A/N:
Eto na ang update nyo po :D
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Girl, narinig mo ba? Nag away daw ang magbestfriend."
"Ganoon ba? Bakit daw?"
"Kasi, sabi daw ni Jandall katulad ng ibang babae si Camille."
"Ay? Ganoon ba? Sayang naman. Inspirasyon ko pa naman siya."
Ang bilis nga namang kumalat ng chismis ano? Ang mas nakakinis, mali ang lumalabas sa mga bibig ng mga ulol kong kabaro na'to.
Kahit kailan talaga, wala kang tamang impormasyon na makukuha sa isang chismis.
"Oh tapos?" nakisali narin ako sa chismisan nila. Tiningnan nila kung sino ang nagsalita, at nagulat sila na ang ichinichismis nilang tao ang nagtatanong sa kanila.
"S-sorry po.", at umalis na sila.
*sigh*
Hindi naman talaga ako ganito. Minsan, oo minsan naman hindi. Kaya ang ibang babae, natatakot sa akin. 'Yung iba, hindi, kasi mga natural maldita sila eh.
Ako naman, hindi. Natutunan ko lang na lumaban kasi na'realize kong hindi ako dapat nag dedepend kay Jandall. Alam kong hindi siya palaging darating sa tuwing kakailanganin ko siya.
Papunta na ako sa parking lot kung saan naghihintay si Vince.
Nag offer kasi siya kanina na ihahatid niya nalang ako. Si Jandall kasi dapat ang mag hahatid sa akin ngayon. One week nalang kasi, gagraduate na kami.
Plano sana namin, we'll spend more time with each other. Sinabi ko na kasi sa kanya ang plano kong doon nalang sa States maghahanap ng trabaho.
Pero heto, nagkaroon kami ng maliit na misunderstanding.
"Camille!", narinig kong tawag sa akin ng hindi ko kilalang boses.
"Ah, oh?"
"Kanina kapa hinahanap ni Jandall eh. Humingi pa siya ng tulong ng buong studyanteng andito sa school ngyon para hanapin ka."
"Nasaan ba siya?"
"Sa covered court."
Nakita ko si Vince nakatayo sa labas ng sasakyan niya, naghihintay sa akin.
"Alam mo bang hinahanap ka ng buong university?"
"Hmm, hindi?"
"Hahahahaha! Ang baliw mong bestfriend, nag post sa facebook na tulungan siyang hanapin ka at papuntahin sa coveredcourt.
Kung hindi mo raw gustong sumama, kaladkarin ka daw papunta dun."
"Epal talaga. Hayaan mo na nga lang siya. Alis na tayo bago pa niya ako makita."
"Hmmmm," hindi siya kumibo. Parang nag dadalawang isip siyang ihatid ako. Nakikita ko sa mukha niyang prang gusto niya akong kaladkarin papunta sa kung nasaang lupalop man ngayon si Jandall.
"Do you really want to go home?" tanong niya.
Gusto ko naman siyang puntahan eh. Para makapag ayos na kami. Pero hindi pa ako masyadong handa para harapin siya ngayon.
Para ikumpara niya ako sa mga babae niya ay sobra-sobra na.
"Okay, fine. I'll drive you home." ang nasabi na lamang ni Vince.
Feel at home sa bahay ko si Vince. Ilang beses na rin siyang nakapunta dito.
At kadalasan ay kapag hinahatid niya ako mula sa mga lakad namin.
BINABASA MO ANG
My Casanova Bestfriend
RomanceTwo best friends whose been in love with each other and is bound to know if they will remain friends or more.