“It’s not your fault,” automatic naman akong napalingon,
“Zeon,” pinahid ko yung luha ko. Nakakahiya naman kasi, baka sabihin niya iyakin ako.
“I can’t blame them kung parehas silang magkagusto sa’yo. You’re beautiful and full of charm, irresistible combination”
Super flattered naman ako………..kung totoo man ang iniisip niya. Pero, alam ko naman na ilusyon lang lahat sa’min ni Xander.
“Hindi ganun yun Zeon. W-wala naman talagang gusto si Xander sa’kin eh,”
“What do you mean?” tanong niya
Too late, nasabi ko ang agreement namin ni Xander. But, Zeon is Xander’s bestfriend and I thought na wala namang masama kung sasabihin ko ang totoo. I know we can trust Zeon just like the trust I have in Lee.
Biglang napa-smile si Zeon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako nagpapatawa, seryoso kaya ako.
Ay oo nga pala, kung totoo ang hinala ko sa kanila ni Xander. Maybe masaya si Zeon ngayon kasi nalaman niya na wala kaming relasyon ng secret lover niya. My gulay, homo yata talaga silang dalawa.
“A-ahm Zeon, promise hindi mo ipagsasabi yung secret agreement namin ni Xander ha. Kasi matinik daw na detective yung si granny. Hindi lang si Xander ang dead, pati ako,”
“ Sure! Basta huwag kang tatanggi kapag niyakag kitang lumabas,” siguro gusto niya ng ka-bonding na girl na mas makakaintindi sa pinagdaraanan niyang identity crisis. Wala naman sigurong masama kung magiging mag-BFF din kami.
“Okay, yun lang naman pala eh. Basta ba libre mo! Hehehe,” habang tumatagal mas nagiging palagay na ang loob ko sa kanya.
“Ofcourse, see you later,” tapos hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko. Medyo nagulat ako kasi si dad lang ang nakaka-kiss sa kin ng ganun. Pero naalala ko yung identity crisis na pinagdadaanan niya kaya for sure walang malisya yung ginawa niya. It’s just a friendly kiss.
After class, nagkita kami ni Lee sa cafeteria. Sobrang dami niyang kinuwento at lahat ng yun ay tungkol kay Speed. Inlove yata ang BFF ko. Nagkukunwari lang ng naiinis pero, feeling ko may halong kilig ang pagkukuwento niya. Paano na ang feelings niya kay kuya?
“Pooh,” paglingon namin si Speed pala. Tinawag niyang ‘Pooh’ si BFF.
“Anong Pooh pinagsasabi mo dyan?”
“You like Winnie the Pooh. It’s cute,” ahhhh gets ko na nakwento kasi ni Lee na ang naisuot niya ay yung Winnie the Pooh na pambahay niya sa kamamadali niya na matakpan yung sexy body niya.
“Ewan!” pulang-pula yung mukha ni Lee. Hehehe! Siguro naalala niya nanaman yung moment nilang dalawa sa kuwarto.
“Hi girls!” masiglang bati ni Sky na kasama si Xander,
Ok na ba sila? bati na ba sila?
“Yuki, sorry kanina ha,” sabi ni Max, may sugat siya sa lips.
Ibig sabihin nag-suntukan pa rin sila kanina after namin lumabas ni Zeon?
Si Xander naman walang galos sa mukha,
“Sweet, what do you want to eat?” SWEET??? Endearment ba niya yun sa’kin, hindi namin napag-usapan yun sa agreement eh,
“Ah, anything basta pasta and ice tea,” first time niya akong ililibre samantalahin na,
STAI LEGGENDO
My Dreamboy, My Nightmare
CasualePinapangarap niya si Xander sa loob ng tatlong taon. He was her dreamboy, a fantasy. Parang lotto na hindi matamaan, isang ulap na hindi niya mahahawakan at isang game na kahit kelan alam niyang hindi siya mananalo. but, what if bigyan siya ng chanc...