-lima-

44 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng room ko.

Bihirang mangyari yun kaya napabangon ako kahit antok na antok pa ko. Napuyat lang naman ako sa kakaisip kay Xander este kay Zeon pala! Sorry po, tao lang nagkakamali. Hindi ko na pagpapantasyahan yung ‘jerk’ na  yun, nevah!

Nanghihinayang lang ako dahil sinayang ko ang ilang taon ko sa piling nya. Naks feeling may relasyon kami…hehehe. Sana mas maaga kong nakilala si Zeon, panigurado sa kanya ako maiinlove agad. Ayiee, inlove agad?

Pagbukas ko ng pinto bumalandra sa ‘kin ang sandamakmak na beki at mukhang mga model na babae. Malimit mga katulong lang ang nabubungaran ko sa umaga. Mga busy people kasi ang aking family.

Ano kaya ang meron ngayon? Siguro may aayusan si mommy na model o kaya may rampa sila ngayon.

“ Good mownin’ princess!” ay anak ng hudas na bakla! Jejemon talaga,

Ke-aga aga ginugulat ako ng Bekimon na’to. Siya ang secretary ni mommy. Kung tawagin ako princess, if I know deep inside panget na panget sa’kin ‘to. Kasi minsan narinig ko na sabi niya sa isang model na ibang-iba daw ako kay mommy, kesyo mukha daw akong lumang litrato na nabuhay at para daw akong si Betty La fea sa suot kong salamin. Tapos kapag kaharap ako ‘princess’ ang tawag sa’kin. Isang malaking plastic! Tanggalin ko balls nya eh….

“ Where’s mom? And what’s happening here?” masungit na tanong ko sa kanya. May pagkamaldita ako talaga kapag kinakailangan, ano akala niyo sa’kin sobrang bait?

“ Darling, don’t be so grumpy,” singit ni mommy, sayang hindi ko pa nasusungitan ng todo si Beki.

“Mom, there’s nothing good in the morning kung isang bekimon ang una kong makikita pagkagising ko. Kala ko nga binabangungot pa ko eh,”

“ Darling don’t be rude, come on the breakfast is ready,” kitang kita ko ang panlalaki ng mata ni Beki. Nashock siguro sa sinabi ko. Hindi naman siya makapalag sa’kin lalo na at nandito si mommy, sipsip ebak kasi….wahahaha!

Habang kumakain kami ni mommy sinabi niya na mamaya na daw ang party dun sa madam…..madam, ewan. Hindi naman first time na paayusan ako ni mommy, kasi before isinama na niya ko sa party na pinuntahan niya. Actually okay lang naman sa ‘kin na paayusan niya ko pero, ang ayoko lang talaga ay yung kino-compare ako ng mga tao kay mommy. Alam ko naman na hindi ko siya mapapantayan. But at the very least they should respect my own identity. Kaya nga nag-fine arts ako for me to prove that I can make my own name in the same field that my mom has now.

“ Darling, I brought some of my brilliant and expert fashion designers and make-up artist para mapaayusan ka,”

“ Ok, I get it. An extreme make-over for me. Ganun ba kalala ang itsura ko mommy para dalin mo dito yung sangkaterba na professional artists mo?” may halong inis kong sabi, hindi ko kasi mapigilan eh,

“ It’s not what you think darling. Listen, you’re so beautiful you just have to be confident. Trust and believe mom because mother knows best,” kinindatan pa ko, alam niya naman kasing hindi ko kayang magalit sa kanya. I really adore her,

“ Eh sino ba kasi yung Madam nay un at sobrang VIP niya para paghandaaan pa natin?”

“You’ll meet them later,”

Them? Eh di madami pala sila. Malamang naman siguro na madami kasi party yung pupuntahan di ba, alangan namang apat lang sila na magpaparty ang weird naman yata nun,

After the struggles and hardships ( hahaha ) ng mga designers at make-up artistseto ang resulta…..

“ Sino ang babaeng ‘to!” sigaw ko dun sa mga nag-ayos sa’kin, nakaharap ako sa full-body mirror at nagulat ako nung tumingin ako dun,

My Dreamboy, My NightmareWhere stories live. Discover now