Dedicated to my idol ate Denny. Hello ate Denny (kaway kaway)!!!
(Fey's Pov)
''Uy Fey, tignan mo o, may mascot.'' bulong sakin ng bestfriend kong si Desire. Andito kasi kami sa mall, syempre ano maasahan mo dito. May mga nakakatakot na mascot na umaaligid sa ligid ligid dyan. Brr.
Tinulak ko naman sya ng pabiro, ''Wag ka nga Des! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo!'' opo, takot ako sa mascot.
Ewan ko ba, ang weird ba? Kasi 18 na ako tapos takot ako sa mascot, tapos cute pa daw yun. Wahhh!! Ano bang nakakatuwa sakanila?!
Eh ang lalaki ng ngipin, mabalahibo, ang lakilaki! Lahat ng nakakadiring nilalang nasakanila na. Lalo na nung minsan? Nag-gogrocery ako, tapos may ineendorse sila na 'Bygon' ata? Tapos inakap ako ng ipis, takbo ko talaga nun abot paranaque!
''Bakit ka ba kasi takot sa mascot? May past ka ba?'' tanong sakin ni Des nung nakapasok na kami sa department store.
''Wala namna, it's just, nakakadiri sila? Basta may own reason ako.'' sabi ko sakanya ng walang tingin, sa dress lang ako nakatingin. Aba, baka mabuko pa ako nito kung bakit? Pero bakit nga ba? Kasi kadiri? Hindi naman ata reasonable yun!
Mayamaya may lumapit saamin, lalaki sya sales boy ata. ''May I help you mam?''
Ang gwapo naman na sales boy nito, parang sya yung model ng bench! Heheheh, hinayhinay lang.
''May iba ba kayong design nito?'' sabi ni Des, mahilig kasi magshopping yan este kami. Kaya araw-araw sa mall ang drama namin, pero hindi lang naman puro shopping alam namin, pati rin naman magaral!
Nung nakalabas na kami pareho kaming may dala na 4 na paper bag, pero hindi naman yung kaninang tinitignan namin na dress ah? T-shirt lang kami, kung meron mang dress minsan lang kami bumili nun.
2-3 hours kami na naglalakad at nags-shopping, kaya naman napagisipan namin na kumain muna.
''Uy, Fey! Dun tayo sa bagong restaurant na sinasab ni Dash, malapit sa may kinakainan natin palagi yun eh..''
''Tara!'' tas' hinatak ko na sya, memorize ko na kasi yung pagpunta dun, kahit nga nakapikit pa ako kaya kong pumunta dun eh.
***
''Wahh!! Des, wag na lang, sa iba na lang.'' pagmamakaawa ko, paano ba naman kasi, diba nga bagong bukas yung restaurant? Ayun may mascot pa, nakakadiri kasi yung itsura pa ng mascot, kasi yung mascot ang itsura ay chips na may bigote at nakasumbrero ng pang mexico (taccos kasi yung kadalasang ihain dito, especialty kumbaga).
''Ano ka ba?! Harapin ang fears, harapin ang fears!'' may sayaw pa sya nun habang sinasabi nya yan! Kembot moves na lang ang itawag natin. =____=
''Pero...'' aangal pa sana ako, kaya lang nagwawala na talaga yung alaga sa tyan ko (hoy! Hindi ako buntis ah!)
''HAHAHAHAHAHAHA!!!!!! Tara na nga!! Nagugutom na tayo eh!'' nung papasok na kami sa loob, tumigil naman sa pagsayaw yung mascot, tapos biglang tumingin samin.
Wahhh!! Espirito santos, lumayo kang mascot ka!!
Ay, wala pa ba? Sorry namna masyadong OA.
''Uy, nakatingin sayo yung mascot. Hala ka!'' bulong sakin ni Des, ako namna parang napako sa kinatatayuan at unti unti kong pinapanood yung mascot na papalapit sakin at inaabutan ako ng flyers.
BINABASA MO ANG
Takot ako sa mascot <3 (short story)
Teen FictionNakakita ka na ba ng babae na takot sa mascot? Kung hindi pa, makikilala mo dito si Fey. Si Fey ay may MALAKING TAKOT sa.....mascot. Opo sa mascot sya takot, weird no? =___='' Pero nawala laat ng takot nya dahil sa mascot/sales boy/schoolmate/heart...