Room 1002

28 0 0
                                    


Hindi ko alam kung bakit ako ngayon nakatayo sa harap ng pinto ng condo ni Barrueco. Rinig na rinig ang malakas na kabog ng musika sa loob ng kwarto. Kahit hindi ko pa binubuksan ang pinto alam ko nang mainit, masikip at magulo sa loob. 

Nagdadalawang isip ako kung itutuloyko pa ba o hindi pero kailangan ko pumunta ng library bukas dahil hindi naman ito nagsasara. Makikita't makikita ako ni Sr. Rob at ayokong madismaya sya, ang nag-ambagan para lang maregaluhan ako.

Hinawakan ko ang door knob. Huminga ng malalim at pinihit ito pero agad itong bumukas kaya napatabi ako at pumunta sa gilid ng pinto. 

"Woohoo! Let's party!" 

"Tama na, lasing ka na. Ihahatid ka na namin, pare." 

"Ayoko, gusto ko pa uminom!" 

Maaga pa ang gabi pero may mga lasing na. Anong oras ba nagsisimula itong party na ito? Hinarap ko ulit ang pinto at bubuksan na sana pero biglang nagbago ang isip ko. Kinakabahan ako. Tumingala ako sa kisame para mabura lahat ng kaba. Napansin kong sa tapat lang ng kwarto ni Barrueco ang walang cctv. 

Lumayo ako sa pinto at inisa-isa ang mga kwarto. Nauna ang room 1038 bago ang room 1037 at walang 1036. Ganoon ba talaga ang mga condo? Kulang sa pinto? 

Unalis nalang ako at hinintay ang elevator. Pagdating nito sa palapag ko ay biglang lumabas si Patty napatago ako ng di-oras sa likod ng mataas na halaman. Panigurado hahatakin ako noon papasok. Mabilis kong pinasok ang elevator nang makitang nakapasok na sya sa kwarto. Agad ko namang pinindot yung buton papasara nang biglang may humarang na kamay. 

"Nice! Nakaabot pa." Si Kiara pero mas kilala sa tawag na Kia. Ang natatanging babae sa kanilang magkakaibigan. "Aba, nananaginip ba ako? Miss Clara?!" Masaya nitong bati sa akin. Tumango lang ako at tumingin ulit sa mga numero sa itaas na nagsasabi kung nasa anong palapag na kami. 

"Uuwi ka na ba? Nakainom ka ata gusto mo ihatid na kita?" Tinignan ko lang sya at umiling. Mabait sya, isang simpleng babae. Disente. Hindi na nakakapagtaka kung bakit kilala sya ng lahat. "Sigurado ka? Dala ko yung kotse ko—" Naputol yung sinasabi nya ng tumunog ang kanyang telepono. "Excuse lang ha. Oh? Nasa baba ka na? Sige malapit na ko, tulungan na kita sa bitbit mo. Gaston, last mo na yan. Sige, baba ko na. Aksaya ka sa load." Humarap ulit sya sakin at nginitian ako na isinukli ko naman. 

"May problema ba?" Lumabas nalang sa bibig ko bigla. 

"Ah, wala naman. Humingi lang ng tulong yung driver ko." Tumango-tango lang ako. Naalala ko yung pangalang nabanggit nya. Gaston. Kung hindi ako nagkakamali second name ni Barrueco iyon na iilan lang ang naglalakas loob gumamit. Tinignan ko si Kia. Kaibigan sya ni Barrueco. 

Pinindot ko ang pangatlong palapag bago pa kami makababa ng tuluyan. Ayokong makita sya. Hindi pwede. 

"Oh, teka, hindi yan yung floor namin." 

"Hindi. May kaibigan ako dito. Sige, una na ako." Sakto ang pagbukas nng pinto. Walang atubili akong lumabas at tumakbo sa fire exit. Napa-upo ako sa hagdan sa kaba at hindi nakatulong ang cellphone kong bigla-biglang tumunog. 

Tumatawag si Patty. Sinagot ko ito sa pangalawang pagkakataon. 

"Roommate, nakadating na ko kina Alexis! Sabi ko sayo sumama ka eh! Ang daming pagkain oh. Kaso wala pa yung host ng party." 

"Ayos lang ako dito. Huwag ka masyado mag-enjoy at baka di ka makauwi." Tinawanan lang ako nito sa kabilang linya. 

"Joker ka talaga, roomie!" 

"Sige na, enjoy. Ingat." Pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang tawag. 


"Gusto mo palang makipaglaro ng hide and seek sakin." Napatayo ako sa gulat at liningon ang taong nagsalita. May balat ata ako sa pwet o malakas lang ang pang-amoy nya. 

Room 1038Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon