-Narrator's Point of View-
FLASHBACK..
May mag boyfriend at mag girlfriend na magkatabi sa likod ng taxi, naglalambingan sila. ang sweet nila, nakahiga sa balikat ng lalaki ang dalaga habang magkahawak ang kamay nila.
"I love you so much, hon!" banggit ng lalaki sabay halik sa noo.
"I love you more!" Sagot ng babae.
Sa hindi sinasadyang pangyayari, binangga sila ng isang malaking truck mula sa gilid. kaya tumagild ang taxi.
nabasag ang salamin at yun ang tumusok sa likuran ng babae, nawalan agad siya ng hininga dahil sa lalim ng bubog na pumasok.
pilit ini aabot ng lalake yung kamay niya sa babae, pero wala na itong buhay. kaya napa iyak siya at wala nang nagawa.
Isinugod sila sa Hospital, pero sa kasamaang palad, DEAD on Arrival ang babae.
Present..
-Kimmy's POV-
Naglilipat ako ngayon sa bago kong condo malapit sa La Salle, dahil doon din ako mag aaral. 2nd year college na ako sa pasukan.
Kasama ko sila mama at papa, dahil tinutulungan nila akong maglipat.
Medyo maingay kami, pero okay lang.
Biglang may nagbukas ng pinto, yung kaharap kong unit.
Nagulat ako..
"Pwede po bang, wag naman kayong masyadong maingay? nakakairita kasi e! salamat!" sabay ibinagsak ang pinto.
"Nako anak, ang sama naman ng tao na yon!"
"Hayaan niyo na po yun ma, baka po problemado lang yun!"
Gwapo sana, kaso ang sungit! may regla siguro yun! hahah. joke lang. :)
Ayyy. Ako nga pala si Kimberly George Gantuangco Reyes, ang friendly at positive thinker. galing ako sa FEU, Dun ako unang nag college, Fine Arts kasi ang course ko, pinalipat ako ng tita ko sa La Salle, kaya ayun, dun na ko this coming school year.
Ako kasi yung tipo ng babae, na puro positive, ayoko kasi ng nega, pangit yun. badudels.
Kinagabihan..
Ako na lang mag isa sa condo, dahil umuwi na sila mama at papa sa bahay, pero kada oras tumatawag sila sakin, parang di rin tuloy ako umalis sa bahay.
Nag aayos na ako ng mga gamit ko, may gugupitin sana ako, pero hindi ko mahanap yung gunting, hayyy ano ba yan! makahiram na nga lang jan sa labas.
Lumabas ako ng unit ko, may nakasalubong ako na matandang babae may mga bitbit siya kaya tinulungan ko siya.
"Hello po!"
"Hello din, bago ka ba dito hija?"
"Ahhh, opo, kakalipat ko lang po kanina! Tulungan ko na po kayo!"
"Ganon ba? Sige, salamat hija!"
"Your welcome po!"
Naglakad na kami, dahil ihahatid ko pa siya sa unit niya,
"Alam mo hija, ang ganda mong bata! Ang swerte siguro ng boyfriend mo sayo!"
Inayos ko yung bangs ko,
"Wala po akong boyfriend e!"
"Mahahanap mo rin siya!"
Dumating na kami sa unit niya, may kinukuha siya sa bulsa niya. May kinuha siyang relo, at iniabot niya sakin.
"Ah, Lola, ano po ito?"
"Sayo na yan hija, isa yang relo, relo na aandar lamang oras kapag nahanap mo na ang lalaki para sayo!"
"Nako, okay lang po, salamat na lang po!" Ibinabalik ko sa matanda yung relo.
"Sayo na yan hija! Ingatan mo yan ha!"
Pumasok na siya sa unit niya.
Ayy, oo nga pala, nakalimutan ko ng humiram ng gunting, katukin ko kaya, wag na lang, nakakahiya.
Naglakad na ako pabalik sa unit ko, napatingin ako sa pinto ng katapat ko.
Kinatok ko ito, at dali dali namang lumabas ang lalaki,
"Anong kailangan mo?"
"Pwede ba akong makahiram ng gunting? "
Dali dali siyang kumuha ng gunting at ini abot niya sa akin..
"Sala...-"
Bigla niya akong binagsakan ng pinto,
Kaya sumigaw na lang ako,
"Salamat!"
Pumasok na ako sa unit ko.
-Jeron's POV.-
Nagpunas na ako ng buhok ko dahil kakatapos ko lang maligo. Ang weird talaga nung babae na yun, palaging maingay!
Humiga na ako sa kama ko, napatingin ako sa side table ko, nakita ko yung picture namin ni Bea. Kinuha ko ito, at naalala ko na naman ang mga nangyari! -.-
-Narrator's POV.-
Si Jeron Alvin Uy Teng ang pinaka sikat na Basketball player sa La Salle, pero hindi siya marunong ngumiti at tumawa, palagi siyang seryoso, hindi siya nagpapakita ng ganon karaming emosyon. Kilala rin siya bilang kapatid ni Jeric Teng, ang sikat na Basketball player sa UST (University of Santo Tomas) at anak din siya ng Veteran PBA Player na si Alvin Teng.
Nasa London ang parents niya, kaya siya lang mag isa, nasa London din ang bunso niyang kapatid na si Tiffany, dahil pinapagamot siya, meron kasi siyang Leukemia. Ang ate niya ay sila Alyssa Teng, ang panganay, at si Almira Teng, ang pangatlo, sumunod kay Jeric.
(N/A: Hi Guys! Si Tiffany ay isang character lang na idinagdag ko, hindi po talaga siya sister ni Jeron in Real Life, at ang parents niya ay nandito rin sa Philipines)
--------------> NEXT CHAPTER <3
BINABASA MO ANG
When King Archer (Jeron Teng) meets Miss Hyper!
ФанфикPano kung mag-krus ang landas ng Masungit at Self-Centered na KING ARCHER na si Jeron Teng at ang Miss Hyper at Madaldal na si Kim? Ano ang mangyayari? At dumagdag pa ang MR. ROMANTIKONG si Thomas Torres. May chance kaya na mapansin at ma-IN LOVE...