"So? Anyare?"
He tossed the phone on the table as soon as he reached me.
Nandito ulit kami ngayon sa coffee shop na tambayan namin.
Mukha siyang disappointed. Nasasaktan, pero pinipilit niyang maging masaya.
"She said she can't because her boyfriend is coming."
"What? Meron siyang boyfriend? Tapos she's going out with you?"
"Yeah. Hindi naman ganoon kaseryoso 'yung sa amin eh."
Hindi ko na gustong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng kaibigan ko. Alam kong nasasaktan 'yan pero hindi niya gustong ipakita sa akin.
Hindi ko rin naman siya gustong e'comfort. I hate the bitch and he knows it.
"Bf, alis na ako because, I have a date."
"What?"
Bago siya makapagsalita, lumabas na ako at pumasok sa isang BMW Z3 na sasakyan.
Ihahatid na sana ako ni Vince, nang makita kong pumasok si Jandall at ang isang tall, brown haired women sa resto na kinalalabasan lang namin.
Nage'expect na ako ng ganito, pero agad agad? Wala pa ngang isang araw matapos ang usapan nila ni Kryzelle, nakapaghanap na agad siya ng kapalit?
Haaay! Hindi na talaga magbabago ang casanova kong bestfriend.
"We should go.", tawag sa akin ni Vince.
"Yeah"
Papunta kami sa park, kasi inirequest ko ito sa kanya. Nagtanong kaya siya kung saan ko gustong pumanta.
As usual, maraming tao ang nandito. Pamilya, magkasintahan, barkada, at kung sinu-sino pang mga tao.
Isa lang ang rason kung bakit gusto kong dito ako dalhin ni Vince, gusto kong makasinghot ng preskong hangin.
Pinapakalma kasi nito ang systema ko. Mas maganda sana kung makikita ang mga bituin, ngunit dahil sa city lights, hindi siya masyadong nakikita.
"Maganda dito noh? Dito ka ba niya dinadala?"
"Ahh, noon."
Siguro napasin niyang hindi ko gustong pag'usapan ang tungkol kay Jandall ngayon, kaya hindi nalang siya nagtanong ulit.
Ang ingay ng mga bata na naglalaro. Ang mga chismis na pina-uusapan ng mga kabataan sa isang bench, at ang tunog ng mga tawanan.
Lahat ng ito, ang ingay na ito, ay nakakatulong para pansamantalang makalimutan ko ang mga nangyayari.
Two weeks from now, matatanggap na namin ang diploma namin. At ako naman, pupunta na ako ng States.
Sabi ko nga diba, andun ang pamilya ko. Hinihintay na nila ako.
"Just tell me if you're ready to go home. I'll be in the car.", atsaka siya umalis.
Kinabukasan, nakita ko nalang may kayakap na babae si Jandall sa hallway papuntang deans office.
Bago paman niya ako mapansin, umlis nalang muna ako.
Ayoko na munang magpakita sa kanya. Busy pa kasi siya masyado, at pati rin naman ako.
Ewan ko nga kung bakit ko siya iniiwasan. Dahil ba noon sa birthday? Pero hindi eh. Chill lang naman ako na hindi siya ang naghatid sa akin pauwi.
Dahil ba kay Kryzelle? Well, partly. I hate her. Pero bakit ko naman iiwasan si Jandall kung dahil lang dun? At diba nga, hindi na sila lumalabas.
BINABASA MO ANG
My Casanova Bestfriend
RomanceTwo best friends whose been in love with each other and is bound to know if they will remain friends or more.