sorry for the late update. Something came up kasi :D
Anyway, I hope you enooy this update.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Jandall?"
Ngumiti siya na para bang nahihiya.
"Sinong andiya---?"
Bago pa matapos magsalita si Vince, nakita na niya kung sino ang taong umistorbo sa laro namin.
"Anong ginagawa niya rito?" pagalit na tanong ni Vince. Pero bago pa makasagot si Vince sa tanong niya, sinuntok na niya ito.
Napahiga si Vince at sinugod naman agad ito ni Jandall. Hindi man lang ito nagkaroon ng tsansang makatayo.
"Jandall! Stop it." ginawa ko silang paghiwalayin pero sobrang lakas ni Jandall, hindi ko siya mahila papalayo kay Vince.
Tanga lang ang peg mo Camille. Natural hindi mo 'yan mahihihila, ang bigat kaya niyan. Lalaki, edi obvious, stronglalu si papa.
"JANDALL! I SAID STOP IT!" mariin kong sigaw, "Pumunta ka lang ba sa pamamahay ko para makipag away?"
Hindi siya sumagot. Pinulot niya lang ang white rose na kanina lang ay sobra sobrang maganda. Pero ngayon ay sirang sira na.
"Pumunta ako rito para makipagbati. But it seemed I was the only one who was so worried about this goddamn friendship!"
Naglakad siya papalabas ng bahay papuntang sasakyan niya. Sinundan ko siya.
"Gago ka Jandall! Hindi mo lang alam kung gaano kaimportante sa akin ang pagkakaibigan nating ito! Hindi mo lang alam kung gaano ka kaimportante sa buhay ko!
At hindi mo lang alam, mahal na mahal kita! Noon paman, hanggang ngayon!"
Tumigil siya sa paglalakad. Akala ko mawawala na siya sa akin.
Akala ko iiwan niya na ako. Akala ko ----
"I'm sorry."
Oo, akala ko. Akala ko, mahal niya rin ako.
BINABASA MO ANG
My Casanova Bestfriend
RomanceTwo best friends whose been in love with each other and is bound to know if they will remain friends or more.