Chapter 5- We Meet Again

30 0 1
                                    

Lumabas na ako nang music room at dumiretso sa court, nagbabaka-sakaling maabutan ko pa si Franzel. Gusto ko kasing malaman kung ano yung dahilan ni Era, biruin mo nga naman sa isang araw may dalawang pusong nasaktan. Si Era at si Kirs.

Pagdating ko sa court, tapos na yung practice pero may iilang tao pa din naman. Nakita ko si Vince kaya pinuntahan ko siya.

"Vince pwede magtanong?"

"Kung tungkol yan sa aming dalawa ni Era, bawal." Supladong sagot niya habang inaayos yung bag.

"Tsk. Tungkol sana dun eh." Sinara niya na ang bag niya at tinitigan ako. "Pero ayaw mo naman pag-usapan yun kaya iba nalang. Si Terrence nga pala tska si Franzel, nakita mo?"

"Oo. Pero kanina pa sila umalis." Cold na sagot niya habang nakatitig parin sa akin. Ramdam ko na ayaw niya akong kausap kaya tumango na lang ako pagkatapos nun umalis na siya.

Naninibago ako sa ugali ni Vince, hindi ako sanay. Sa pagkakaalam ko makulit yan eh tapos ngayon suplado na, psh.

Uuwi na nga lang ako. Palabas na sana ako sa court nang may sumigaw nang pangalan ko nang pagkalakas lakas kaya napahinto ako. Aish! That voice.... Its familliar, very familliar. Maya maya naramdaman ko nalang na naka backhug na siya sa akin. Tsk kalalaking tao kalandi landi.

"Andro!" Masungit kong sabi.

"I miss yah baby." Oh diba landi talaga. Miss niya daw ako, eh halos araw araw ko nakikita ang pagmumukha niya.

"Bumitaw ka nga, nakakahiya."

"Ayaw ko, namiss kita eh."

"Miss miss-in mo mukha mo! Pag di ka pa bumitaw diyan maba-back punch kita."

"Ay ang sama nitong babaitang to." At tska ako binitawan. Buti naman.

"Sorry po kuya, alam mo namang hindi ko tototohanin yun eh, nagbabanta lang po." Pasweet kong sabi at tska tumawa na siyang kinaiinis niya. Ayaw niya kasing tinatawag ko siya na kuya.

"Ako kaya kong totohanin yun, marunong akong manapak, gusto mo sample?" Iritang saad niya, tumawa nalang ako.

"As if naman kaya mo akong sapakin. Ha.ha.ha takot mo lang."

He just heaved a sigh. "Kulit mo.... Nga pala anong ginagawa mo dito? Sinusundo mo ba ako? Aaaww ang sweet naman nang Anria ko." Yayakapin niya sana ulit ako pero umiwas ako kaya ayun, hangin ang nayakap niya, hahaha. Muntanga tuloy.

"Ang sama mo talaga."

"Unti lang." Pagbibiro ko. "Pupuntahan ko sana si Zel dito kaya lang umalis na daw sila sabi ni Vince."

"Ahh... Wait anong sabi mo?" Gulat niyang tanong, bingi ba 'to, ang linaw nang sinabi ko eh. "Nakausap mo si Vince?" Tumango lang ako. "Tsk, buti ka pa." May panghihinayang niyang sabi.

"Bakit may problema ba?... Ay hala, wait... Teka.." Tinitigan ko siya nang mabuti at tska malokong nginitian. "Di ka niya pinapansin noh! Siguro may gusto ka sa kanya." Bigla naman nanlaki ang mata niya. "Umamin ka nga Andro, bakla ka noh? Pwede mo namang sabihin sa aki--"

"Stop Anria, pinagsasabi mo." Nagtatakang tanong niya.

"Sus, kunwari ka pa eh. Alam mo namang mapagkakatiwalaan mo ako eh, kay uma----"

"Ano ba Ria. Magtigil ka nga!" Ohmy pinagalitan niya ako.

"Sorry naman po. Bakit ba kasi gulat ka na kinausap ako ni Vince, eh saglit nga lang yun, tska suplado pa." Sabi ko habang papunta sa malapit na bleachers at tska umupo dun."

Sumunod naman siya sa akin at umupo din. "Eh kasi hindi siya focussed sa practice. Kapag naman kinakausap namin ni hindi manlang umiimik, muntanga lang. Muntanga lang, parang wala sa mundo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beloved ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon