Lumipas na ang sembreak at bukas na bukas din ay balik na ng pasukan. Sa Metropole parin ako tumutuloy hanggat hindi pa nagkakamalay ang roommate ko. Araw-araw ko syang dinadalaw. Araw-araw ko ding hinihintay ang report galing sa mga pulis na tila natabunan na. Wala nang bumalik para i-update kami sa kaso ni Patty. Kasunod nito ay ang pagkawala ng pag-asa ng nanay ni Patty para makamit ang hustisya para sa kanyang anak.
Matagal ding hindi nagparamdam si Barrueco. Kahit text ay wala akong natanggap simula noon. Hindi ko parin maalis sa isip ko ang sinabi sakin ni Gael. Kitang-kita ng dalawang mata ko na may room 1038 pero kahit sa receptionist na ko nagtanong walang nakalistang ganoong room kaya naman simula noon, araw-araw ko na ding dinadaanan ang room ni Barrueco.
Kahit saang angulo ko tignan ay para bang may kababalaghan syang tinatago sa likod ng kwartong ito.
Pinagtatawanan na nga ako ng kapatid ko at nagbabalak na, na dalhin ako sa doktor. Baka daw tumitira ako ng pinagbabawal na gamot.
"Simone, sasama ka pa ba sakin sa mall?" Nagising ako sa pagkakatulala ng kalabitin ako ni Thea. Nalaman ko din na isang taon lang ang tanda nya sakin. Kaya naman pala tiklop agad sya kay Gael. Pero wala sa pananamit at itsura nyang bente-dos anyos lang sya.
"Hindi na. Hihintayin ko pa si Gael. Ihahatid daw nya ako sa dorm mamaya. Pasukan na namin bukas."
"Kaya nga. Sumama ka na sakin. Papakilala ko sayo mga kaibigan ko. Para naman hindi ka maburyo dito. Ginawa na ng kuya mong kulungan sayo itong condo nya." Mukha ngang di lang ako ang nakakulong sa condo ni Gael eh. Siya din kaya. Bantay sarado din naman sya.
"Sesermonan ako nun paglumabas ako ng bahay." Nangalumbaba ako habang tinatanaw ang maliliit na kotse sa baba mula sa bintanang mula kisame hanggang sahig ang laki.
"Secret lang natin to sa kuya
mo." Biglang nalipat ang tingin ko sa kanya. Secret? Tiyak magagalit yun sa kanya. "Payag ka na? Mag-eenjoy ka, pramis! Kakampi mo ako. Pwede mo kong pagkatiwalaan." Nagthumbs-up pa ito. Kung susumahin, hindi sya karapat dapat sa kapatid kong may anger issues. Masyado syang positibo ang masayahin tila ba wala syang problemang dinadala.
Wala naman sigurong mawawala sakin kung bibigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon na humalubilo sa iba bukod sa roommate ko na nakaratay sa hospital at sa bugnutin kong kapatid. Hindi ko na isasama si Barrueco. "Pagnayari ako kay Gael parehas tayong babagsak ha..." Inilabas ko ang hinliliit ko't hinintay syang ipolupot ang kanya. "Pinky swear."
... at dito nagsisimula ang pagkakaibigan namin ni Thea.
Sumama ako sa kanya sa mall kung saan pinakilala nya ako sa mga kaibigan nya. Nakilala ko si Ivo (I-vo hindi ay-vo) at Hana (Ana—silent H). Ngayon ko lang naramdaman kung paano magkaroon ng totoong kaibigan. Yung kaibigang karamay mo kahit saan, lalo na sa kalokohan. Masaya silang kasama pero mas gusto ko parin kung si Thea lang ang kasama ko. Mas panatag ako sa kanya kahit na mababait naman silang tatlo.
Magdamag kaming nagwindow shopping at kumain. Hindi naman ako mahilig gumasta lalo na kung hindi ko kailangan. Mabuti at ganoon din silang tatlo.
Inabot kami ng alas siyete nang makauwi. Totoo nga yung sinasabi nilang mabilis lumipas ang oras kapag nag-eenjoy ka kaya naman bumungad samin ang isang Gael na umuusok sa galit nang makauwi kami.
"Saan kayong dalawa galing?" Nakadekwatro na naka halukipkip itong nakaupo sa sofa, halatang naghihintay na ito simula ng maka-uwi sya galing trabaho dahil hindi pa ito nagpapalit ng suot.
Pilit naming pinapakiramdaman pero hindi namin matantya dahil nakayuko ito. Parehas kaming naestatwa. "Theadore?" Saka nito inangat ang mata sa amin.
BINABASA MO ANG
Room 1038
Mystery / ThrillerWe all have met that one person who's outgoing, fun, a dare devil, the life of the party, one who can be a notorious badboy to some but an insanely goofball to bunch, one who has his own fair share of shenanigans. Well, that's how they describe the...