Tila ba parang akong wala sa wisyo nang makarating kami sa hospital. Binabagabag parin ako nung mensaheng natanggap ko. Pilit iniisip kung nagkataon lang ba o may kinalaman talaga sya sa pagkasugod ni Patty sa hospital. Ayokong magbintang. Ayokong maghinala. Ayoko mag-isip ng masama kahit pa posible ang mga kutob ko.
Nanatili akong nakatulala habang si Gael ang nakipag-usap sa mga nurse nang makadating kami sa loob.
"Hoy, Simone, gising! Kakalabas palang ng ER sabi nung nurse. Baka bukas pa daw natin sya pwedeng bisitahin." Napailing ako at tinapik ang kanang pisngi para magising sa wisyo.
"Ano daw'ng nangyari?"
"Nabagok daw. Pagdating sa hospital wala nang malay. Nakainom pa't may tinirang kung ano." Hindi ganoong klase si Patty. "Natapos ng maayos yung operasyon kahit nag-agaw buhay kaya imomonitor nila hanggang sa magkamalay."
"G-Gael... Pwede bang dito ka muna? May pupuntahan lang ako." Papahakbang na asna ako palayo ng mahagilap ang braso ko't hinatak ako pabalik.
"Nag-iisip ka ba? Hindi kita hahayaang umalis. Madaling araw na oh, marunong ka bang tumingin sa orasan?"
"Mag kailangan lang talaga—"
"Huwag kang makulit. Darating daw ang mga pulis kasama ang magulang nung roommate mo, Patty ba?"
"Oo, Patty. Teka, bakit may mga pulis?"
"Hindi nila alam kung sino tumawag ng ambulansya. Kaya ikaw wag kang babarkada ha! Dito ka lang."
"Anong sasabihin ko sa mga pulis, Gael?" Pulis? Sila ang pinaka kinatatakutan ko. Pakiramdam ko kahit anong sabihin ko'y magtutulak sakin para maging salarin.
"Gusto mo ba tawagan ko yung lawyer na ibinigay satin ng matanda?"
"Hindi. Hindi na kailangan."
"Sabihin mo lang yung alam mo. Saan ka nga ba galing kanina nung naabutan kitang naglalakad papunta sa dorm nyo?"
Sasabihin ko bang kina Barrueco ako galing? Pag sinabi ko iyon, maraming mauungkat. Hindi na naman sya bago sa mga pulis. Pero hindi ko naman alam yung nangyari. Sa loob-loob ko'y parang gusto kong komprontahin muna sya. Kaya bang magawa ni Barrueco iyon?
"Kina Mrs. Sylvia. Diba nga niregaluhan nila ako ng mga ito?" Itinaas ko ang pulseras ko sa lebel ng mata nya. Bakit ba ako nagsisinungaling.
"Sigurado ka?" Tumango ako. Kinokonsensya ako ng tiwala sakin ni Gael. Kung ipipilit naman nya sakin ay sasabihin ko yung totoo pero si Gael ito, laging ako ang kakampihan at pagkakatiwalaan nya. Kahit na minsan ay hindi dapat.
"Ang totoo nun—"
"Clara, hija!" Liningon ko ang tumawag sakin at nakita ang nanay ni Patty na umiiyak na agad kahit kararating pa lamang. "Anong nangyari sa anak ko?!" Hawak nya ang magkabilang balikat ko habang ako'y yinuyugyog. Hindi agad ako nakasalita dahil sabay-sabay ang mga tanong nito at dagdagan pa ng biglang buhos ng luha.
Narinig kong umubo si Gael ng pahapyaw kaya't napunta sa kanya ang atensyon ng nanay ni Patty. "Sino ka?! Ikaw ba may gawa nito sa anak ko?!" Lumipat sa kanya at pinaghahahampas ang dibdib nito pero hindi ito umimik manlang.
"Kapatid ko po iyan. Tama na po. Wala po kaming alam. Kararating lang din po namin." Kinuha ko ang kanyang magkabilang braso at hinimas-himas ang mga ito.
"Tatawagin ko po yung nurse para ipaliwanag yung nangyari." Umalis na si Gael at iniwan ako kasama ang nanay ni Patty.
"Mabait na bata si Patrina. Bakit nangyari ito sa kanya?" Humagulgol ulit sya at ako naman ay hinimas-himas ang likod nito.
BINABASA MO ANG
Room 1038
Misterio / SuspensoWe all have met that one person who's outgoing, fun, a dare devil, the life of the party, one who can be a notorious badboy to some but an insanely goofball to bunch, one who has his own fair share of shenanigans. Well, that's how they describe the...