RIA'S POV
Kanina ko pa tinatawagan si Andrea or Andy for short. Naiinis na ako dahil 10 pm na at wala pa siya sa bahay.
Magkasama kasi kaming nakatira sa isang apartment dito sa Quezon City.
Nabanggit na siguro ni Andy ang tungkol sa akin pero gusto kong ako mismo ang magkwento sa inyo.
Ako nga pala si Maria Erika Del Mundo. Ria for short.
Nagkakilala kami ni Andy way back in college. It was unexpected because hindi naman kami masyadong nag-uusap. Not until....
*flashback*
Hindi ko alam kung bakit halos araw-araw akong magsuka at makaramdam ng hilo. Naghilamos ako ng biglang pumasok ang isa kong blockmate sa cr at binigyan ako ng isang pakete ng....
Pregnancy test kit?
"Para saan to?" Tanong ko sa kanya habang nakaharap parin sa salamin
Kumuha siya ng polbo sa kanyang bag bago siya nagsalita.
"Kung hindi mo napapansin, every morning tayong nagkakasabay ng pagpunta sa comfort room at everytime, hindi ka nawawalan ng mangga. Kahit may discussion, wala kang ibang ginawa kundi kumain" a realization hit me like a truck.
Buntis ako.
But no, hindi ako pwedeng mabuntis. Sigurado akong magagalit sa akin si papa dahil sa pagiging pabaya ko.
Kinuha ko ang pregnancy test at sinubukan ito. Nagdasal muna ako na sana negative ang result. Pag-dilat ng mga mata ko..
Agad akong napaiyak at nanlumo dahil sa dalawang guhit na nagpakita sa pregnancy test.
Nagsimula akong humagulgol.
Pakiramdam ko, lahat ng pangarap ko naglaho dahil buntis ako."Are you okay?" Tanong niya habang kumakatok sa pinto ng cubicle .
Tumayo ako at nagpahid ng luha. Kailangan kong puntahan si Leo.
Kakausapin ko siya tungkol sa bata. Kailangan niyang malaman ang tungkol sa bata.Pero ang tanong, paninindigan niya kaya kami?
I was still sobbing while uttering the words thank you to her. Hinagod niya ang likod ko to calm me down.
"Masama para sa iyo ang malungkot. Maapektuhan ang bata. Im andrea by the way" ngumiti siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay as a sign of gratitude.
I silently laughed in my mind ng makita ko ang mga ngiti ni Andrea. Mukhang siya yata ang paglilihian ko sa pagbubuntis. Kung babae man ang anak ko, i want her to look like Andrea.
Andrea told me na late na daw kami sa klase namin kaya we ditched it and decided to go sa cafeteria and talk about my next step.
All i can say is, Andrea is such a lovely person. Maraming nangliligaw sa kanya pero sobrang taas ng standards niya at naiintimidate ang mga lalaki na lumapit sa kanya.
She promised to be with me until i gave birth. And guess what? She fullfilled her promise at hindi na niya kami iniwan pa ng anak ko.
*end of flashback*
Kung tatanungin niyo kung nasaan ang ama ng anak ko, wala. Hindi na siya nagpakita after kong sinabi na may anak kami. Ang sabi niya, hindi pa daw siya ready magkaanak kaya nawala nalang siya ng parang bula. I tried to contact him after i gave birth pero, wala talaga.
It hurts because lalaki ang anak kong walang kinikilalang ama. Kaya, im still in the process of finding someone na kaya kaming tanggapin.
Gayunpaman, nabuhay ko ang anak ko ng mag-isa at masaya na kaming dalawa.
Natanggap ng parents ko ang bata through the help of Andrea.
I'm really blessed to have a bestfriend like her.
Sana mahanap niya na ang lalaking magpapasaya sa kanya.
I only wish whats best for her.
Nahinto ang pag-iisip ko ng tumunog ang phone na nasa bag ko.
Si Andy nag text.
Bes! I cant go home tonight. I'll explain it to you bukas. Ingat ka diyan.
-andy
Ano kayang kababalaghan ang nangyayari kay Andy ngayon?
This is the first time na hindi siya uuwi ng bahay. Something smells so fishy.
BINABASA MO ANG
SOME TYPE OF LOVE
RomanceThis is not your typical love story. This is a story based on my own world and reality. Are you ready? Im Andrea. And welcome to my life