Chapter 9

9 1 2
                                    

Eto na po yung UD. Sorry medyo natagalan! Umuwi ako sa probinsya tapos trip kong mag relax talaga.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Hija! Congratulations." bati sa akin ni Tita Merideth.

A week after that incident, palagi ko nang iniiwasan si Jandall, at tingin ko, pati siya, iniiwasan ako.

Akala ko, hindi ko kakayanin. Akala ko, sa isang week na 'yun, mamamatay na ako kasi ang pinkaimportanteng tao sa buhay ko ay tinalikuran ako.

Pero Vince was there and helped me up. Since malapit na ang graduation, wala kaming pasok. Lahat ng free time ko, napupunta sa pagmumukmok.

"Let's have a picture with Jandall hija."

Natigilan ako. Ito ang talagang iniiwasan ko eh. Pero hindi ko kayang tanggihan ang mga taong tinuring ko naring ina at ama ko.

Bago pa ako makasagot, hinila na nila ako papunta kay Jandall.

Ngunit humarang si Vince.

"Hey babe." he leaned down and brushed his lips on my cheek.

Nagulat ako sa ginawa niya at naramdaman ko ang mga tingin ng mga tao sa akin.

They must still be thinking about the incident about me and Jandall.

"Hello Tita. I want to borrow Camille for a sec."

Pero bago pa makapagsalita ang ina ni Jandall, nakaalis na kami.

"Thank you."

"I knew that was going to happen. You're not ready yet."

Pagtingin ko sa direksyon nina Jandall, nakita kong nakatititig si Jandall sa direksyon namin.

Sinabi siguro ni tita ang nangyaring insidente ngayon lang.

"Alam ko rin namang mangyayari ito eh. Pero kailangan ko maging malakas. Magkikita at magkikita parin kami sa susunod na mga araw, buwan o taon at kailangan ko siyang harapin na para bang walang nangyari."

"Fine, I'll bring you there."

Hinatid niya ako kina Jandall at nagpaalam siya.

Nagpakuha kami ng picture nina Tita Merideth, Tito Josh and Jandall.

Nagpakuha rin ng picture ang mama ni Jandall ng picture naming dalawa.

My parents were also there so, siguro, naiimagine niyo na kung gaano kalakas ang sigawan nina Tita nang magkita sila.

And since nagkaroon ng reunion ang family namin, they decided we eat together and celebrate.

Nagpunta kami sa resto nina Jandall kung saan naka reserve ang whole place para sa party na ito.

Only the closest people are here, which means, it's just the Twain family, and their extended family, and the Chase family.

Wala akong gana masyado, pero hindi ko gustong ipakita sa kanilang hindi ako natutuwa na magkasama ang mga pamilya namin.

Katangahan ko naman ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon.

"Want to go somewhere?" a hand offered. And when I saw the owner of that hand, I wanted to cry.

Nasa rooftop kami kung saan mukha rin itong garden. Ito ang pinakapaboritong lugar ni Jandall.

Dito kami paminsan minsan tumatambay kapag gusto naming lumayo sa reyalidad at pasukin ang sarili naming mundo.

Isa ito sa mga paborito kong lugar sa mundo.

"I-" pagsisimula niya, "I'm sorry about what happened last time and I'm sorry I was being a jerk. Gusto kong sabihin sa'yo na iba ka sa mga babae ko.

At kahit kailan, hindi ka maikukumpara sa mga babaeng 'yun kasi perpekto kana. Masaya ako na may kaibigan akong katulad mo. Masaya ako kasi nakilala kita.

At masaya ako sa tuwing kasama kita." tumigil siya sandali. May kinuha sa bulsa niya na isang blue box. "Bf, kahit pa talikuran ako ng lahat ng babae sa mundo, kung ikaw andiyan parin nakaharap sa akin,

okay na ako." at ibinigay niya ang box sa akin.

Pagbukas ko, nakita ko ang isang necklace na may pendant na heart. Sa harap ng heart, andun ang 'Bf' na endearment namin, at sa likod naman,

nakita ko ang pangalan niya at pangalan ko.

Lookong at this amazing gift made me cry. Kasi akala ko, kahit kailan, hindi na kami magkakaayos.

Lumapit siya at niyakap ako. Umiiyak lang ako sa dibdib niya.

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

My Casanova BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon