Chapter 3- Seaside

35 0 0
                                        

Anria's POV.

Sabado ngayon, gusto ko pa sana matulog kaya lang hindi ako sanay magising nang tanghali. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba. Nakita ko si tita na nagluluto na nang almusal namin.

"Good Morning Tita Gina." Bati ko sakanya.

"Oh gising ka na pala Ria. Hintayin mo nalang itong niluluto ko, malapit na rin namang matapos."

"Naku po tita, wag mo na pong madaliin ang pagluluto. Kaya ko pong maghintay."

"Sige." Sagot niya. "Yung ate mo nga pala, bakit gabi na nakauwi?"

"Tita, ako pa talaga tinanong mo? Malay ko dun. Sigurado ako pag tinanong ko siya, di lang niya ako papansinin."

"Osige. Ako nalang magtatanong mamaya."

Ngumiti ako kay tita. "Tita, punta lang po sa garden." Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagluluto.

Hmmm. Ang sarap nang simoy nang hangin, ang ganda nang sinag nang araw. Tinignan ko ang mga bulaklak sa harap ko, ang ganda nang tubo nila ngayon. Kinuha ko ang pandilig at diniligan ko sila. Ako ang nag-aalaga sa mga bulaklak na ito, tinuruan kasi ako ni tito kung paano mag alaga nang halaman. Mahilig siya sa halaman, nung bata pa ako lagi ko siyang pinanonood, kaya isang araw tinuruan niya ako.

"Inunahan mo ako dito ha."

"Good Morning tito. Wala po kasi akong magawa eh."

Tumawa siya nang mahina. "Sige ikaw na bahala diyan sa mga bulaklak ako na dun sa mga gulay."

"Sige po. Para patas tayo." Ginulo lang niya ang buhok ko.

"Tito naman eh, kakasuklay ko lang."

"Wag ka ngang maarteng bata ka, ituloy mo nalang yang ginagawa mo."

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Gustuhin ko mang pumasok na dahil amoy na amoy na ang longganiza na niluluto ni tita, pero di ko magawa. Tatapusin ko muna ito.

"Tara na ija, kumain na muna tayo." Aya sa akin ni tito, pagkatapos naming ayusin ang mga halaman.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kusina habang kami ay kumakain. Awkward.

Alam kong ayaw ni tita sa ganitong klase nang araw kaya binasag na niya ang katahimikan. "Saicey bakit late ka na nakauwi kagabi?" Tanong niya kay ate.

"Tita alam mo naman po na may ki-nater pa kaming event sa hotel kagabi."

"Oo alam ko, pero tama bang ala una ka na nakauwi?"

"Tita, traffic po."

"Kahit na, sa susunod magtext ka para di kami nag-aalala sayo."

"Ok po." Simpleng sagot niya. "Tita pinapatawag nga po pala kayo mamaya sa school ni Anria." Walang ganang sambit niya. "Tumawag po sa akin yung adviser niya kanina."

"May pupuntahan ako mamaya, ikaw nalang Walter ang pumunta." Sabi ni tita kay tito.

"Hindi rin ako pwede, may delivery kami nang flowers." Tinignan niya si ate. "Ikaw nalang ang pumunta, Saicey."

"I can't." Sigaw niya. Alam ko naman na basta tungkol sa akin aayaw siya eh.

"Why?" Tanong ni tito.

"May tatapusin pa ako sa hotel." Tinitigan siya ni tito at ni tita, alam kasi namin na off duty niya tuwing sabado. "Fine! Ayaw kong pumunta sa doon." Pag-amin niya.

"Eh sinong pupunta?" Tanong ni tita.

"Wag nalang po kayong pumunta, tungkol sa grades ko lang naman po yun, bumaba po kasi." Mahinahong sagot ko.

Beloved ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon