Sabi nga nila; ‘Libre lang ang mangarap’ kaya mangarap ka kahit imposible kasi atleast sa pangarap nakukuha mo at nangyayari ang mga gusto mo kesa wala kang ginawa.
Parang sa mga romantic movies at pocket books, slow motion ang paglalakad niya papunta sa akin. Hinawi niya ang buhok niyang makintab, at ngumiti na dahilan ng paglitaw ng mga dimples niya. Shet! Palapit na siya ng palapit sa’kin…….I think any moment mahihimatay ako sa sobrang saya at kaba……
Xander
Xander
Xander
“Ouch!” bigla-bigla naman kasi akong binatukan nitong katabi ko.
“Mukha kang tanga diyan, nakangisi ka mag-isa! Ano nanaman ang tinira mo ngayong umaga ha?”
Tsk! Panira ng moment tong si BFF eh. Naputol tuloy ang pagde-day dream k okay Xander.
Nilagpasan na kami ni Xander my labs. Pasimple akong lumingon kung nasaaan siya. Nakikipag-famous shake hands sya sa mga barkada-slash-frat members niya.
Gusto niyo bang malaman kung gaano ka heartthrob ang dream boy ko?
Matangkad-check
Mapulang labi-check
Matangos na ilong-check
Magagandang mga mata-check
Pair of cute dimples-check
Muscles- super check
Maputi-check
Mayaman-check
Sporty- check
Sex appeal-check
Matalino-check
Super cool- check
Basagulero-check! ( leader kasi ng frat…)
Ano pa ba ang hahanapin ko di ba? Sobrang dreamy talaga niya. Para siyang hindi totoo kasi almost perfect siya. Minsan iniisip ko kung tao pa ba siya o Greek god,
Maraming takot sa grupo nila halos lahat ng boys sa campus ilag sa kanila. Kapag dumadaan sila literal na nahahawi ang daan, parang Boys Over Flowers ang dating.
Kung maraming takot, marami din namang harot…..na babaeng nagkakandarapa sa kanila,lalo na kay Xander. Kasama na ko dun, yun nga lang invisible ako sa paningin niya.
Bago pa ko mag story telling dito, let me introduce myself;
I’m Yuki Saki, half Japanese, ¼ Korean at ¼ Pinay. Ang gulo no? kasi ang daddy ko ay pure Japanese while my mom is half- Korean and half-Pinay. I’m freshman student studying Fine Arts major in Fashion Designing. Ang itsura ko? Well, kamukha daw si mommy pero sa pagiging smart at stylist hinde. Ang mom ko ay isang famous designer ( internationally ha) at ahead sa fashion trends.
Maputi ako at 5’4 ang height. Hindi mataba, hindi din payat. Long hair na lagi kong tinatali. At naka-clear glass kaya napagkakamalan na genius ( pero hinde! )Sabi nila maganda ang mommy ko, pero bakit walang nagsasabi na maganda din ako eh kamukha ko naman si mom?
Baduy? Oo na, wala nga daw akong taste sa fashion.
Sabi nila ang weird ko daw mag-match ng kulay tulad ng neon green at gold ( ganda kaya )
Sa pag-match ng damit, out of this world daw ako mag terno ( UNIQUENESS ang tawag dun )
Bakit daw Fashion Designing pa ang kinuha ko, sana daw nag-Education nalang ako dahil kamukha ko si Miss Tapia.
YOU ARE READING
My Dreamboy, My Nightmare
RandomPinapangarap niya si Xander sa loob ng tatlong taon. He was her dreamboy, a fantasy. Parang lotto na hindi matamaan, isang ulap na hindi niya mahahawakan at isang game na kahit kelan alam niyang hindi siya mananalo. but, what if bigyan siya ng chanc...