung isa pang kwarto kung saan nandun ang bangkay nina Chie, Alex, Jerome at Quen.
Si Quen... isa siya sa pinaghihinalaan na pumatay kay Kamille at Kenzo. Pero ngayon isa na rin siya sa mga patay. Bakit ganun? Sobrang lalapit namin sa isa't isa. Ganun ba kagalit sa amin yung killer para lang pumatay sa amin? Hindi ba niya naisip yung mga masasayang panahon na magkakasama kami?
"Guys, Devs..." napatingin ako kay Maine na tinuro si Devon na nagpapahangin sa may pinto.
Kahit ako ay nagulat sa nakikita ko.
Nakatayo si Devon sa labas at may bumabagsak na dugo sa kanyang damit.
Sa kanyang pagtingin, ay napansin niya rin ang tumutulo sa kanyang damit na kanya namang ikinagulat.
"OH MY GOSH." bigla naman siyang tumakbo papasok ng loob at kami naman ay tumakbo papalabas.
Sinabayan kami ni Devon palabas muli at nagulat kami sa babaeng umuungol.
Nakatakip ng tape ang kanyang bibig at tila naka-upside down siya dahil nakatali ang kanyang paa sa labas. Ang dugo ay nagmumula sa kanyang ilong dahil na rin siguro sa matagal siyang naka upside down.
SI KATH!
"Guys, omg si Kath! Tulungan niyo siya." Takot na takot na sabi ni Julia.
Lahat kami ay nataranta at tinatawag si Kath. Kailangan namin siya maalis dun dahil baka tuluyan ng mapunta ang kanyang dugo sa kanyang ulo na maaari niyang ikamatay.
Lahat kami ay gumawa at humanap ng paraan para matanggal namin si Kath doon. Naghiwa hiwalay kami upang makahanap ng mga materials na maaaring gamitin upang maalis siya doon.
Masyado pang maaga at preskong presko ang sikat ng araw para mangyari ito kay Kath. Hindi ako papayag.
Naghahanap pa lamang ako ng materials sa may kusina ay may narinig na akong kumalabog mula sa labas.
Hindi ako nagkakamali... Si Kath iyon.
Tumakbo kami ng ilang nasa baba papunta sa labas at nagulat sa aming nakita. Babaeng naka-higa na sa lupa.
Si Kath.
•END•
BINABASA MO ANG
Bloody Trip (JaDine, KathNiel, AlDub, etc.)
Mystery / ThrillerPanahon na naman ng bakasyon. Uso na naman ang mga trips. At ang 15 magbabarkadang ito ay hindi magpapahuli. Pero sa inaakalang masayang trip ay napadpad sila sa isang private resort na kung saan magkakaroon ng madugong pagbabago sa buhay nila.