Chapter 6: Hello Mr. Great Pretender ~

881 10 0
                                    

-Jeron's POV-

Kaya ayokong namimili, may mga tao talagang dumudumog sakin! Okay naman ako sa ganon, pero kasi minsan, nawawalan na ako ng time na yung pang sakin lang? Hayyy! -.-

Habang may mga nagpipicture ay nakita ko yung babaeng laging hyper, si?? Ewan! Basta siya na yun! Papa alis na rin siya. Siya lang ang paraan ko para maka alis dito!

Kaya sumigaw ako!

"BABE! WAIT UP!"

Hindi niya ako pinansin..

"Excuse me Girls, may hinahabol kasi ako! Sige! Bye!

Nagpa alam na ako sa mga fans ko.

Tumakbo papalapit dun kay Ms. Hyper!

"BABE! Wait lang!"

Nilapitan ko siya at inakbayan.

Gulat na gulat siya sa ginawa ko,

"Hoy, ano yang ginagawa mo? Simpleng chan...- Kim

Tinakpan ko ang bibig niya at bumulong ako sa kanya,

"Wag ka na lang magsalita jan!"

Hindi siya pumalag at nag lakad na kami palayo.

-Fan's POV-

"OMG! May gilfriend pala si Jeron? Pero paano?" Fan #1

"Grabe naman! Di ako na inform!" Fan #2

"Akala ko, meant to be kami, pero hindi pala! Huhuhu!" Fan #3 Napaiyak ako dahil sa sobrang disappointment.

Jeroooooon! Why? Di mo man lang kami sinabihan! It hurts you know :(

-Kim's POV-

Nakalayo na kami sa mga fans niya, dali dali kong inalis yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko at lumayo ako sa kanya,

"Hoy! Anong Babe"

"Wag kang maingay! Baka may maka rinig sayo!" Pero seryoso pa rin yung mukha niya, ano ba 'tong tao na 'to, wala man lang emosyon sa mukha.

"Eh panong hindi ako magsasalita e, sabihin mo ba naman na....-"

Tinakpan na naman niya yung bibig ko, at umakbay siya.

Dinala na niya ako sa Cashier, at nagbayad na siya at umalis na siya.

Tignan mo 'tong tao na 'to, di man lang marunong magpa salamat! Grabe talaga ahh! -.-

Wala na rin akong nagawa kundi magbayad na lang, dahil nilayasan na ako nung lalaki na yun!

Kinagabihan..

Naglilinis ako ng unit ko, di ko pa rin makalimutan yung ginawa sakin nung Jeron Teng na yun! Kaasar! -.-"

*DING DONG*

"Hayy nako! Sino naman kaya ang nag-dorbell na yun? Wish ko lang, sana, hindi siya yun!"

Inayos ko yung bangs ko, sabay lapit sa pinto..

Pag-bukas ko sa pinto..

Si...

---------> NEXT CHAPTER <3

When King Archer (Jeron Teng) meets Miss Hyper!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon