Gising na ang diwa ko pero hindi ko parin maibangon ang katawan ko. Para bang may pumipigil sa aking paggalaw. Pinilit kong idilat ang mga mata ko at nang maidilat ko na bigla ko namang pinagsisihan.
Nakadagan ang kalahating katawan ni Barrueco sa akin. Bago ako mag-eskandalo sinigurado ko muna kung anong sitwasyon ang kinalalagyan ko. May saplot pa naman ako. Hindi ko kailangang maging OA.
Pinilit kong itulak sya paalis sa dibdib ko pero mas mabigat pa ata ang lalaking ito sa kalabaw.
Hinanap ko sa paligid ng kwarto ang orasan pero wala akong makita kaya pilit kong itinulak si Barrueco hanggang sa tuluyang maalis sa akin na medyo sumobra't gumulong ito pahulog ng kama. Akala ko'y magigising ito pero sa laking gulat ko, mahimbing parin itong natutulog. Inisip ko kung itataas ko ba sya sa kama o iiwan nalang pero mas matimbang ang pangalawa. Dahil una, hindi dapat ako nagtatagal dito. Baka kung nakakalimutan nya, may inilagay sya sa pagkain ko kaninang madaling araw. Kalmado man ako sa labas pero sa loob-loob ko'y gusto ko na sumabog pero sa ngayon mas gusto ko munang makalabas ng kwartong ito bago pa nya ako maabutan. Saka ko nalang babanggitin ang ginawa nya sa akin.
Takot kung sa takot pero nawala ang pangamba ko nang makita syang katabi kong natutulog.
Para bang wala akong dapat ikabahala.
Mukhang wala naman syang masamang ginawa. Tanga na kung tanga pero masama ang mag-isip ng masama sa kapwa kahit gaano pa sila kadudaduda.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto patungo sa sala para hanapin ang mga gamit ko. Lagi akong may bitbit na maliit na bag at kung tawagin noon ay alampay na ngayon ay scarf. Nakita ko itong maayos ang pagkakapatong sa tabi ng telebisyon. Sa ibaba nito nakita ko ang sapatos ko. Maayos din itong nakahelera. May pagka-OC din pala ang lalakeng ito.
"You're leaving without telling me?" Nagulat ako ng bigla sya magsalita. Nakatayo ito sa may pintuan na kakamot-kamot pa ng ulo. Magulo ang buhok nito't wala nang saplot maliban sa suot nitong boxers. "..and why am I sleeping on the floor?" Mukhang hindi pa ito gising na gising kaya't sumalampak sa sofa at muling pinikit ang mga mata.
Hindi ko sya pinansin at dumiretso sa pintuan. Noong madaling araw pa ako kating-kati lumabas.
"Wow, so this is how it feels like when your one night stand ditch you in the morning." Natigilan ako sa pagbukas ng pinto.
"Walang nangyari satin." Hindi sya sumagot pero ngumisi ito ng nakakaloko. Sinundan ko ang tingin nya't napunta ito sa suot kong pantalon na may dugo. Bigla akong naalarma.
Dugo. Takot ako sa dugo. Tila ba biglang umikot ang sikmura ko.
Sinubukan kong punasan ito. Nagbabakasakaling isa lang itong prank dahil hindi ko lubusang matanggap. "Anong ginawa mo?" Mangingiyak-iyak na ko sa takot at galit pero nakahiga parin sya sa sofa habang tumatawa-tawa.
May sa demonyo talaga ang lalaking ito.
Nananaginip ba ako? Sugo ata ni Lucifer ang isang 'to.
Napa-upo ako sa sahig sa takot. Hindi sa nagmamaganda. Posible kayang ginalaw nya ako noong wala akong malay? "Anong nangyari?" Halata sa boses ko ang kaba.
Hindi sya umimik. Tumayo ito't lumapit sakin sabay bigla itong tumawa at inilahad ang kamay. "Get up, Ms, drama queen." Bakas ang pang-aasar sa mukha nya.
Pinagtitripan lang ako nito. Sa puntong ito napagdesisyonan kong bawian si Barrueco sa abot ng aking makakaya.
Biglang tumaas lahat ng dugo ko sa ulo. Nanginginig ako sa galit. Kinuha ko ang kamay nya para makatayo ako at bigla syang sinikmuraan. "Huwag kang magbibiro ng ganoon. Hindi ka nakakatawa." Pero tinawanan lang ako nito lalo habang namimilipit sa sakit.
BINABASA MO ANG
Room 1038
Mystery / ThrillerWe all have met that one person who's outgoing, fun, a dare devil, the life of the party, one who can be a notorious badboy to some but an insanely goofball to bunch, one who has his own fair share of shenanigans. Well, that's how they describe the...