ANDREA'S POV
Kanina ko pa tinatawagan si Ria pero hindi niya sinasagot ang telepono niya. Siguro sobrang busy niya sa anak niya ngayon. I understand her.
Naguguluhan na ako.
Nabigla ako ng magring ang phone ko. Sino naman kaya ito?
Sinagot ko ito.
"Hello, this is Andrea how may i help you?"
"Andrea? Where the hell are you right now?"
"Sino ka ba?" May attitude din to ano? Tatawag tapos di man lang sasagot ng maayos.
"This is Xavier" takte naman. Magpapalit na talaga ako ng number pagkatapos nito.
"Dont even think of changing your number because i'll still find you" mind reader lang ang peg?
"Anong kailangan mo?"
"Asan ka ba ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Nasa shop bakit?"
"Stay there. Wag kang aalis na wala ako" at paano niya naman nalaman na aalis ako?
Binaba niya ang tawag at agad akong tumayo para kunin ang gamit ko at susi ng sasakyan. Sino ba siya para utusan ako? Ano siya hilo?
Pagkalabas ko ng shop, agad bumungad sa akin ang nagraramihang flash ng camera at bumabahang reporters.
Isa lang ang tanong nila.
Totoo po bang may namamagitan sa inyong dalawa ni Xavier Servan?
Gusto kong sigawan lahat ng tao na nandidito. This is my worst fear. Ang humarap sa maraming tao. I had this trauma nang maaksidente ang mga magulang ko. After they died, the police took me at their station. Marami sila. Sobrang dami. Pati mga reporters. Im only 7 when that happened. I was so scared and no one was there to help me. All i did was hug my knees back then.
Nagsimula na akong mahilo dahil sa dami ng tao. Unti-unti na din akong matutumba ng biglang lumuwag ang daanan at dumating ang isang lalaki.
Hindi ko na naaninag ang mukha niya because everything went black.
XAVIER'S POV
Hindi ko pinaalis si Andrea sa loob ng shop niya dahil alam kong dudumugin siya ng reporters as of now. Kapag malaman ko lang talaga ang taong nasa likod nito, sigurado akong mapapatay ko talaga siya.
After i parked my car, agad akong napatingin sa kumpulan ng tao. And i was right. Si Andrea nga ang dinudumog nila. Katigasan kasi ng ulo eh! Ayaw makinig! Sinabi ko naman na wag siyang aalis, ayaw maniwala.
"Tabi!" Sigaw ko sa isa-isang taong nadadaanan ko.
Agad naman nahawi ang mga tao at nakita ko si Andrea na nasa gitna nila habang tulala at namumutla. Mukhang matutumba siya kaya naman agad akong tumakbo papunta sa kanya. Nang masalo ko siya, agad itong kinunan ng mga cameraman.
Sinakay ko agad si Andrea sa sasakyan ko. Kumakain pa ba tong babaeng to at sobrang gaan?
Pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na ospital dito sa Quezon City.Agad naman akong sinalubong ng mga nurse at kumuha sila ng stretcher.
"Ano pong nangyari sa pasyente?" Tanong sa akin ng nurse habang tinatakbo paloob ng ospital si Andrea.
"She passed out. I dont know why"
Tumango-tango ang nurse at pinasok na si Andrea sa isang kwarto.
Makalipas ang isat kalahating-oras ay tinawag ako ng nurse at sinabing okay lang daw si Andrea. Pagpasok ko sa loob, nakita kong chini-check siya ng maigi ng doctor.
Parang hindi nila ako napansin kaya hinayaan kong makinig sa usapan nila.
"Did you had any traumatic experience before kaya nangyari to?" Tanong sa kanya ng doctor at tumango-tango lang siya.
"I had a car accident when i was 7." Somewhat, a vouge memory apperared in my mind. I dont know, baka may naalala lang ako.
"Sige, inumin mo lang itong mga gamot na to para hindi na ulit sumakit ang ulo mo. Pwede ka nang ma discharge. Wala ka namang ibang malubha karamdaman. You just need some rest" paalala nang doctor at umalis na.
Wala na pala siyang dextrose. Kaya nagagalaw na niya ng maayos ang kamay niya.
"Pupunta nga pala ako ng Baguio ngayon" paalam niya sa akin.
"Hindi ka ba nakinig sa sinabi ng doctor? Hindi ka pwedeng ma stress and you need to rest" paalala ko sa kanya.
"Eh, sino na ang pipili ng bulaklak para sa event?"
"You dont need to worry about that. Pinapunta ko na ang bestfriend mo doon. Babalik siya bukas ng hapon dala ang sandamak-mak na bulaklak."
Napatungo siya at kumunot ang noo. Anong problema nito?
"Seryoso ka ba sa pagpapakasal sa akin?" Tanong niya sa akin at agad akong tumungo.
"Isang taon lang ang kailangan ko Andrea. Isang taon lang tayong magsasama sa iisang bahay. Pagkatapos nun, malaya na tayo ulit. Wala nang sasagabal sayo." Sagot ko sa kanya. Sana lang, makumbinsi siya. Sana.
"Sa simbahan ba tayo ikakasal?"
I nodded at napangiti siya.
"Kailan?" Tanong niya sa akin.
"In two weeks" sagot ko sa kanya at napanganga siya.
"Seryoso ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Do i look like im joking here Andrea? In two weeks, you'll be a Servan. You should be ready"
BINABASA MO ANG
SOME TYPE OF LOVE
RomanceThis is not your typical love story. This is a story based on my own world and reality. Are you ready? Im Andrea. And welcome to my life