Room 1001

23 0 0
                                    


"Clara, pupunta ka ba sa party mamaya?" 

"Hindi ako mahilig pumarty." 

"Pero sembreak na naman natin. Di mo na kailangan magtago sa ilalim ng mga libro." 

"Kailangan ko. Baka kunin ni Barrueco yung posisyon ko bilang summa." 

"Mahal na mahal mo talaga scholarship mo ano?" 

"Syempre naman." Tinigilan na ako ni Patty at lumabas ng dorm ko. Ganito sila palagi tuwing may kailangan. 

Kasi ganito iyon, bihira ka dapuan ng inbitasyon mula kay Barrueco kung hindi ka pa-cool kid. Akala mo sa mga libro at palabas lang may ganoon no? Pero totoo palang may mga ganoong tao. Tama nga ang sinasabi nilang; hindi ibigsabihin kung hindi mo pa nararanasan ang isang bagay ay hindi na ito nag-eexist sa mundo. 

Sa di ko malamang kadahilanan ay imbitado ako sa gaganaping party nya bukas ng gabi. Plano nya siguro para makuha ang pwesto ko. Para sa taong mahilig magliwaliw hanga ako sa kanya dahil hindi biro ang mga grado nito. Sa totoo lang ay sya ang magna namin. Pero Magma (hot) Cum Laude ang bansag sa kanya ng fans club nya. 

Okay. Siguro wala nga syang fans club pero sa lampas ng bilang ng daliri ko sa paa't kamay ng babaeng humahanga sa kanya, papasa na ang salitang fans. 

"Clara, di ka talaga pupunta?" Nawala ako sa pagmumuni ko. 

"Hindi nga, Patty." Sinarado nya muli ang pinto. Tumayo na ako at ikinandado ito. Pero may kumatok agad. "Sagot ko na ang pamasahe papunta sa kanila at ang isusuot mo!" Napasapo ako saking mukha at binuksan muli ang pinto. 

"Ayoko talaga. Kung gusto mo, Patty, ikaw nalang ang pumunta." 

"Paano pag tinanong ako kung sino nag-imbita sakin?" Marahil ay natatakot sya sa mga kaibigan ni Barrueco. "Sabihin mo kasama mo ako pero pasunod palang. Sabihin mo natraffic o natagalan ako pamimili ng isusuot." Nagliwanag ang kanyang mukha. 

"Thank you! Salamat! D'best ka talaga, roomate!" Sa tuwa nito'y bigla akong niyakap. "Oh sige na. Maghanap ka na ng isusuot mo. Balita ko marami ang pupunta." 

"Hindi ka talaga sasama?" 

"Hindi talaga." Ngumiti ako ng pilit. Ayoko sa lahat ay yung pinagpipilitan sakin ang isang bagay pero kailangan ko pigilan ang ekspresyon ko dahil baka iba ang isipin nya. Sayang ang tatlong taon naming magkasama. 

"Sige! Kina Dino (as in Day-no short for Dinosaur) ako matutulog ngayon weekends na naman." Lumapit sya sa aparador at hinugot ang isang malaking bag. Mukhang planado na nya ang lahat. Kung ganoon, bakit pa nya ko kinulit?

"Sige. Mag-ingat ka. Tumawag ka sakin pagdating mo sa party." Walang sagot-sagot at kumaripas sya ng takbo palabas ng pinto. 

Mga tao nga naman, puro kabig. Sana walang masamang mangyari sa kanya. Una, ako ang nagkunsinti. Pangalawa, ako ang nakakaalam. Panghuli, hindi ko sya binalaan. 

Hindi ordinaryong tao si Barrueco kaya iniiwasan ko sya sa abot ng makakaya ko. 

May narinig nanaman akong katok sa pinto pero sa pagkakataong ito iba ang pakiramdam ko at kung mamalasin ka nga naman, hindi ito nakandado. Titigil ng panandalian tapos kakatok ulit. Hindi ako makatayo sa pagkaka-upo ko. 

"Sino yan?" Walang sumagot. "Sino yan sinabi?" Kumatok lang sya uli. Dahan-dahan kong nilapitan yung pinto at sumilip sa peephole. Ngunit pagsilip ko'y wala nang tao. 

Hindi ako naniniwala sa multo at hindi rin ako matatakutin at isang tao lang ang kinakatakutan ko. Iyon ay ang kuya kong mainitin ang ulo. 

Binuksan ko ang pinto at tinignan ang paligid. Isasaro ko na sana ang pinto ngunit may bigla akong nasipa at pagtingin ko sa paanan ko'y may isang kahon na nakaharang. 

Room 1038Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon