Suspicions

85 8 1
                                    

JAMES

Ang daming posibleng pumapatay. Hindi rin kami sigurado kung isa nga sa amin ang pumapatay.

Hindi ako makapaniwala. Matatanggap ko siguro kung aksidente lang ang isang to. Pero ang nakita ko ay isang brutal.

Sobrang nakaka-akyat balahibo ng nakita namin. Yung mga mata nina Kenzo at Kamille na nakatingin sa amin. Punong puno ito ng sakit at pagmamakaawa.

Alam kong iyon ang gusto nila ipahiwatig sa kanilang mga matang wala ng buhay. Pero ang hirap isipin.

Isa ako ngayon sa pinaghihinalaan nila. At hindi ko rin alam. Siguro nga ako ang pumatay sa kanilang dalawa. Ako ang pumatay kay Kenzo at Kamille.

NADINE

Siguro sa tahimik kong ito ay may chansang paghinalaan nila ako. Pero wala naman kami lahat kasiguraduhan eh. Wala naman kaming ibidensya na nagsasabing isa sa amin ang pumapatay.

Tama nga ang nararamdaman ko kanina. May mangyayaring kakaiba ngayon gabi. At hindi ko akalaing ganto kahirap tanggapin ang nangyareng ito. Bakit ganto? Bakit sa ganung paraan pa sila namatay?

Isa ba talaga sa amin ang pumapatay? Dalawa? Apat? O baka taga-labas? Nakakalito. Siguro nga pag dating sa academics and logic ay magaling ako, pero sa mga gantong klase? Hindi ko kaya. Lalo na't malabo pa ang lahat.

"What is this?" papunta pa lang kami sa mga rooms namin ay narinig namin na nagsalita si Liza.

"A letter?" naguluhan ako nung narinig ko yun mula kay Liza. Letter?

"Read it." sabi ni Julia.

Nice to see everyone so serious
Solving this kind of mysterious
Maybe you're all finding who the killer is
You can call me a kind of traitor
But the truth is that I'm one of the people
Who's also having this kind of trouble
Who am I?
I'm one of you.

xx, the Killer

And there you go. Kakasabi lang sa letter.

I'm one of you.

-----------------------
-----------------------

Because of that letter. Ang mga antok na diwa ng bawat isa ay nabuhay. Alam kong pareho ang nasa isip ng bawat isa sa amin.

Hindi kami pwede matulog. Kasi may possibility na pag gising namin ay nasa langit na kami. Mahirap na.

Nandito ulit kami sa sala at mukhang nagpapakiramdaman. Eto na nga ito. Isa sa mga kasamahan ko ngayon ay ang killer. Isa sa mga tinitingnan ko ngayon ay killer.

Based sa nangyare kay Kamz at Kenz kanina, meron akong apat na suspetya.

Devon. Julia. James. Quen.

Isa sa kanila. Paano?

Si Devon. Sa kanilang apat na nasa taas, siya ang hindi pinakalasing. So may possibility na habang natutulog si Julia at ginawa niya iyon ng tama, mabilis at dahan dahan pero brutal.

Si Julia. Bakit si Julia? May possibility na si Julia dahil maaaring sinadya niya na magkamali ng kwarto para magawa ang plano. And we all know na galit si Julia sa mga couple. Bitter siya sa ganun. And I know also na may tinatago siyang feelings kay Kenzo noon pero kay Kamille ang puso nito. Pero that was a total lame. Kasi sobrang lasing si Julia kaya bagsak talaga siya.

Si James. Sobrang lasing siya pero nakita ko. Kita ko mula sa taas ang anino niya pero alam kong siya yun dahil sa buhok ng anino. Lumabas siya ng kwarto niya. So may chance na lumabas siya dahil at para mapatay niya sina Kamille.

Si Quen. Why not, Quen? For all I know, si Quen ang pinaka sadista sa boys. At may panahong sobrang nagkainitan sila ni Kenzo dati because of basketball. At alam kong hindi pa rin sila totally ayos hanggang ngayon.

Sobrang daming pwede. There is also a possibility of Maine. Why not? Naka akyat na sina Kamille at Kenzo bago pa siya bumaba. And it takes 5 minutes ang pagitan ng pagbaba niya at pag akyat nina Kenzo. Malay natin ninja siya kaya nagawa niya ng ganung kadali?

"Ano tutunganga na lang tayo dito?" Panimula ni Chie. "We all heard it. Isa daw sa atin. Sabihin na nating hindi apat. Pero still naman diba? Lahat tayo dito iniisip na isa lang din sa kanilang apat na nasa taas kanina yung pumapatay." pagsasabi ni Chie.

Lahat kami ay tahimik. Tiningnan ko ang reaksyon ng apat na pinaghihinalaan at pinagbibintangan ni Chie. Si Devon, gulat na gulat. Si Julia, galit na galit. Si James, ang lalim ng iniisip. Si Quen ay nakapoker face.

"Ano magpipipi-han lang kayo dyan?" Pagpaparinig samin ni Chie.

"Hindi naman natin mapagkakaila na maaaring si Maine din." sabi ko.

Nakita ko ang gulat na gulat na expression ni Maine nang marinig niya ang kanyang pangalan mula sa bibig ko.

"A-ako?" Nauutal niyang sabi.

"It's not possible, Maine. May chansa kasi isa ka sa nasa taas nung panahong umakyat si Kenzo at Kamille." Pagsabi ko.

Do I sound like a bitch? Na parang ipinagpipilitan kong si Maine ay pwede ring pagsuspetyahan? Eh sa kung totoo naman na pwede rin namang siya.

"Dahil lang don? Ako agad?" Sabi ni Maine. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang hinanakit.

"Bakit kami? Nasa taas lang kami, kami rin agad?" Sabi ni Devon.

"Iba yung inyo, Devon. Kasama kayo sa room. Mas mataas ang probability na kayo." Sagot ni Jerome.

"Kung ganun, bakit ako Nadine?" Pag ulit ni Maine sa akin.

Mukhang nag aaway na kami sa aming dibdib. Hindi ko rin alam kung bakit ko na lang siya isinali. Siguro para makatulong rin. Kasi may posibilidad na siya ang pumapatay.

"Come on, Maine. Nasa taas ka rin nung time na yun. Kagaya nga namin, nasa taas rin kami, tapos kaiba pa ng room." sabi ni Quen.

"Oo alam ko yun. Pero saglit lang ako. Nakita ko silang umakyat pero after 5 minutes ng pag akyat nila ay bumaba na rin ako." sabi ni Maine.

"Cut it out, Maine. Kamalayan ba namin na hokage ka na sa sobrang bilis mo, hindi kami nagising ni Devon habang pinapatay mo sina Kenzo at Kamille in less than 5 minutes." sabi ni Julia.

"This is unbelievable." sabi ni Maine na hindi makapaniwalang siya na ang nadidiin.

"Oh shut up, Julia. So you're trying to blame Maine para mawala yung blame sa inyo?" sabi ni Chie.

"Don't start again, Chie. Kahit anong gawin mo, may point naman yung sinabi ko. Unlike you, pointless ang life." pagsisimula ni Julia.

"How dare you!" sagot ni Chie.

Habang nagbabangayan sina Chie at Julia ay tumigil sila dahil nakita namin si Maine na umakyat na sa taas papuntang kwarto.

"Takot much dahil buking?" sabi ni Julia.

"Shut up, Julia." Sabi ni Alden.

"You know what guys, madami tayo sa isang room. Siguro naman sa dami natin hindi makakapatay ang kahit sino man. We are all tired. Let's just figure this things out tomorrow. Let's sleep na." Suggest ni Alex.

Wala ng salita salita ay nagsimula na maglakad ang iba paakyat. Nakita kong nagpaiwan si James sa baba.

"James, di ka pa tutulog?" tanong ko sa kanya pero dinedma niya lang ako.

Bahala siya sa buhay niya. Umakyat na ako para matulog.

Juskolord. Sana walang mangyareng masama ngayong gabi. Sana makaligtas ako.

•END•

Bloody Trip (JaDine, KathNiel, AlDub, etc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon