ANDREA'S POV
Iniharap ko ang sarili ko sa salamin at hinanap ang mali sa mukha ko.
Wala naman akong pimples.
Hindi pa naman ako masyadong matanda para magkaroon ng wrinkles.
And lastly, may trabaho na naman ako at magandang propesyon.
Pero bakit wala parin akong boyfriend?
"Hoy bes kanina ka pa nagpabalik-balik diyan sa salamin. Ano bang problema mo?"
Napatingin ako sa kanya at umupo sa kama katabi niya.
"Ria, ano bang mali sa akin?"
"Huh?"
"Anong huh ka diyan, sabihin mo nga sa akin kung may mali ba sa itsura ko. Panget ba ako Ria?"
Minsan kasi, naiisip ko na kaya wala parin akong boyfriend dahil masyadong mataas ang standards ko sa mga lalaki o baka dahil panget lang talaga ako.
And you cant blame me for having that lame reason.
"Medyo babaan mo naman kasi ang standard mo bes. Masyadong mataas! Ang hirap abutin." sabi niya at tumayo na.
"Maghanda ka na. May pupuntahan pa tayo diba?"
Tsaka ko lang naalala na mayron pa pala kaming pupuntahan.
By the way, bago ko makalimutan. Siya nga pala si Ria. Ang long-time BFF ko.
We've been friends since collage. Hindi na kami nagkahiwalay since then dahil napag-isipan naming magnegosyo.
Masasabi kong siya na rin ang naging katuwang ko lahat kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
Wala na akong mga magulang because they died in an accident many many years ago.
And yes, nag-iisa nalang ako sa buhay.
Though nandyan si Ria para sa akin, i cant help to long a love that i've lost nung namatay ang parents ko.
Pero, mukhang wala nang pag-asa. Im already 24 at im proud to be a certified NBSB.
"Di bale na nga!" Nababaliw na yata ako dahil pinapagalitan ko na ang sarili ko.
Dumiretso ako ng banyo at agad na naligo para naman makapaghanda na ako.
XAVIER'S POV
"Babe, asan ka na?" Naiirita na ako sa babaeng ito na kanina pa tawag ng tawag sa akin. Maybe she was the i girl i hooked up last night sa bar ng kapatid ko. I cant remember, marami na kasi akong babae na naikama kaya, i dont care.
I ended the call at pinatay ang phone ko.
Pumasok naman ang sekretarya ko.
"Na-contact mo na ba ang inutos ko sayo?"
"Yes sir. Nakausap ko na po ang magoorganize ng party niyo next week"
Agad ko siyang pinaalis.
Ganito lang ang buhay ko. Magulo, Boring, Busy
My parents are both alive but minsan ko lang sila makasama dahil hindi ako ganun ka-close sa kanila.
Im the CEO of my family's company. The youngest bachelor in town. Im Xavier Servan. 24 years old. Currently single and always ready to mingle.
*killer smile*
Kailangan ko na palang umuwi dahil may pupuntahan pa ako.
Dumiretso ako sa unit ko at agad na nagmadaling maligo.
*FAST FORWARD*
3RD PERSON'S POV
Marami ang nakaabang sa pagdating ng mga kinikilalang tao. Pero, ang highlight ng gabing ito ay ang pagdating ng pamilyang Servan.
Nakatutok na ang media at mga paparazzi sa labas ng hotel kung saan gaganapin ang party.
Sino nga ba ang hindi titingala sa mga Servan? Sila na ang pinakamakapangyarihang pamilya sa loob at labas ng bansa.
Minsan lang silang magpakita sa media dahil tago ang kanilang pamilya. At dahil nga sa kapangyarihan nila, nagagawa nilang mapakiusapan ang mga media producers na wag pakealaman ang buhay nila.
Sa loob ng hotel, aligagang-aligaga si Andrea habang inaayos ang mga bulaklak. Nalaman niya kasing darating pala ang mga Servan kaya naman mas inayos niya ang buong lugar. Ayaw niyang may pumalya dahil napakalaking opportunity na ito para sa kanya.
Nang alam niyang kompleto na lahat at paparating na ang mga Servan, agad siyang pumwesto at kinakabahang inabangan ang pamilyang papasok sa loob ng function hall.
BINABASA MO ANG
SOME TYPE OF LOVE
RomanceThis is not your typical love story. This is a story based on my own world and reality. Are you ready? Im Andrea. And welcome to my life