ANDREA'S POV
Nakauwi na kami sa ospital at hinatid na ako ni Xavier.
"Sa dami mong pera, dito ka nakatira?" Yan ang bungad na tanong niya sa akin. Ano bang masama? Bahay parin naman ito ah. Medyo maliit nga lang.
"Ano bang pake mo?" Nakakabwisit naman kasi tong lalakeng to.
"Your family's company ang pumapangalawa sa mga Servan. Why do you live here?" Nawalan na talaga ako ng gana kausapin siya kaya binuksan ko na agad ang pinto.
Agad akong sinalubong ni Riza.
"Tittaaa mommmyyyy!" Sigaw niya. Muntik pa siyang madapa dahil sa pagmamadaling makayakap sa akin. Nako! Namiss ko tong batang to. Sobrang lambing niya kasi at napaka-cute.
"May anak ka na?" Nauutal na tanong ni Xavier.
Sasagot na sana ako ng biglang sumagot si Riza. Itong batang to talaga.
"No po. She's not my real mommy because my mom po is in Baguio to get some flowers po" napakamasiglahin niya talaga at hyper. Feeling ko nga, maswerte si Ria kasi kahit maaga siyang nabuntis, nagkaroon naman siya ng napakagandang anak.
Tumango lang si Xavier at pumasok ng bahay.
Aba! May manners din to ah.
"Nakakahiya naman sa may-ari ng bahay ano?" Pagpaparinig ko habang umaakyat ako ng hagdanan.
Hindi niya ako pinansin at nagkulitan lang sila ni Riza sa sofa.
Dumiretso ako sa kama at agad na sumalampak sa mga unan ko.
Totoo na ba ito? Ikakasal na ako in two weeks? Baka naman kasi prank lang ito diba?Baka mamaya na wow mali lang pala ako at jino-joke time lang ako nitong lalaking to.
Pero kahit ano pa man, dapat handa ako. Ikakasal lang naman ako tapos makikipaghiwalay. Yun lang.
XAVIER'S POV
Ilang minuto bago pumasok si Andrea sa kwarto niya ay lumabas na din siya. Pasado alas otso na kaya nag order nalang ako ng mga pagkain.
"Yaya, anong ulam?" Sigaw ni Andrea.
Akala niya siguro naka uwi na ako. Alam niyo kung bakit?
Nakashorts kasi siya na maikli. Yung tipong pangtulog tapos manipis lang. And, naka spaghetti strap na fitted blouse at wala siyang bra.
Kaya ganun nalang ang sigaw niya ng makita ako sa sofa habang mahimbing na pinapatulog si Riza.
Sinenyasan ko siyang wag maingay kasi baka magising ang bata.
"Ano pang ginagawa mo dito?" Medyo pabulong niyang sabi.
Natatawa ako sa kanya kasi namumula siya at pilit tinatakpan ang katawan niya.
"nag-order na ako ng pagkain" sagot ko sa kanya.
Agad siyang tumakbo pabalik ng kwarto niya at ilang minuto pa, naka long sleeves na siya at pajama. Mas gusto ko yung kanina eh!
Dumiretso siya sa sala at sakto namang dumating ang inorder ko.
Nagbayad lang ako at dumiretso na sa sala.
Kumain lang kami ng tahimik. Until i broke the ice with a question.
"Anong nangyari sa kompanya mo?" Napatingin siya sa akin at ibinalik niya naman agad iyon sa isusubo niya sanang pagkain.
"Gusto mo ba talagang malaman?" Tumango-tango ako.
"Pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa akin noon, kinupkop ako ng tiyahin ko. Step sister ni mama. Akala ko nung una mabait siya. Kasi pag pumupunta siya sa amin, napakabait niya naman" inihinto niya ang pagkain at uminom ng coke.
"Nung ilang araw palang ako doon, mabuti pa naman ang pakikitungo nila sa akin. Pero, makalipas ang ilang buwan nag-iba na silang lahat sa bahay. Minsan, hindi na nila ako pinapakain at palagi nalang akong kinukulong sa kwarto ko. Sa limang taon, tiniis ko iyon. Hanggang sa hindi ko na nakaya at tumakas ako sa bahay." Medyo naluluha na siya kaya naman inabutan ko siya ng panyo.
Umiling-iling siya at ngumiti.
"Wag mo na kayang ipagpatuloy?" Suggestion ko.
"Wag kang mag-alala. Matagal na akong nakapagmove-on sa past" binigyan niya ako ng isang ngiti na halatang peke.
"Nung gabing tumakas ako sa amin, gutom na gutom ako at sobrang nahihirapan dahil sinumpong ako ng hika. Buti nalang at muntik akong masagasaan ng isang sasakyan" tumawa siya ng mahina.
"Anong mabuti sa muntik na pagkakasagasa?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi kung hindi ako muntik masagasaan non, hindi sana ako maampon. Yung mag-asawang nakakita sa akin, sila ang nagpalaki sa akin ng maraming taon. Sila ang nagpa-aral at tumulong sa lahat ng pangangailangan ko. Tinuring nila akong parang totoong anak." Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya habang inaalala ang mga taong umaruga sa kanya.
"Asan na sila ngayon?" Ang ngiting dala niya ay biglang nawala.
"They both died. Again" dun na naglabasan ang mga luhang kanina pa niya itinatago.
"They both died in a plane crash. Walang naka survive sa plane crush na yon. At alam mo kung anong masakit? Hindi naman kasi sana sila aalis kung hindi ko sila hinayaan"
"I blame myself for that. I blame myself for everything. Its like, lahat nalang ng taong mahal ko, nawawala sa akin"
Tumayo ako at hinagod ang likod niya. Binigyan ko siya ng isang basong tubig at umupo ako sa tabing upuan at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"This is the only thing i know about comforting a person" tumigil siya sa paghikbi at ilang minuto pa ay hindi na siya nagsalita.
Nakatulog na pala.
Dahan-dahan ko siyang binuhat at agad dinala sa kwarto niya.
Hiniga ko siya sa kama at hinalikan ang noo.
"Lets call it a day Andrea"
Si Riza naman ang sinunod ko, itinabi ko siya kay Andrea.
I smiled on the thought. Balang araw, magkakaroon din ako ng pamilya. And i would be so glad if Andrea will be the mother of my children.
BINABASA MO ANG
SOME TYPE OF LOVE
RomansaThis is not your typical love story. This is a story based on my own world and reality. Are you ready? Im Andrea. And welcome to my life