Anria's POV.
"Sino mauuna pumasok?" Tanong ni Franzel.
"Kayo bahala, basta pag may isa sainyong pumasok, susunod na lang ako." Sagot ko naman.
"Ay basta ako, pag nakapasok na kayong lahat, tsaka lang ako papasok." Sagot naman ni Era.
"Pumasok na kaya kayo, lalo lang tayong male-late kapag nag-stay tayo dito sa labas" sabi ni ate Jen. Kanina pa talaga kami dito sa labas nang room, ayaw pa namin pumasok dahil for sure masisigawan nanaman kami ni Mrs. Velvez, terror pa naman yun.
"Eh kung ikaw kaya mauna, para sumunod kami." Pambabara sa kanya ni Franzel.
"Wag kaya kayong maingay, baka marinig tayo." Saway ko sa kanila.
Tsk. Kung malakas lang loob ko, kanina pa ako pumasok, kaya lang hindi. Ayaw ko rin kaya mabungangaan noh.
Maya maya pa, umupo bigla si Kirsten sa sahig at kumuha nang notebook.
"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko.
"Kakainin ko!" Saad niya habang nakataas nanaman ang mga kilay
Aba! Di ako papahuli, tinarayan ko din. Tsk, di ako papatalo noh. "Ang shunga mo naman kasi eh, syempre magsusulat ako." Ngayon maayos na boses niya, hahaha, alam niya kasi na pag nagaway kami, next year na kami magkakabati. At alam kong ayaw niya nun."Tangek! Paano mo masusulat yung nasa whiteboard? Eh nandito ka sa labas." Singit naman ni Franzel.
"Tangek ka rin, magte-take note ako. For sure sa lakas nang boses ni Mrs. Velvez pag nag-discuss, rinig yun hanggang dito." Tama nga naman siya.
"Ah ganon?" Nagulat kami kasi nasa harap na namin si Mrs. Velvez. Agad na napatayo si Kirsten sa kanyang kinauupuan.
"Hi Mam" bati ni Kirs.
"Hi Mam, good day po." Bati ko.
"Good Morning Mrs. Velvez" bati naman nila.
"WHAT IS GOOD IN THE MORNING?" See? Terror talaga siya. Sinigawan kami agad.
"Your beautiful face makes the morning good, mam." Pang-uuto ni Yazi. Please lang sana maniwala siya sa kalokohan ni Yazi.
"Oh really?" Mas lalo pang nanlaki ang mga mata niyang malaki na talaga, feeling ko anytime, luluwa na ang mata niya. Sana lang talaga maniwala siya sa sinabi ni Yazi "Di niyo ako mauuto." Ay nubayern. "GET INSIDE THE ROOM" dali-dali kaming pumasok sa room. Lagot, mama-machine gun nanaman kami gamit ang kanyang bunganga. Alam na namin ang gagawin pagpasok, kaya tumayo na kami sa harap nang classroom, nasanay na rin kami dito. Daily routine na ata namin 'to eh.
"6 naughty girls are in my front right now...... AGAIN." Naughty talaga? Di naman masyado eh.
"Brivens, Trinidad, Pascua, Gomez, Chua, and Suarez." Tawag niya sa amin habang isa isang tinuturo. "Hindi ba kayo nagsasawang ma-late? Ganyan ba kayo katagal kumain? 30 minutes ang recess niyo, di pa ba sapat yon? Hindi ba kayo nahihiya na halos araw-araw nalang nasa harap kayo nang mga kaklase niyo?" Sunod sunod niyang sabi. "Milagro nalang minsan pag maaga kayo nakakapasok sa klase ko. Sawa na ako magbigay nang detention slip sa inyong anim, kayo na nga ata ang nakakaubos nun eh. Gusto niyo bang ma-guidance office nalang?"
"No mam!" Sabay sabay naming sagot. Arggg, ba't ba kasi ang bagal naming mag-recess.
"Oh! Ayaw niyo naman pala eh. Why are you always late on my class? Di naman kayo ganyan sa ibang subject. O sinasadya niyo lang talaga na inisin ako?"
"No mam." Sabay sabay ulit naming sagot, at para kaming tanga dahil sabay sabay din kaming umiiling.
"Three months nalang mage-end na ang class niyo. Please tumino naman kayo, Seniors na kayo next school year, For God's sake!"
BINABASA MO ANG
Beloved Man
Novela JuvenilFall in Iove, To the wrong Man At the wrong PLACE In the wrong SITUATION With unexpected ENDING.