-walo-

40 0 0
                                        

Masaya akong pumasok sa school. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Nung una hindi ko pa alam kung bakit ganito ako. Pero sa bandang huli inamin ko rin na masaya ako dahil kahit paano close na kami ni Xander. Hindi man naging maganda ang first encounter namin, ngayon okay na kami.

Hindi ko alam na ang isang ka-perfect na tulad ni Xander ay may mga kahinaan at problema din. Akala ko nasa kanya na ang lahat. Maraming kalalakihan ang naghahangad sa posisyon niya, pero hindi nila alam na malungkot si Xander.

May biglang nag-message sa ‘kin, SMS: BFF, I can’t go to school. I’m grounded. Tell you tomorrow…..kung makakapasok ako. Si Lee ‘to, naconfiscate ni dad cp ko. Hiniram ko lang ‘to sa maid namin. Don’t text back!

Ano nanaman kaya ang ginawa ni Lee at na-grounded siya? May kalokohan din kasi sa katawan ‘tong babaeng ‘to.

“ Yuki!” napalingon ako,

“A-ah……Speed?” mukha siyang malungkot na ewan,

“Please tell your friend that I’m…….I’m s-so-sorry,” sabay talikod,

Sus, sorry lang hindi pa masabi. T-teka…..bakit siya nagso-sorry kay BFF? Anong ginawa niya kay Lee? At may kinalaman kaya yun sa pagka-grounded ni Lee?

After class, syempre wala akong kasama dahil grounded ang bestfriend ko. Dumiretso akong canteen para mag-snack. Ang haba ng pila, katamad!

Pero no choice ako kaya pumili pa rin kahit mahaba.

May kumalabit sa’kin. Paglingon ko yung kaklase kong makulit na ka-replika si Jose Rizal sa buhok. Nung tinanong ko kung bakit, ngumiti lang. adik!

Kinulbit ulit ako. Hay, sinisira niya talaga yung masayang umaga ko. Isa pang kulbit niya, sisigawan ko na talaga siya,

At hindi ako nagkamali, kinulbit nanaman niya ko,

“ Sasapakin na ki-!.........” inihanda ko na ang kamao ko na maglanding sa mukha niya….

“ Woaw, fierce,” sabay smile sa kin ni Zeon, ang pogi eh!

“A-akala ko kasi si Ignacio,” si Igancio yung makulit kong classmate. Nakita kong nasa dulo na ng pila si Ignacio, sumingit pala ang mga loko.

“Huwag mo kasing kinukulbit ang baby ko,” sabi naman ni Max na naka-pout pa. ang cute!

Hindi nila kasama si Speed. Si Max tahimik lang at nag-i-ipad. Si Xander nakatingin lang pero walang emosyon ang mukha niya. Hindi ko tuloy alam kung mag-smile ba ko sa kanya. Feeling ko kasi close na kami kahapon…..pero ngayon parang iba…..

Tumalikod ako sa kanila at nung malapit na ‘ko sa counter, nag-agawan pa ng pagbabayad si Zeon at Max sa inorder kong pagkain. Nakatingin tuloy sa’kin yung mga babae don. May pambayad naman ako ng pagkain ko, ewan ko sa dalawang gorgeous boys na’to at kailangang mag-unahan sa pagbabayad. Mukha ba kong namumulubi?

Sumunod sila sa’kin sa table. Katabi ko si Zeon at kaharap ko naman si Max. Si Sky sa tabi ni Zeon, at si Xander sa tabi ni Max.

Naiilang ako sa mga tingin ni Xeon, at agad namang napansin ni Sky na akala ko ay abala sa paglalaro ng ipad niya.

“ Dude, baka matunaw,” sabi ni Sky,

“ Alin ang matutunaw?” tanong ni Max kay Sky na nakatingin kay Xander.

“Yung sandwhich, tanga,” –Sky

“Hoy sinong tanga? Etong mukhang ‘to na nakakuha ng perfect score sa Calculus kanina? Asa ka boy!” tinuro pa ni Max ang mukha niya,

My Dreamboy, My NightmareWo Geschichten leben. Entdecke jetzt