Half

113 9 3
                                    

ALEX

I know everyone is tired. I know everyone is scared. Even me. Pero dito sa 2nd room, maliit. Apat kami dito. Pero ni isa sa amin, wala pang pumipikit.

Kahit madilim na ay still, enough para makikita ko ang bawat isa.

"Guys." narinig kong sabi ni Chie. Gising pa rin pala ang girlfriend ko.

"Sino sa tingin niyo ang pumapatay?" Is she that brave enough to ask that dito?

Then I remember, ni isa sa amin dito sa kwarto ay wala yung pinagsususpetyahan. Lahat ay nasa kabila.

Actually, meron pala. Si James at Quen. Pero wala pa sila dito sa kwarto. Bakante pa yung spot nila eh.

"Devon." sagot ni Kath.

"James and Quen." sabi ni Jerome.

"Ikaw babe?" napatingin ako sa katabi ko.

Sino nga ba ang sa tingin ko ay killer?

"Maine... Ikaw ba babe?" sagot ko.

"Julia." derecho niyang sagot. Ano pa nga ba? They used to be bestfriends. But now, they look like total enemies.

"Bakit naman?" tanong ni Kath.

"Simple lang. Malaki ang galit niya dun sa dalawa. Diba may past sila ni Kenzo? And yun pala ginagamit lang siya ni Kenzo mapalapit lang sa barkada nating si Kamille. Siguro naghihiganti. At alam ko namang may baho yun eh, kaya siguro lahat tayo papatayin din niya." sabi ni Chie.

"Ang sabihin mo, galit ka lang sa kanya." pang aasar ni Jerome.

"Shut up." sabi ni Chie.

"Ikaw, babe? Why, Maine?" tanong sakin ng katabi ko.

"May point kasi si Nadz at Julia kanina eh." sabi ko.

Legit. A big part of what they said was true. Hindi naman namin kilala ng buong buo ang isa't isa eh. We don't know baka nga may pagka-ninja si Maine sa bilis niyang nagawa yun ay hindi na nakasigaw si Kamille at Kenzo.

"How about you, Kath? Why Devon?" tanong ni Chie.

"Hindi naman siya lasing eh." sa sagot lang ni Kath na ganun, nagets na namin.

Oo nga naman. Hindi siya lasing, pwede siya magpeke ng pagtulog.

"Ikaw Jerome?" Tanong ni Chie.

Sasagot na sana si Jerome nang biglang nagbukas ang pintuan ng room namin. Si Quen lang pala.

"Where have you been, bro?" tanong ko.

"Uminom lang ako sa baba." cold niyang sabi at humiga na sa higaan niya.

Maya maya ay tumahimik na. I was about to sleep pero hindi na pala kailangan.

Kasi may usok akong naamoy na bigla na lang nagpatulog sa akin. Is this a sleeping gas?

LIZA

Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa nakikita ko. Is that a chainsaw? Bakit siya may hawak na ganyan?

Nakita kong binuksan niya ito at napuno ng ingay ang room na itong kinalalagyan ko. Palapit siya ng papalapit sa akin.

Iyak ako ng iyak. Gustong gusto kong kumawala dito pero hindi ko kaya. Nakatali ako sa isang upuan.

"HELP!" Sumisigaw na ako dito pero mukhang kanina pang walang nakakarinig sa akin.

Papalapit na siya ng papalapit sa akin. Is this the end of me? Ayoko pang mamatay. Parang awa niyo na.

Nakita kong eto na nga. Wala na kong magagawa. Ito na nga siguro talaga. Pero sa sobrang takot ko, sumigaw pa rin ako.

"NO!!!!"

Pumikit ako at pinakiramdaman ang chainsaw na dadali sa katawan ko. Pero wala akong naramdaman.

"LIZA!" Nagising ang diwa ko nung may sumigaw ng pangalan ko.

It was Devon. And Oh My Gosh, it's just a nightmare.

"Huy beh, okay ka lang? Mukhang binabangungot ka ah?" tanong niya.

"Ah, it's nothing. Baka bangungot nga." sabi ko.

"Tara na daw sa baba, kabababa lang nila." sabi ni Devon.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita kong kami na nga lang ni Devon ang nasa room.

"Ah, sige mauna ka na. Mag-aayos lang ako." sabi ko.

"Sige, sunod ka agad ha?" sabi niya at tumango na lamang ako.

I fixed myself before I go down. Hindi ko alam but nangilabot ako ng makadaan ako sa 1st room kung saan namatay si Kenzo at Kamille bago ako makababa.

Pagbaba ko ay napatingin ako sa bintana sa labas. Umaga na pala. Pero teka? Tama ba yung nahagilap ng mata ko? Nakakita nga ba ako ng buhok?

So lame. Paano nga naman ako makakakita ng buhok na nakaupside down tapos pagblink ko wala na. Kung may naka upside down naman, dapat hindi nawala sa paningin ko yun at nakasteady lang.

"Huy." bumalik ako sa realidad nung narinig kong ginigising ni Nadine si James.

Mukhang dito sa sala natulog si James. Bakit naman? Ayaw niya sa mga kasama niya?

"Nakapagluto na ko ng agahan, tara na kumain dito. Nadz, tara kain na." sabi ni Maine.

Why does it feel like normal again? Parang walang tensyon na naganap kagabi kay Nadine at Maine.

Pero it's a good thing. Parang normal. Nakakamiss din naman yung ganto no.

"Nagsama sama na naman ang mga tulog mantika sa kabilang room." sabi ni Daniel.

Oo nga no. Wala pang gising sa kabilang room mabilan kay James dito na mukhang dito naman natulog sa sala na kinukusot kusot pa ang mata kasi kagigising lang.

"Uy ang saya siguro kung tayo Devs ang gigising sa kanila. Tara goodtime-in natin sila." masiglang sabi ni Julia at umakyat na sila ni Devon sa taas.

Mukhang back to normal na nga. Kung ganun, sana hanggang kay Kamille at Kenzo na lang ang lahat.

Pero mukhang nagkamali ako. Base pa lang sa pagsigaw nina Julia at Devon for the second time, alam kong may nangyare na naman.

Hindi na kami nagkatinginan lahat dito sa baba. Dere derecho kaming umakyat sa taas at hindi nga ako nagkamali.

"Oh my gosh." napatakip bibig si Nadine sa kanyang nakita.

"Anong nangya-- shit." sabi ni James na kadadating lang sa taas.

Tiningnan ko sina Daniel at Alden na gulat na gulat. Tiningnan ko rin si Julia at Devon na takot na takot. Si Maine na nakatakip bibig at ang magkayakap na si James at Nadine— na umiiyak.

Tiningnan ko muli ang nakita ko. Hindi pa rin nawawala ang kaba at takot.

Akala ko okay na, pero after a night, almost half ang natira samin. Masyado kaming naging kampante. At siguro dahil naging kampante kami, mas naging desperado ang killer. Apat na sunod sunod na bangkay ang nakahilera sa room na ito.

Apat? Bakit apat? Nasaan si---

"Nasaan si Kath?"

•END•

Bloody Trip (JaDine, KathNiel, AlDub, etc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon