STOL: CHAPTER ELEVEN

11 0 0
                                    

ANDREA'S POV

Ito na talaga. Ito na ang araw kung kelan sasabihin ni Xavier sa lahat na magpapakasal na kami.

"Ria, sigurado ka ba na maayos na maayos ang venue?" Tanong ko sa kanya habang kinukulot niya ang buhok ko.

"Oo naman bes. Engagement mo yon kaya ayokong hindi maging memorable. Tsaka wag kang kabahan. Enjoy the moment" sabi niya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba. Paniguradong dudumugin na naman ako ng mga tao. Ayoko nang ganun.

"Wag kang mag-alala bes. Diba sabi naman ni Xavier na hindi ka niya papabayaan? Oh, pikit ka muna" sabi niya at sinimulan na akong lagyan ng make-up.

Riza always wanted to be a make-up artist pero ayaw ng mga magulang niya kaya she took business ad when we were in college.

Ilang minuto pa at natapos na niya akong ayusan. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at medyo napangiti ako dahil, ang ganda ko ngayon.

Siguro, kung totoo lang na engagement to sobrang saya ko. Kaso hindi eh, deep inside ayoko talagang pumayag. Kaso naawa ako kay Xavier. I've been in a desperate situation before too. At alam kong kung ako ang nasa posisyon niya ay gagawin ko din ang bagay na iyon.

Isinuot ko na ang damit na ipinahatid ni Xavier. Nung una, nag alangan pa ako pero alam niyo naman ang bestfriend ko diba? Hindi siya papayag na losyang ako sa party ko daw.

Muli akong tumingin sa salamin. Saktong-sakto lang talaga ang long gown na ipinadala niya. Mas lalong lumitaw ang kaputian ko dahil sa itim at silver na color.

Kita ang kalahati ng likod ko pero komportable naman ako kahit papaano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kita ang kalahati ng likod ko pero komportable naman ako kahit papaano.

May kasama din itong purse na silver.

Saktong pagbaba ko ng hagdan ay may bumusina na sasakyan.

Dali-dali akong bumaba at binuksan ang pintuan.

And there, i saw a handsome man standing infront of me wearing his black tux with a white polo inside.

It really fits him well at hindi ko talaga maipagkakailang he is a fine looking man

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It really fits him well at hindi ko talaga maipagkakailang he is a fine looking man.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.

"A kiss for the most beautiful girl tonight" sabi niya at ngumiti.

Napangiti na din ako at naramdaman ang pag-init ng aking mukha.

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Ria sa likod ko at tinulak ako ng mahina palapit kay Xavier.

"Bes, mauna ka na. Susunod na kami ni Riza doon"

Sabi niya at agad na isinarado ang pintuan.

Jusko kahit kailan talaga itong kaibigan ko.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pumasok ako agad.

Pagkaupo niya sa driver's seat ay agad kong hinipo ang noo niya.

Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya napatingin siya sa akin.

"May lagnat ka ba o may masakit ba sayo? O baka nabagok ka?" Tanong ko sa kanya at bigla siyang tumawa.

Loko talaga to eh.

"Ayos lang ako. Tsk. Silly" he said at nagmaneho na papunta sa venue.

XAVIER'S POV

i'll admit it. Andrea is so fucking gorgeous tonight. Kahit na napakaraming babae man ang lumapit sa akin mamaya, her beauty will stand out.

Kinakabahan ako ng konti because no one knows about my plan. Even my parents dont know about this.

Kaya gugulatin ko ang media. At kung sino man nagpakalat ng mga pictures na yon, humanda siya sa akin.

ANDREA'S POV

Nasa labas palang kami ng hotel ay nakikita ko na ang dami ng taong nag-aabang sa amin.

Nangiginig ang kamay ko at pinagpapawisan ako. Buti nalang, water resistant ang make-up na ginamit ni Ria kundi baka nagmistula na akong taong grasa nito.

"Yumuko ka lang. Ako na ang bahala" tumango-tango ako bago lumabas si Xavier sa kotse.

Binuksan ni Xavier ang pinto at inalalayan akong pababa.

Agad na nagkumpulan ang mga tao sa amin. Kahit ilang bodyguards pa ang nakaharang, daig pa namin ang napakasikat na artista dahil sa nangyayaring ito.

Kabi-kabilang tanong at flash ng camera ang nasa buong paligid.

Yumuko lang ako gaya ng sinabi ni Xavier. At sa awa ng Diyos, nakaalis na din kami sa kumpulan ng mga reporters.

Nakakastress. Nakaramdam na naman ako ng hilo kaya agad kong hinilot ang sentido ko.

"Are you alright?" Tanong sa akin ni Xavier habang papasok kami sa elevator papuntang rooftop.

Tumango ako at binigyan siya ng ngiti.

"Cheer up. You'll meet my parents later. Just be yourself"

Be yourself eh halos himatayin na ako sa kaba dito.

Nagbell ang elevator na ibig sabihin ay nandito na kami.

Pagpasok ko sa venue, nagningning ang mga mata ko sa aking nakita.

Medyo napaluha pa ako kasi grabe ang effort na ginawa nila sa gabing ito.

Wala akong ibang masabi kundi WOW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala akong ibang masabi kundi WOW.

Pinaupo ako ni Xavier sa upuan na malapit sa stage at umalis muna. Kailangan niya daw kasi munang kausapin ang emcee dahil sa gagawin niyang announcement.

Hindi pa nagsisimula ang party kaya inilibot ko muna ang aking tingin. Lahat ng tao na nandito ay halatang mayaman at malalakas na tao sa mundo ng business.

Masasabi ko ngang, enggrande ang party na ito.

Nakuha kong ngumiti nang isipin na ang gabing ito ay gabi din ng enggagement namin ni Xavier.

Nabalik ako sa realidad ng may umupo sa aking tabi.

"Hi" sambit niya.

"Hello" sagot ko at ngumiti

"Youre Andrea right?" Tanong niya sa akin.

"Yes i am."

Inabot niya ang kamay niya at nagpakilala.

"Im Harold. Nice to meet you"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SOME TYPE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon