-apat-

46 1 1
                                    

Late ako ng ten n minutes sa unang klase ko……

Buti hindi ako pinagalitan ng professor ko. Mukhang good mood si sir.

“BFF, bakit late ka atsaka pawisan ka?” bulong ni Lee sa ‘kin,

“You wouldn’t believe but, niyakag ako ni pogi este ni Zeon the friend of Xander mamyang break natin,” magkaklase kami sa dalawang subjects, just like now.

“Zeon….yung ka-frat ni Xander na sobrang guwapo?” nanlaki ang mga mata niyang singkit, halatang hindi makapaniwala.

“Yes, the one and only!” proud ko namang sabi.

“Is there something you want to share with us Miss Saki?” sita ng prof ko. Shoot! Anlakas kasi ng boses ko,

“Ah, w-wala po s-sir,” sinenyasan ko nalang si Lee na maya nalang kami mag-usap at baka lalong mapanot ‘tong sir sa kunsimisyon.

Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay kong oras……

YES! breaktime nanamin J

Dumiretso kami ni BFF sa Brew Coffee Shop. Madami-dami na din ang mga students na nandun. Puro mga sosyal, natural mga anak-mayaman lang naman ang nakakapag-aral sa university na pagma-may-ari ng lolo ni Xander the Jerk!

“BFF, halata namang hindi ka excited no? kasi talagang mas nauna pa tayo sa kaniya eh,” umupo kami sa isang table, ay hindi pala sa chair na may table….hehehe,

“Hindi no, baka mas nauna lang natapos ang klase natin atsaka mas malapit kaya ang building natin dito compare sa kanila,” pero sinong lolokohin ko, kanina pa nga ako natatae sa sobrang excitement na nararamdaman ko.

Hanggang sa may biglang pumasok na anghel sa main door ng coffee shop…

Why are you so guwapo? Feeling ko nagde-day dreaming nanaman ako, habit ko na yata yun eh magmula ng makilala ko si Xander my labs…NO! Erase that…..He’s jerk, at ayaw ko na sa kanya.

Nag-smile siya ng makita niya ako and syempre I gave him my sweetest smile na nagpalabas ng dimples ko sa magkabilang labi. (kala niyo si Xander lang may dimples? Ako din no, mas cute pa)

Lumapit siya sa table…..pero yung sweetest smile ko biglang napalitan ng angry bird smile kasi nasa likuran pala niya si Xander together with their fratmen. At ayun may sinisigawan nanaman na kawawang babae. Tsk,tsk,tsk….

“Are you dumb? I told you not to come near me! You’re really fucking annoying!”

Seriously, ilang babae ba ang humahabol at nagmamakaawa sa kanya? Oo nga’t guwapo siya pero it doesn’t mean na dapat siyang sambahin ng mga babae.

Ouch! Parang ako din yata patay na patay nuon sa kanya. Pero, hindi naman ako nagmakaawa sa kanya no..(defensive mode)

Umalis na tumatakbo yung kawawang babae, napailing nalang ako sa nakita ko.

“What the hell is she doing here?!” ako naman ang sinigawan, batuhin ko to ng makapal kong libro eh,

“Dude, she’s my date ok,” cool na sagot ni Zeon….t-teka, d-date ba ang sabi niya?

“What? Are you fvcking crazy? You’re dating her? Are you really desperate? I can dial Margot for you if you want,” malapit ng buminggo sa’kin ‘to eh…..

“Z, she’s special to me ok. Give her some respect,” oh, I’m so touch, gusto ko siyang i-hug! Ayieee!

“Ugh! Idiots!” idiot your face!

My Dreamboy, My NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon