Room 1006

22 0 1
                                    


"Sinabi nya sayo iyon, Mone (Mony)?"

"Oo, gusto nya akong maging understudy! Para ano? Mawala ako sa pagkasumma? Huling taon na nga namin to saka pa sya aarte. Sayang yung trabahong makukuha ko pagkakuhang-pagkakuha ko ng diploma, Dore (Dory)."

"Nandun na ko sa punto mo. Pero baka nangangailangan talaga yung tao."

"Hindi mo sya kilala, Dore. Magugulat ka kung paano sya naging magna namin. Puro sya liwaliw. Party dito, party doon. Tapos ano? Nagkaaberya sya, ngayon, ako ang mamumurwisyo?"

" Sabagay. Ang kapal naman nyang magna nyo. Eh, pumayag ka naman ba, Mone?"

"Syempre hindi. Kahit ilang suhol pa ng free pass yun. Ilang sem nalang naman ang titiisin ko."

"Sino ba yun— " biglang may sumingit sa pag-uusap namin. "Theadore, nakita mo ba yung lighter ko?" Kung kailan naman sumasarap na ang pag-uusap namin ni Thea na pinagkasunduan namin Dore at Mone ang tawag sa isa't isa kapag wala ang kapatid ko, saka naman eentra si Gael. Hindi ba sya marunong maghanap?

"Oh sige na, Dore. Sa susunod nalang ulit tayo mag-usap. Tatawagan kita ulit! Inaantok na din naman ako." Ako na ang unang nagpaalam. Baka mapahamak nanaman sya dahil sakin.

"Sige, beh. Hinahanap na din ako nung anak ko."

"May anak ka?!"

"Yung kuya mo." Natawa ako. Masyadong paalagain naman ang kapatid ko. "Sige ha. Tawagan mo agad ako kapag niresbakan ka ng mga kaibigan ni magna!"

"Mababait kaibigan nya pwera sa kanya."

"Baka kayo magkatuluyan nyan—" naputol ang sinasabi nya ng may sumigaw sa kabilang linya. "Sino kausap mo! Sinong magkakatuluyan?! Akin na nga yan!" Sabay biglang nababa ang tawag.

Makikiusyoso na nga lang mali-mali pa pinag-iiisip. Kawawa talaga si Theadore sa kanya.

Naalala ko nanaman si Barrueco. Tama ba yung ginawa kong pagtanggi sa pabor nya? Sadyang madumi lang ba ako mag-isip?

Hindi ko alam kung ano papaboran ko.

Ilang oras na ang lumipas sa kakaisip ko kay Barrueco. Hindi dapat pero hindi ko alam kung bakit hindi sya matanggal sa ulo ko at hindi ito sa romansang paraan kundi sa humanismong parte.

Pero kung iisipin ko, tama lang ang ginawa ko. Bakit ako papauto sa mga lalakeng tulad nya? May pagpipilian naman ako. Wala naman akong utang na loob sa kanya.

O baka naman masyado lang ako nalason ng mga pinagsasasabi ng iba tungkol sa kanya?

Magdamag kong prinoseso kung tama ba o mali ang naging desisyon ko hanggang sa hindi na ako nakatulog.

Ang ganda ng buena mano nitong semester na ito.

Kahit lumulutang ang utak ko ay pumasok parin ako. Hindi na naman ako bago sa puyatan at walang tulugan pero ekstra sa lahat itong araw na ito dahil pagpasok na pagpasok ko ng gate ng Highland hinabol agad ako ng isang pulang kotse.

Sa kaba ko na masagi ng kotse ay bigla akong tumabi at tumigil pero hindi manlang ito huminto. Nagtakbuhan na ang mga naglalakad sa tabi papalayo ngunit hindi ko manlang maihakbang ang mga paa ko. Totoo nga na kung nasa sitwasyon ka na ng peligro at buhay na ang nakataya ay hindi mo talaga maiisip ang unang gagawin. Matitigil ka nalang at makikita ang sarili mong pinapanood ang pangyayari.

Sa isang iglap para bang may mabilis na bagay ang dumaan sa harap ko. Naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko sa magaspang na simento.

"Miss kung magpapakamatay ka, huwag sa school grounds. Huwag mong dungisan ang pinagpaguran ng mga ninuno ko." Nakurap-kurap ako. Nililinlang ba ako ng mga mata ko o ang isang Ccolo (Cholo) Acosta'y nasa harap ko? Nakadagan sa akin kung magiging espisipiko ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Room 1038Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon